Ang Paglikha kay Adam
Si Allah (Subhanawataallah) ay nagwika: (Pagmasdan!) At nang magwika ang inyong Panginoon sa mga Anghel: “Katotohanan, Ako ay maglalagay ng Khalifah (sangkatauhan, kapalit, kahalili) sa kalupaan (sa maraming sali’t saling lahi.) “Sila ay nagsabi: Maglalagay ba Kayo roon ng nilikha (tao) na gumawa ng kabuktutan at doon ay magdadanak ng dugo, at (habang) kami ay lumuluwalhati ng mga pagpupuri at pagpaparangal sa Inyong Banal (na Pangalan)?” Siya (Allah) ay nag wika: “Nababatid Ko ang hindi ninyo nalalaman:”.
At itinuro Niya kay Adan ang pangalan ng lahat ng bagay at itinambad Niya ang mga ito sa harapan ng mga anghel at nagsabi: “Sabihin ninyo sa Akin ang pangalan ng mga ito kung kayo ay nagsasabi ng katotohanan.”
Sila (mga anghel) ay nagsabi: “Luwalhatiin Kayo! Kami ay walang kaalaman maliban sa itinuro Ninyo sa amin: sa katotohanan Kayo lamang ang may Ganap na Kaalaman at Karunungan.”
Siya (Allah) ay nagwika: “O Adan! Sabahin mo sa kanila ang kanilang mga pangalan.” At nang masabi na niya sa kanila ang kanilang mga pangalan, si Allah ay nagwika: “Hindi baga Aking winika sa inyo na batid Ko ang mga lihim ng langit at lupa at talastas Ko kung ano ang inyong inilalantad at ikinukubli?”
At Kami ay nagwika: “O Adan! Manirahan ka at ang iyong asawa sa Paraiso (Halamanan) at kumain kayo rito ng mga masaganang bagay (saan man at kailanman) ninyo naisin, datapuwat huwag ninyo lapitan ang punong ito, baka kayo ay mapabilang sa mga makasalanan.
Nguni’t (hindi naglaon) ay nagawa ni Satanas na sila ay makalabas (sa katayuan ng katahimikan) na kanilang kinalalagyan. At Kami (Allah) ay nagwika: “Magsibaba kayong lahat (sa lupa), na kayo ay magkaaway (may pagkagalit sa bawat isa). At ang kalupaan ang inyong magiging tirahan at isang pansamantalang kaligayahan.”
At si Adan ay tumanggap ng mga Salita (Kapahayagan) mula sa kanyang Panginoon at Siya (ang kanyang Panginoon) ay nagpatawad sa kanya (tumanggap kami sa kanya ng pagsisi). Katotohanang Siya ay lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain.
Kami (Allah) ay nagwika: “Magsibaba kayong lahat mula rito (Paraiso), at kailanma’t may dumatal sa inyo na patnubay mula sa Akin; at sinumang sumunod sa Aking patnubay, ay walang dapat pangambahan, at hindi magkakaroon ng kalumbayan.” (Qur’an 2:30-39).
Si Allah (Subhanawataallah) ay nag wika; At Katiyakang Aming nilikha kayo (ang inyong amang si Adan), at pagkatapos ay amang si Adan), at pagkatapos ay aming ginawaran kayo ng hubog (ang marangal na hubog ng tao), at pagkatapos ay aming winika sa mga anghel, “Magpatirapa kayo kay Adan”, at sila ay nagpatirapa, maliban kay Iblis (isang Jinn na nasa lipon ng mga anghel), siya ay tumanggi na mapabilang doon sa mga nagpatirapa.
Si (Allah) ay nagwika: “Ano ang humadlang sa iyo (O Iblis) upang ikaw ay magpatirapa, nang ikaw ay aking pinag-utusan?”
Si Iblis ay nagsabi: “Ako ay higit na mabuti kaysa sa kanya (Adan), ako ay nilikha Ninyo mula sa apoy, at siya
(Adan). Ay Inyong nilikha mula sa malagkit na putik”.
Si (Allah) ay nagwika: “Bumaba ka (O Iblis) mula rito (sa Paraiso), hindi marapat sa iyo na ikaw ay magiging palalo rito; lumayas ka, sapagkat ikaw ay katotohanang kabilang sa mga naaba (at winalan ng karangalan).”
Si (Iblis) ay nagsabi: “Ako ay inyong bigyan ng palugit hanggang sa araw na sila ay ibabangon (alalong baga, ang araw ng Muling pagkabuhay)”
Si (Allah) ay nagwika: “Ikaw ay isa sa mga binigyan ng palugit”.
Si (Iblis) ay nagsabi: “Sapagkat ako ay Inyong iniligaw, katotohanang ako ay haharang sa kanila ([mga tao], tungo) sa Inyong Matuwid na Landas. At ako ay tutungo sa kanilang kanang bahagi at sa kanilang kaliwang bahagi (upang sila ay hadlangan sa Inyong Landas). At hindi Ninyo matatagpuan na ang karamihan sa kanila ay nagbibigay ng pasasalamat (alalaong baga, sila ay hindi magiging masunurin sa Inyo).”
Si (Allah) ay nagwika (kay Iblis): “Lumayas ka rito (sa Paraiso) na walang kahihiyan at pinatalsik. Kung sinuman sa kanila (sangkatauhan) ang sumunod sa iyo, kung gayon, katotohanang Aking pupunuin ang Impeyerno (sa pamamagitan) ninyong lahat.”
At, O Adan! Manirahan ka at ang iyong asawa sa Paraiso, at kumain kayo rito kung (anao) ang kapwa ninyo maibigan, at huwag ninyong lapitan ang punong ito, upang hindi kayo (kapwa) mapabilang sa Zalimun (mga tao na walang katarunngan at mapaggawa ng kamalian).”
At si Satanas ay bumulong sa kanilang dalawa (na sila ay kumain ng bunga ng puno na ipinagbawal sa kanila) upang (kung sila ay magkasala ay) malantad sa kanila kung ano ang kanila ay nakalingid na maslelang bahagi (ng kanilang katawan noon); siya ay nagsabi: Ang inyong panginoon ay hindi nagbawal sa inyo ng punong kahoy na ito maliban (sakadahilanang) baka kayo ay maging mga anghel o kayo ay maging walang kamatayan.”.
