ANG APAT NA PAMARAAN NG PAGLIKHA NG DIYOS SA TAO

(ni: ahmad erandio)

At kung bakit nilikha ni Allah (swt) ang tao sa apat na pamamaraan upang sa gayon ating ganap na malaman na ang tao maging propeta man o kilala ang kabanalan kailanman ay hindi maaring

maging kahalintulad sa Maylikha.

Quran 49:13 O sangkatauhan! Katiyakang nilikha Namin kayo mula sa isang ama lamang na ito ay si Âdam (Adan u), at sa isang ina lamang na ito ay si Hawwa` (Eba u), na kung kaya, walang pagtatangi-tangi sa pagitan ninyo sa lahi, at ginawa Namin kayo dahil sa pagpaparami ng lahi na mga sambayanan at iba’t ibang tribo, upang makilala ninyo ang isa’t isa, at dapat ninyong mabatid na ang pinakamarangal sa inyo sa paningin ng Allâh (I) ay ang sinumang pinakamatakutin sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang mga ipinag-uutos at pag-iwas sa Kanyang mga ipinagbabawal.

PINAGMULAN AMA INA ANG PAGKALIKHA
1. ADAN WALANG AMA WALANG INA MULA SA ALABOK

Quran 30:20. At kabilang sa mga palatandaan ng Allâh (I) na nagpapatunay ng Kanyang

kadakilaan at ganap na kakayahan ay nilikha Niya ang inyong ama na si Âdam mula sa alabok, pagkatapos kayo na mga tao ay nagkakaanak at dumarami sa ibabaw ng kalupaan na naghahangad ng kagandahang-loob ng Allâh (I).

PINAGMULAN AMA INA ANG PAGKALIKHA

2. EBA

WALANG AMA

WALANG INA

NAGMULA SA TADYANG NI ADAN

Qur’an; 4:1. O sangkatauhan! Katakutan ninyo ang Allâh (I) at sundin ninyo ang Kanyang mga ipinag-uutos, at iwasan ang Kanyang mga ipinagbabawal, sapagka’t Siya ang lumikha sa inyo mula sa isang tao na si Âdam (u) at mula sa kanya ay nilikha Niya ang kanyang asawa na si Hawwa` (Eba u) at mula sa kanilang dalawa ay kumalat sa buong daigdig ang maraming kalalakihan at kababaihan.

PINAGMULAN AMA INA ANG PAGKALIKHA

3. MARIA

MAYROONG AMA

MAYROONG INA

NAGMULA SA SEMILYA NG AMA AT INA

Qur’an 3:42. At ipaalaala mo, O Muhammad (r), nang sinabi ng mga anghel: “O Maryam, katotohanan ang Allâh (I) ay pinili ka para sumunod sa Kanya, at nilinis ka mula sa mga masasamang pag-uugali at kahalayan; at bukod-tangi kang pinili sa lahat ng mga kababaihan sa sangkatauhan sa iyong kapanahunan.

PINAGMULAN AMA INA ANG PAGKALIKHA

4. HESUS

WALANG AMA

MAYROON

NAGMULA SA SINAPUPUNAN NI MARIA

Qur’an 3:59. Katiyakan, ang paglikha ng Allâh (I) kay `Îsã (u) na walang ama ay katulad ng paglikha ng Allâh (I) kay Âdam (u) nang walang ama’t ina. Dahil siya ay nilikha Niya mula sa alabok, pagkatapos sinabi sa kanya na maging tao at ito ay naging (o naganap).

MALINAW NA ANG PAGKALIKHA NI HESUS AT EBA AY MAGKAHALINTULAD