At siya (Satanas) ay nanumpa (sa Ngalan ni Allah) sa kanilang dalawa (na nagsabi): “Katotohanang ako ay matatapat na tagapayo sa inyong dalawa.”
Kayat Kanyang iniligaw sila ng may panlilinlang. At nang kanilang matikman ang (bunga) ng punong kahoy, yaong nakalingid sa kanila na kanilang kahihiyan (maselang bahagi ng katawan) ay nagging lantad sa kanila), at sila ay nagsimulang magtagni-tagni ng mga dahon ng halaman sa kanilang kahihiyan). At ang kanilang Panginoon ay tumawag sa kanila (na nagsabi): “Hindi baga ipinagbawal Ko sa inyo ang punong kahoy na yaon at (Ako ay) nangusap sa inyo na: “Katotohanang si Satanas ay inyong lantad na kaaway?”.
Sila ay nagsabi: “Aming Panginnoon! Aming ipinariwara an gaming sarili. Kung kami ay hindi Ninyo patatawarin at hindi Ninyo iagagawad sa ang Inyong Habag, katiyakang kami ay kabilang sa mga talunan.” (Si Allah) ay nagwika: “Magsibaba kayo, ang bawat isa sa inyo ay kaway sa isat-isa (alalong baga,kaaway nina Adan at Eba si Satanas). Ang kalupaan ang inyong pananahanan at (pansamantalang) kasiyahan sa natatakdang panahon.”
Siya (Allah) ay nagwika: “Doon kayo ay mamumuhay at doon kayo ay mamamatay, at mula roon ay muling ilalabas (alalong baga, ang muling pagkabuhay). (Qur’an 7:11-25)
Isipin nating kung paano si Allah (Suhanawataallah) magpasya ng gawin niya si Adan: Sinabi Niya at Ipinag-utos niya sa mga anghel na mag patirapa sa kanya (Adan). Hindi manlamang tinanong (sa mga anghel) ang kanilang mga pananaw (opinyon) o kaya ang kanilang payo, pagkat Siya ang Pinakamatas sa lahat Si Allah (Subhanawataallah) ay nag wika: (Pagmasdan!) At nang magwika ang inyong Panginoon sa mga Anghel: “Katotohanan, Ako ay maglalagay ng Khalifah (sangkatauhan, kapalit, kahalili) sa kalupaan (sa maraming sali’t saling lahi.) “Sila ay nagsabi: Maglalagay ba Kayo roon ng nilikha (tao) na gumawa ng kabuktutan at doon ay magdadanak ng dugo?” (Qur’an 2:30).
May mga tradisyon matatagal na ang mga anghel bago paman nilikha si Adan (pbuh). Ayon kay Ibn Qatadah, sinabi niya na ang mga anghel ay binigyan ng impormasyon tungkol sa paglikha kay Adan (pbuh) at mga lahi ng Jinn ng namuhay bago paman kay Adan (pbuh). Si Abdullah Ibn Umar ( isa sa mga Shahaba ni Propeta Muhammad) ay nagsabi na ang mga Jinn ay nanirahan na sa lupa ng 2000 taon bago paman kay Adan (pbuh) at dumanak na ng dugo dito sa lupa. Dahil doon si Allah (Suhanawataallah) ay nag padala ng mga Kawal ng Anghel upang mag tataboy sakanila sa ilalim ng dagat. Si Ibn Abi Hatim ay nag salaysay sa patnubay ni Ali Jafar Al Baqer na ang mga anghel ay napag-alaman na ang mga tao maninirahan na maghahasik ng kabuktutan at dadanak ng dugo dito sa ibabaw ng lupa.
Kung totoo man o hindi ang tradisyon ito ay mangyayari, ang mga anghel ay napag-alaman nila na si Allah (Suhanawataallah) ay maglalagay ng Khalifah (sangkatauhan,kapalit.kahalili) sa kalupaan. Si Allah (Suhanawataallah) ay nagpahayag na kanyang lilikhain ang tao na galling sa putik, at ito kanyang ihuhulma at hihipan ang kanyang ispiritu at ang mga anghel ay mag papatirapa sa Kanya ( Adan).
Si Abi Musa al Sha’arai ay nagsalaysay na si Propeta Muhammad (pbuh) ay nagsabi: “Si Allah (Suhanawataallah) ay nilikha si Adan sa pamamagitan ng sandakot na alikabok na kanyang inipon mag mula sa bawat sulok ng kalupaan. Kaya ang lahi si Adan (pbuh) ay nilikha sa pamamagitan ng komposisyon bawat kalupaan. Dahil doon kaya ang sankatauhan ay may ibat-ibat kulay puti, pula,itim at madidilaw, meron sa atin mababait at masasama, kaginhawaan at dalamhati, at kung ano ano pang dumarating sa atin.” ( Sahih al Bukhari).
Si Ibn Masud at ang ibang mga shahaba ng Propeta (pbuh) ay nagsabi na si Allah (Suhanawataallah) ay sinugo si Gabriel (Jibreel) sa lupa upang pag-utusan kumuha ng ibat-ibang klase ng putik sa lupa. Ang Kalupaan ay nagsabi (kay angel Gabriel): Ako ay humihingi ng kanlungan mula Kay Allah (Suhanawataallah) sa pagbawas mo sa aking kabuuan at pag bawas mo sa akin anyo”. At si Anghel Gabriel (Jibreel) ay nag balik ng walang dala at nagsabi kay Allah (Suhanawataallah) : “O aking panginoon ang kalupaan ay humihingi ng iyong kanlungan mula sa iyo at itoy aking pinayagan”.
Kaya si Anghel Mikael (Micheal) sa parehong utos na ipinatupad Niya kay anghel Gabriel (Jibreel) ay tumalima at nagbalik at sakanyang pagbabalik ay nagwika: “O aking panginoon ang kalupaan ay humihingi ng iyong kanlungan mula sa iyo at itoy aking pinayagan”.
Kaya sinugo ni Allah (subhanawataallah) ang Anghel ng Kamatayan, at ang kalupaan ay muling humingi ng kanlungan mula kay Allah at ang anghel (anghel ng Kamatayan) ay nagsabi: Ako din ay humihingi ng kalungan mula Kay Allah (Subhanawataalah) sa akin pagbabalik ng walang dala putik mula sayo (kalupaan). Kaya siya ay kumuha ng putik mula sa mukha ng kalupaan at pinaghalo niya ito. Siya ay hindi kumuha ng isang klase lamang sa iisang lugar kundi minabuti niyang kumuha ng ibat-ibang kulay puti,pula at itim na putik sa bawat lugar ng kalupaan.
Ang anghel ng Kamatayan ay pumanaog sa langit dala ang mga ito, Si Allah (Subhanawataallah) ay nilubog ang putik sa tubig haggang maging malagkit ito. (Alalahanin) nang ang iyong Panginoon ay nagwika sa mga anghel “Katotohanang Ako ay nilikha ng tao mula sa malagkit na putik”. Nang aking mahubog siya at Aking mahingahan ang kaluluwa na Aking (nilikha para sa kanya), sila ay nagpatirapa sa kanya “bilang paggalang at pagsunod sa Aking kautusan”(Qur’an 38:71-72).
Kaya si Allah (Suhanawataallah) ay hinubog si Adan bilang tao, ngunit siya (Adan) ay nagging hugis putik ng apatnapung (40) taon bago paman nagging tao. Ang lahat ng Anghel ay dinadaan-daanan siya (Adan). Sila (mga anghel) ay may takot sa kanilang nakita, at si Iblis ang isa sa mga ito na may malaking takot. Siya (Iblis) ay lagging dinadaan-daanan niya (ang hugis putik ni Adan) na sinasampal at ang tunog nito ay animoy palayok. “At nilikha Niya ang tao (Adan) mula sa malambot na putik na tulad (ng gamit) na palayok” (Qur’an 55:15).
At nang malapit na ang takdang oras upang ibigay ang ispiritu ni Adam (pbuh), (Ipagbadya) Siya (Allah) ay nag-utos: “ Kapag Aking hinipan at bigyan Ispiritu si Adan Kayo (Mga anghel) ay maypatirapa sa Kanya (Adan).”Si Allah (subhanawataallah) ay hinipan at binigyan ispiritu ni Adan (pbuh), At nang ang hinga ay malapit na sa Kanyang ulo si Adan (pbuh) ay nabahing . At ang lahat ng mga anghel ay nagsabi “Sabihin mo (Adan) ang lahat ng papuri ay para lang kay Allah” (Alhamdullilah!). At ito ay inulit ni Adan: “Alhamdulillah!” At si Allah ay nagsabi sa Kanya: “Ang Iyong Panginoon ay nagpapatawad sa iyo”. At nang ang ispiritu ay umabot sa kanyang mga mata, Si Adan ay napatitig sa mga prutas na makikita sa paraiso, At nang itoy (ispiritu) umabot na sa kanyang tiyan si Adan ay nakaramdam ng pagkagutom. Siya (Adan) ay dali-daling na nakumuha ng mga prutas na makakain bago paman dumating ang ispiritu niya haggang Sakanyang mga binti. Kaya si Allah (Subhanawataallah) ay nagsabi: “Äng tao ay nilikha na nagmamadali” (Qurán 21:37). Kaya’t ang mga anghel ay nagpatirapa (nagbigay-galang) sa kanya, silang lahat ng sama-sama. Maliban kay Iblis (Si Satanas)- siya ay tumangi na magpatirapa (Qurán 15:30:31).
Si Abu Hurairah ay nagsalaysay na si Propeta Muhammad (pbuh) ay nagsabi: “Si Allah ay nilikha si Adam mula sa alikabok at hinalo Niya ito hanggang sa ito ay maging malagkit na putik, at pagkatapos ito ay hinubog ni Allah (Subhanawataallah). At pagkatapos noon ay iniwan ito upang tumigas naparang palayok. Si Iblis ay lagging dinadaan-daanan Siya (Adan) na animoy nangungusap na sinasabing“Ikaw ay nilikha na may malaking layunin” At pagkatapos noon si Allah (Subhanawataallah) ay hiningahan ito (Adan) upang ibigay ang Kanyang ispiritu. Ang unang daan ng ispiritu ay mula sa kanya mga mata at kasunod ay sa ilong. Siya (Adan) ay napabahing At si Allah ay nagsabi: Ang iyong diyos ay nagpapatawad sa iyo, O Adan! (Siya ay inutusan) Magpunta ka sa mga Anghel at itanong mo kung ano ang sasabihin nila sa iyo! Kayat si Adan (pbuh) ay tumalima at binati niya ito “At ang mga anghel ay nagsabi: Kapayapaan sayo mula sa awa at pagpapala ni Allah” (Assallahmualaykum) Si Allah ay nagsabi: “Ito ang iyong pagbati at maging sa iyong saling lahi.” (Sahih al Bukhari.)
Si Allah (Sububhanawataallah) ay pinahayag: “At (gunitain) nang ang iyong Panginoon ay nagpalabas mula sa himaymay ni Adan ng kanyang mga anak at kaanak –anakan, at giniwa sila na sumaksi sa kanilang sarili, (na [si Allah] ay nagsabi sa kanila): “Hindi baga Ako ang inyong Panginoon?” Sila ay nagsabi : “Oo! Kami ay sumasaksi” (marahil) baka kayo ay magsabi sa Araw ng muling Pagkabuhay: “Katotohanang kami ay hindi nakakaalam nito”. “ O baka inyong sabihin: “Yaong lamang aming mga ninuno )noong panahong sinauna) ang tumatangkilik sa iba pa bilang mga katambal (sa pagsamba) kay Allah, at kami (lamang) ay kanilang mga saling –lahi pagkaraan nila; Inyo bagang wawasakin kami dahilan sa mga gawa ng mga tao na nagsagawa ng Al-Batil (alalong baga, ang pagsamba sa diyus-diyosan), paggawa ng krimen at kasalanan, panininikluhod sa iba pa sa pagsamba maliban pa kay Allah)?”.
Sa ganiton Namin ipinapaliwanag ang Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.) sa masusing paraan upang saila ay magbalik (sa Katotohanan). (Qur’an 7:172-174).
Ang Lahi ni Adan ay nagsabi: “O Panginoon, kami ay sumusumpa na walang ibang Diyos kundi Ikaw na aming Panginoon; Walang ibang diyos kundi ikaw Allah. Si Allah (Subhanawataallah) ay tinaas ang kanilang Amang si Adan, at siya (Adan) ay tumingin sakanila (kanyang mga lahi) at Kanyang (Adan) nakita kung sino ang mayaman at kung sino ang mahirap, at kung sino ang maymagandang anyo at kung sino ang hindi. Si Adan ay nagsabi: “ O Allah! Ako ay humiling mula sa iyo na maging pantaypantay sana ang iyong mga alipin. Ngunit si Allah (Subhanawataalah) ay tumugon: “Gusto ko ako ay lagging pinapasalamatan” At nakita ni Adan (pbuh) na animoy lampara ang Propeta sa gita ng kanyang lahi.
Ang Dakilang Allah ay nagpahayag: “(At alalahanin) nang Aming hingin sa mga propeta ang kanilang kasunduan, at mula sa iyo (O Muhammad), at mula kay Noah, Abraham, Moises at Hesus na anak ni Maria; hiningi Namin sa kanila ang isang sagradong Kasunduan.” (Qur’an 33:7).
Sa ibang Aya si Allah (Subhanawataallah) ay nag pahayag: “Kaya’t ituon mo ( O Muhammad) ang iyong mukha (alalong baga,ang iyong sarili) tungo sa Pananampalataya (na dalisay,ang Islam) na nahihilig sa katotohanan.(Kumapit at manatili ka) sa Fithrah (ang likas na damdamin na paniniwala at pagsamba sa tanging Isa at Panginoon) ni Allah, na sa gayunding (konsepto) nito (Fitrah) ay Kanyang nilikha ang (lahat) ang mga tao .Walang anumang pagbabago ang marapat (na mangyari) sa Khalq-illah (alalong baga, hayaang ang mga tao ay manatili sa kanilang Fitrah sa loob ng pananampalataya, Islam). Ito ang Tuwid na Pananampalataya, datampuwa’t ang karamihan sa mga tao ay walang kaalaman.” (Qur’an 30:30).
Ayon sa ibang bersiyon ng storya ay sinalaysay na si Allah (Subhanawataallah) ay kumuha ng sandakot na alikabok sa ibat-ibang parte ng mundo sa kalupaan at ito Kanyang hinalo na ibat ibang kulay, puti, itim, dilaw at pula. Ito ang naging dahilan kaya ang tao ang saling lahi ay ipinanganak na ibat-ibang kulay. At ngang si Allah (Subhanawataallah) ay hinalo ang alikabok sa tubig, ito’y naging animoy palayok na kawangis. Ito’y pinahilab at nag karoon ng amoy. Si Iblis ay padaan-daan sa Kanya (Adan), nag-iisip kung ano ang gagawin sa anyong hugis putik. Mula sa putik ay nilikha ni Allah (Subhanawataallah) si Adan (pbuh). Siya (Allah) ay hinubog si Adan (Pbuh) sa pamamagitan ng kanya mga kamay at hinipan at ang kanyang (Adan) ispiritu at ito ay umanib sa Kanyang katawan. Ang Katawan ni Adan (pbuh) ay nangatog ng ang buhay ay itanim sa Kanya. Katotohanang kung Siya ay magnais (na gumawa) ng isang bagay, ang Kanyang pag-uutos lamang ay: “ Mangyari nga” At ito ay magaganap. ! (Qur’an 36:82).
Si Allah (Subhanawataallah) ay nagsabi: Katotohanan, ang kahalintulad ni Hesus sa palikha sa kanya ni Allah (Subhanawataallah) ay kay Adan (pbuh). Kanyang nilikha siya mula sa alabok, at (Kanyang) winika sa kanya: “Mangyari nga!” At siya ay nilikha. (Qur’an 3:59).
Si Adan (pbuh) ng imulat ang Kanyang mga mata at nakita niya ang mga Anghel na nagpapatirapa sa Kanya maliban sa isa na dikalayuan ang distansya mula sa Kanya ay hindi Niya kilala ang pangalan nito. Si Iblis ay nakatayo kahanay ng mga Anghel na inutusan magpatirapa sa Kanya (Adan). Ngunit Siya (Iblis) ay hindi kabilang sa mga lahi ng mga Anghel. Siya ay isang Jinn , at magkagayon nadapat na siya (Iblis) ay pinaka mababa maliban sa mga Anghel. Ang pinakamalinaw s autos na magpatirapa sila kay Adan (pbuh) upang magbigay galang at hindi upang sambahin ng mga Anghel si Adan (pbuh). Ang pagpapatirapa na pagsamba ay ginagawa lamang kay Allah (Subhanawataallah).
Ang Pinakamakapangyarihan si Allah (Subhanawataallah) ay isinalaysay ang istorya ni Iblis ng ito’y tumangging mag patirapa mula kay Adan (pbuh): At (alalahanin) nang ang inyong Panginoon ay nangusap sa mga Anhel : “ Ako ay lilikha ng isang tao (Adan) mula sa putik , mula sa maitim at madulas na lupa. “Kaya’t kapag ito ay Aking natapos nang ganap, at (matapos na) Aking maihinga sa kanya (Adan) ang kaluluwa an Aking nilikha at magpatirapa sa kanya (bilang paggalang at hindi pagsamba).” “Kaya’t ang mga anghel ay nagpatirapa (nagbigay-galang) sa kanya, silang lahat ng sama-sama”. “Maliban kay Iblis (Si Satanas),-siya ay tumanggi an magpatirapa. “Siya (Allah) ay nagwika: “O Iblis! Ano ang iyong dahilan upang ikaw ay hindi sumama sa mga nagpapatirapa?”. “Siya (Iblis) ay nagsabi: “Hindi ako dapat magpatirapa sa putik, mula sa hinubog an maitim at madulas an lupa.” “Siya (Allah) ay nagsabi: “Kung gayon, ikaw ay Rajim ( isang isinumpa o itinaboy)”. “At katotohanang ang sumpa ay sasaiyo hanggang sa Araw ng paghuhukom ( alalong baga, ang Araw ng pagkabuhay).” (Qur’an 15:28-35).
Sa ibang aya ang pinakamakapangyarihan si Allah (Subhanawataallah) ay nagsalaysay: At katiyakang Aming nilikha kayo (ang inyong amang si Adan) at pagkatapos ay Aming ginawaran kayo ng hubog (ang marangal an hubog ng tao), at pagkatapos ay Aming winika sa mga Anhel “Magpatirapa kayo kay Adan”,at sila ay nagpatirapa, maliban kay Iblis (isang jinn na nasa lipon ng mga Anghel), siya ay tumanggi na mapabilang doon sa mga nagpapatirapa. “(Si Allah) ay nagwika : “ Ano ang humahadlang sa iyo ( O Iblis) upang ikaw ay hindi magpatirapa, nang ikaw ay Aking pinagutusan?” Si Iblis ay nagsabi: “Ako ay higit na masmabuti kaysa sa kanya (Adan), ako ay nilikha Ninyo mula sa apoy, at siya (Adan) ay Inyong lamang nilikha mula sa malagkit an putik.” (Si Allah) ay nagwika: “ Bumaba kayo ka ( O Iblis ) mula rito (sa paraiso), hindi marapat sa iyo an ikaw ay katotohanang kabilang sa mga naaba (at winalan ng karangalan).”(Si Iblis) ay nagsabi: “Ako ay Inyong bigyan ng palugit haggang sa Araw na sila ay ibabangon ( alalong baga, ang Araw ng muling Pagkabuhay.)” (Si Allah) ay nagwika: “Ikaw ay isa sa mga binigyan ng palugit”.(Qur’an 7:11-15).
Si Ibn Jarir ay nag ulat na ayon kay Muhammad Ibn Sirin ay nagsabi ayon sa kanyang konklusyon nasa makatuwid ay si Iblis ang dahilan ng Pagsamba sa Araw at Buwan ayon sa kanyang pamamagitan.Ito ang dahilan kaya si Iblis ay ikinukumpara niya Ang Kanyang sarila kay Adan (pbuh). Siya (Iblis) ay naniniwala na siya ay mas higit na dapat parangalan kaysa kay Adan (pbuh). Kaya siya ay hindi lumahok sa pagpapatirapa (kay Adan) kahit kay Allah (Subhanawataallah) na nag utos sa Kanya, at gayundin an iniutus sa mga anghel. At sa ating gawing paghahambing si Iblis ay masasabing isang hambog. Sa katotohanang ang putik ay mas mainam kaysa sa Apoy sa kadahilang ang mga katangian nito (putik) ay katahimikan, mahabagin, pagtitiyaga at pagyabong; gayong ang totoo’y ang apoy naman ay di magandang makitungo, walang kahulugan,at pangsunog. Si Iblis ay sinubukang bigyan ng katuwiran ang Kanyang pagtangi: “Siya (Iblis) ay nagsabi: “Nakikita ba Ninyo si (Adan) an Inyong pinarangalan nang higit sa akin? Kung ako ay (Inyong) bibigyan ng palugit hanggang sa Araw ng Muling pagkabuhay , katotohanang aking sasakmalin (ililigaw) ang kanyang mga anak (mga lahi), maliban sa ilan sa kanila!” (Qur’an 17:62).
Si Adan (pbuh) ay sumusunod lamang sama nagyayari sa kanyang paligid at may damdamin ng pagmamahal, takot, pagkamangha. Sa lalim ng pagmamahal ni Allah (Subhanawataallah), ang siyang lumikha at kaluwalhatian sa Kanya at sa mga anghel na kanyang nilikha nanagpapatirapa sa Kanya (Allah). Ang pagkasindak ng dakilang lumikha (Allah) ang nagbigay poot upang alisin si Iblis sa pamamagitan ng kanyang awa. Si Adan (pbuh) ay nagulat sa Kayang nilikha (si Iblis) sa pagkapoot sa Kanya ni Iblis (Satanas) an hindi man lamang niya alam ang ngalan nito nang una, at sa Kanyang isip (Iblis) ay mas mainam siya kaysa kay Adan (pbuh) na walang batayan kung siya (Adan) ay karapat-dapat. Kakaiba si Iblis sa mga nilikha, at kamangha-mangha ang kanyang dahilan sa pagsuway sa utos na magpatirapa siya(kay Adan).
Siya (Iblis) ay nag-isip na mas mainam ang apoy kaysa putik, kung saan niya nakuha ang ganitong kaisipan? Na ang gayon kalaman ay natatangi lamang sa dakilang lumikha kung alin sa dalawa ang mas mainam sa putik at ang apoy.
Sagayong pag-uusap (sapagitan ni Allah at Iblis) na laman ni Adan (pbuh) na si Iblis na kanyang nilikha ( ni Allah) ang tunay na pagkatao ni Iblis na tuso at walang utang na loob. At noo’y napagalaman niya na si Iblis ang walang hanggang kaaway. Si Adan ay malaki ang pagkagulat sa kapangahasan ni Iblis at sa pagunawa ni Allah (Subhanawataallah). Kagad-agad pagkatapos ng paglikha kay Adan ay nabatid niya ang malaking kalayaan na iginawad ni Allah (Subhanawataallah) sa kanyang mga nilalang.
Alam ni Allah (Subhanawataallah) na si Iblis ay hindi susunod sa Kanya ng kanyang ipag-utos ang pagpapatira pa kay Adan (pbuh). Kung tutuusin si Allah (Subhanawataallah) ay kayang patayin siya (Iblis) agad o kaya’y gawing isang dakot na alikabok o patayin sa pag-utas ng kanyang bibig. Ngunit, Si Allah (Subhanawataallah) ay nagbigay kaayusan sa Kanyang mga nilikha ng lubos na kalayaan na kahit na ito ay umabot pa sa pagtanggi sa Kanyang dakilang ipinag-uutos. Siya ay nag bigay ng kalayang tumanggi, pagsuway, at kahit maging sa kanyang kasunduan.
Ang Kanyang Kaharian ay hindi magmamaliw kung ang mga hindi mananampalataya ay hindi sumampalataya sa kanya at kahit pa umabot sa lahat ng tao ay hindi sumampalataya sa Kanya. Liban dito, ang mga hindi sumampalataya ay siyang talunan, at ang mga manamampalataya ang siyang magwawagi ngunit si Allah (Subhanawataallah) ang siyang lubos an nakakalalam.
May mga salinsabi tungkol kay Iblis sa kapanahunan ni Propeta Muhammad (pbuh). Sina Ibn Masud, Ibn Abbas at ang grupo ng mga Sahaba ni Propeta Muhammad (pbuh) ay nagsabi: na si Iblis ay dating pinuno ng mga lupon ng mga anghel sa kalangitan. Si Ibn Abbas ay nagsabi sa kanyang salaysay: Nasi Iblis ang dating pangalan niya ay Azazil at sa iba namang salaysay ay kanyang sinabi an Al Harith. Ibn Abbas nagsabi din na si Iblis ay isa sa mga Jinn na taga pamahala ng Paraiso noong una, Siya (Iblis) ay kagalang-galang at pinakamaalam at matapat sa lahat. Sa ibang salinsabi ay sinabi na siya ang pinakabantog namay apat an pakpak (anghel) , bago paman ito ginawaran ng kasumpasumpang si Satanas.
Si Allah (Subhanawataallah) ang pinakadakila ay isinalaysay si Iblis, ang pagiging pagsuway nito sa ibang Aya: “(Alalahanin) nang ang iyong Panginoon ay nagwika sa mga anghel : “Katotohanang Ako ay nagwika sa mga anghel: “Katotohanang Ako ay lilikha ng tao mula sa malagkit na putik.” “Nang Aking mahubog siya at Aking mahingahan ang kaluluwa na Aking (nilikha para sa kanya), sila ay nagpatirapa sa kanya (bilang paggalang at pagsunod at pagsunod sa Aking kautusan). Maliban kay Iblis (Satanas); siya ay nagging palalo at napabilang sa mga hindi sumasampalataya.
(Si Allah) ay nagwika: “(Na) katotohananng Aking pupunuin ang Impyerno na kasama ka (Iblis) at sila sa susunod sa iyo mula sa kanilang lipon, nang sama-sama.” (Qur’an 38:71, 85)
At pagkatapos niyang mapagaralan ang lahat .Si Adan (pbuh) ay may isa pang natutunan, tungkol sa Karunungan. Si Adan (pbuh) ay napagalaman niya nasi Iblis ay ang Simbilo ng kasamaan at sa buong kalawakan at ang mga anghel ay simbolo ng kabutihan. Nganit hindi niya lubusan pa nalalaman ang tungkol sa kanyang sarili. Kaya Si Allah (Subhanawataallah) ay hinayaan siyang (Adan) na mapagtanto ang kanyang sarili at ang dahilan ng kanyang pagkakalikha, at ang naiikubling kaluwalhatian nito.
Si Allah (Subhanawataallah) ay nag sabi: At itinuro Niya kay Adan ang mga pangalan ng lahat ng bagay at itinambad Niya ang mga ito sa harapan ng mga anghel at nagsabi: “Sabihin ninyo sa Akin ang pangalan ng mga ito kung kayo ay nagsabi ng katotohanan.” (Qurán 2:31).
Ang Kataastasang si Allah (Subhanawataallah) ay pinayagan si Adan (pbuh) na malaman ang lahat ng bagay sa kanyang paligid at ang kabuuan ngalan nito tulad ng; ito ang ibon, ito ang mga bituin, ito ang mga puno at iba pa. Si Allah (Subhanawataallah) ay nagtanim ng kay Adan (pbuh) ng walang pagkabusugan sa lahat ng bagay, at pagmamahal sa kaalaman, at upang ipamana ang kaalamanan sa kanyang salin lahi. Ito ang dahilan ng kanyang pagkakalikha at ang naikukubling kaluwalhatian nito.
Pagkatapos nalaman ni Adan (pbuh) ang lahat ng mga pangalan ng bagay, kasabay ang uri at ang gamit nito, Si Allah (Subhanawataallah) ay inilantad sa mga Anghel at sinabi: “Sabihin ninyo sa Akin ang mga pangalan ng mga ito kung kayo ay nagsasabi ng katotohan.”(Qurán 2:31). Sila (mga anghel) ay nagsabi: “Luwalhatiin Kayo sa itinuro Ninyo sa amin; sa katotohanan Kayo lamang ang ganap na may Kalaman at Karunungan”. (Qurán2:32).
Si Allah (Subhanawataallah) pagkatapos ay sumangguni sa Adam: "O Adan! sabihin mo sa kanila ng kanilang mga pangalan," At ng masabi na niya ang kanilang mga pangalan, Si Allah ay nag wika: "Hindi baga Aking winika sa inyo na nababatid Ko ang mga lihim ng langit at sa lupa at talastas Ko kung ano ang inyong inilalantad at ikinukubli? " (Qur’an 2:33).
Si Allah (Subhanawataallah) ay gusto na ang mga anghel na malaman nila na Alam niya ang kanilang labis na pagtataka kapag Siya ay sinabi sa kanila ang tungkol sa paglikha Niya kay Adan (pbuh) at na Siya rin ang lubos na nakakaalam ng kanilang pagkalito kung saan hindi sila ang nagsiwalat nito, pati na rin kung ano ang kay Iblis ang lingid sa kanyang pagsuway at kawalan ng utang na loob. Ang mga anghel ng maisasakatuparan ni Adan (pbuh) ang nilalang na alam kung ano ang hindi nila alam at na ang kanyang kapasidad na matuto ay kanyang pinaka marangal na kalidad. Ang Kanyang kaalaman kasama ang kaalaman tungkol sa Dakilang Lumikha na tinatawag nating pananampalataya o Islam, pati na rin ang kaalaman kung panaano tumira at maging makapangyarihan sa lupa. Lahat ng mga uri ng pangmundo kaalaman kung saan ay kasama dito.
Si Adan (pbuh) ay alam ang mga pangalan ng lahat. Minsan siya nakikipag-usap sa mga anghel, ngunit sila ay abalang-abala sa pagsamba Kay Allah (Sunhanawataallah). Samakatuwid si Adan (pbuh),ay nakadama ng pag-iisa. Isang araw siya nakatulog at sa Kanyang pagkagising natagpuan Niya malapit sa kanyang ulohan, ang isang babae nakatitig sa kanyang mukha na may magandang mga magiliw na mata .
Ang mga anghel ay nagtanong sa kanya kung ano ang kanyang pangalan at Siya ay tumugon: ". Siya ay si Eba (Hawa)" (Ibig sabihin buhay na bagay ). Sila (mga anghel) ay nagtanong: "Bakit mo Siya tawag na Eba?" At si Adan (pbuh) ay sinabi: "Dahil siya ay nilikha sa akin at ako ay isang bagay na buhay."
Si Ibn Abbas at isang pangkat ng mga kasamahan ng Propeta (PBUH) ay nagsalaysay na kapag si Iblis ay ipinadala sa Paraiso at si Adan (pbuh) ay pinatutuloy niya si (Iblis) dito. Si Adan (pbuh) ay nag-iisa sa Paraiso at wala siyang kasama, na mula kahit na kanino niya makakuha ang kapanatagan. Siya ay nakatulog ng ilang oras at sa Kanyang pagising, Nakita niya ang isang babae na nilikha ni Allah (Subhanawataallah) mula sa kanyang tadyang. Kaya siya (Eba) ay Kanyang tinanong, "Sino Ka ? at Siya (Eba) ay tumugon," Isang babae ". Siya (Adan ) ay nagtanong:" Bakit ka nilikha? " Siya (Eba) ay nagsabi:" Kaya ako ay nilkha upang maaari mong mahanap ang kapayapaan sa akin”. Ang mga anghel,ay sinusubukan na alamin ang lawak ng Kanyang (Adan) kaalaman tungkol dito,Kaya Siya (Adan) ay tinanong: "Ano ang kanyang pangalan O Adan (pbuh)?" Siya ay tumugon, "Eba" Tinanong nila (mga anghel): "Bakit kaya iyon ang kanyang pinangalanan?" Siya (Adan) ay tumugon, "Dahil siya ay nilikha mula sa isang bagay na buhay."
Si Muhammad Ibn Ishaaq at Ibn Abbas kaugnay sa kwento ay nagsabi nasi Eba ay nilikha mula sa pinakamaikling kaliwa tadyang ni Adan (pbuh) habang siya ay natutulog at pagkatapos ng ito ay binalutan ng laman. Na siyang dahilan kung bakit si Allah (Subhanawataallah) ay sinabi: O sangkatauhan! Pangambahan (ninyo) ang inyong Panginoon na lumikha sa inyo mula sa isang tao (Adan), at mula sa Kanya ay nilikha Niya ang kanyang asawa (Eba), at mula sa kanila dalawa ay nilikha Niya ang maraming mga lalaki at babae. (Qur’an 4:1) Si Allah (Subhanawataallah)ay sinabi din: Siya (Allah) ang lumikha sa inyo mula sa isang tao (Adan) at Kanyang nilikha mula sa kanya kanyang asawa (Eba), upang siya (ang lalaki) ay makadama ng kapanatagan na mamuhay sa niya (ang babae). (Qur’an 7:189).
Si Abu Hurairah ay nagsalaysay na ang Propeta Muhammad (PBUH) ay nagsabi:. " O Muslims! ang payo ko sa inyo na maging magiliw sa mga kababaihan, dahil sa sila ay nilikha mula sa isang tadyang, at ang pinaka-baluktot na bahagi ng buto ng tadyang ay ang itaas na bahagi nito. Kung sinubukan mong ituwid ito, ito ay mababali at kung iwan mo ito, mananatili itong baluktot, kaya't hinihimok ko sa inyo na pangangalagaan ang mga kababaihan. " (Sahih Bukhari).
Si Allah (Subhanawataallah) ay nag utos kay Adan (pbuh) upang mamuhay sa Paraiso: "O Adan! Manirahan ka at ang iyong asawa sa Paraiso (Halamanan) at kumain rito ng masaganang bagay ( saan man at kailanman ) ninyo naisin, datapuwa’t huwag ninyong lapitan ang punong ang ito, baka kayo ay mapabilang sa mga makasalanan. (Qur’an 2:35)
Ang lokasyon ng Paraiso ay hindi natin batid. Ang Qur’an ay hindi ibinunyag ito, at ang mga nagsasalaysay ay may limang magkakaibang opinyon. Ang ilang ay nagsinabi na ang paraiso ay ating kanlungan at ang lugar na ito ay langit. Ang Iba naman ay di umayon sa mungkahi na dahil kung ito ay ang paraiso ang ating kanlungan si Iblis ay ipinagbawal na pumasok at pagsuway ay ipinagbabawal din dito. Ang Iba pa rin ay sinabi na ito ay isa pang paraiso na nilikha sa pamamagitan ni Allah para kay Adan at Eba. Ang ika-apat na grupo naman ay sinabi ito ay isang paraiso sa lupa na matatagpuan sa isang mataas na lugar. Ang isa pang pangkat ng mga nagsasalaysay ay tinanggap na lamang kung ano ang nasa Qur’an na walang pagtatanong kung saan ang paraiso na ito ay matatagpuan. Ang lahat ay sumasang-ayon sa huling opinyon bilang aral na dapat malaman natin mula sa lokasyon nito ay hindi mahalaga kumpara sa aralin ng pahina at ang mga kaganapan na kinuha sa lugar na ito.
Si Adan at Eba ay pinatuloy sa Paraiso at doon sila nanirahan na siyang pinangarap ng lahat ng tao. Si Allah (Subhanawataallah) ay pinahihintulutan lapitan at tamasahin ang lahat ng bagay maliban sa isang puno,
na maaaring ang Puno na ito ay magdudulot ng sakit o ng Puno ng Kaalaman. Si Allah (Subhanawataallah) ay ipinagbawal ang mga ito sila sa kanilang tinutuluyang Paraiso. " datapuwa’t huwag ninyong lapitan ang punong ito, baka kayo ay mapabilang sa mga makasalanan." (Qur’an 2:35)
Si Adan at Eba ay nauunawaan na sila ay ipinagbabawalan na matikman ang bunga ng punong kahoy. Gayunpaman si Adan (pbuh) ay isang tao lamang at upang ito ay madaling makalimutan. Ang kanyang (Adan) tibok ng puso ay pabago-bago at ito ang kanyang ay kahinaan. Si Iblis ay tinipon ang lahat ng mga inggit sa loob ng kanyang dibdib at upang samantalahin ang kahinan ng pagkatao ni Adan (pbuh). Sinimulan niya (Iblis) na bumulongan si (Adan) araw- araw,upang himukin Siya (Adan): " Gusto ninyo ba na gabayan ko kayo upang makahanap ng Puno na maghahatid sa inyo ng kawalang-kamatayan at ang walang hanggan Kaharian?" Sinabi niya sa kanila: "Ang iyong Panginoon ay hindi nagbawal sa inyo (na kumain ng bunga) ng punoy kahoy na ito, maliban (sa kadahilanang) baka kayo maging mga anghel o kayo ay maging ng walang kamatayan." Siya (Satanas) ay nanumpa kanilang dalawa (na nagsabi): ". Katotohanang ako ay matapat na tagapagpayo sa inyo dalawa" (Qur’an 7:20-21).
Adam nagtanong ang kanyang sarili?: "Ano ang mangyayari kung kumain ako mula sa Punong kahoy an ito? Maaaring tunay ang ito ay puno ng kawalang-kamatayan." Ang Kanyang (Adan) pangarap ay upang manirahan nang walang hanggan sa purong kawalang-kasalanan ng Paraiso. "
Taon ang lumipas, at ng sila Adan (pbuh) at Eba (pbuh) ay abalang-abala sa mga saloobin ng punong. Pagkatapos ng isang araw sila ay nagpasya na kumain ng prutas nito. Sila ay nakalimot na si Allah (Subhanawataaallah) ay nagbigay babala na wag lalapitan ang puno na ito at si Iblis ay ang kanilang tunay na kaaway. Si Adan (pbuh) ay inunat ang Kanyang kamay,upang pumili ng isa sa mga bunga nito at inalok ito kay Eba (pbuh). Sila ay parehong kumain ng ipinagbabawal na bunga ng puno.
Si Allah (Subhanawataallah) ay nagsabi sa atin: "Kaya’t Kanyang iniligaw sila na may panlilinlang." (Qur’an 7:22) Si Allah (Subhanawataallah) ay sinabi: "Sa ganito sinuway ni Adan (pbuh) ang Kanayang Panginoon, kayat siya ay napaligaw." (Qur’an 20:121).
Ayon sa lumang Tipan, Si Eba ay inakit ng demonyo upang kumain ng ipinagbabawal na bunga ng puno. Siya ay kumain dahil sa mga salita ng demonyo at ipinakain din niya ito kay Adan (pbuh). Sa isang saglit, ang kanilang mga mata ay nabuksan sa katotohanan na sila ay hubad, at sila ay kinuha ang dahon ng puno ng igos upang masakop ang kanilang mga sarili. Si Wahb Ibn Munabah ay sinabi na ang kanilang damit (bago ang kanilang mga kasalanan) ay ginawang banaag sa pribadong bahagi ng pareho ang mga ito.
Ang Kuwentong ito sa Lumang Tipan ay isang huwad at panlilinlang. Si Allah (Subhanawataallah) ay nagsiwalat: O Angkan ni Adan! Huwag hayaan si Satanas ay luminlang sa inyo, tulad ng pagkapalayas niya sa inyong mga magulang (Adan at Eba) mula sa Paraiso , na hinubaran sila ng kanilang saplot upang maipakita sa kanilang maseselang bahagi ng katawan. Katotohanang siya (Satanas) at ang kanyang mga sundalo mula sa lugar na sila ay hindi ninyo nakikita , Katotohanang Aming ginawa ang mga dyablo (satanas) bilang auliya (tagapangalaga at tagapagtangkilik) ng mga walang pananampalataya."(Qur’an 7:27) .
Si Adan (pbuh) ay marahil ay hindi pa natatapos sa pagkain ng siya ay nakadama kanyang paninikip ng puso , at siya ay biglang napuno ng sakit, kalungkutan at kahihiyan. Ang Kanyang kapaligiran ay nagbago at ang panloob na musika sa kanyang dibdib ay huminto. Natuklasan Niya at ang kanyang asawa na sila ay nakahubad, kaya sila parehong nagsimula namagputol ng dahon ng puno na kung saan upang matakpan ang kanilang mga sarili.
Si Allah (Subhanawataallah) ay sinalita niya: "Hindi baga ipinagbawal Ko sa inyo ang punong kahoy na yaon at (Ako ay) nangungusap sa inyo an: Katotohanang si Satanas ay inyong lantad na kaaway ?" Sila ay nagsabi: "Aming Panginoon! Aming pinariwara ang aming sarili, Kung kami ay hindi Ninyo patatawarin at hindi Ninyo igagawad sa amin ang Inyong Habag, katiyakang kami ay kabilang sa mga talunan." Si Allah ay nagwika: "Magsibaba kayo, ang bawat isa sa inyo ay kaaway sa isa’t isa (alalong baga, kaaway ni Adan (pbuh) at Eba (pbuh) si Satanas) Ang Kalupaan ang inyong pananahanan at (pansamantalang) kasiyahan sa nakatakdang panahon." Siya (Allah) ay nagwika: "Doon kayo ay mamumuhay ,at doon kayo ay mamamatay, at mula roon kayo ay muling ilalabas (alalong baga, ang pagkabuhay)" (Qur’an 7:22-25).
Muli ay may mga lumang kwento pa tungkol sa mga kaganapang ito.Si Al Hafez Ibn Asaker ay nagsalaysay na si Allah (Subhanawataallah) ay nagutos sa dalawang mga anghel upang alisin Adan (pbuh) mula sa Kanyang banal na kalapitan (alalong baga, sa pagitan ni Allah at Adan). Kaya si Anghel Gabriel (Jibreel) ay tinanggalan niya ng korona si (Adan) sa kanyang ulo, at si Mikael naman ay kinuha ang diadem mula sa kanyang noo. Si Adan (pbuh) ay naisip na ang kanyang kaparusahan ay madaliin at kayat siya ay napatirapang napaiyak; "kapatawaran! kapatawaran! (ito ang kanyang sambit)" Kayat si Allah (Subhanawataallah) ay nagtanong: " Bakit ka tumatakbong papalayo mula sa Akin?" Si Adan (pbuh) ay sumagot, "Hindi, aking Panginoon, ngunit ako ay nahihiya sa iyo."
Si Abdul Rahman Ibn Amru AL Awza ay sinabi na Adan (pbuh) ay ginugol ang 100 taon sa Paraiso. Sa ibang pagsasalaysay naman kanilang sinabi na siya (Adan) ay ginugol ang 60 taon. Si Ibn Asaker ay iniulat na si Adan (pbuh) ay tumangis (umiyak) ng 60 taon para sa kanyang pagkawala ng Paraiso at 70 taon para sa kanyang pagkakamali, at siya ay tumangis (umiyak) pa ng 70 taon ng ang kanyang anak na lalaki ay namatay.
Sila ay umalis mula sa Paraiso at bumaba sa lupa. Si Adan (pbuh) ay malungkot at Eba (pbuh) ay umiiyak (nang sila ay pinaalis sa paraiso) . Si Allah (Subhanawataallah) ay tinanggap ang kanilang pagsisisi sapagkat ito ay taos-puso sa kanilang dibdib at Siya ay nagsabi sa kanila na ang lupa ay magiging kanilang lupain at pinanggalingan kung saan sila nakatira at mamatay at sa anong kadahilan sila ay dadating sa kanila ang Araw ng paghuhukom.
please click the green and white arrow for exam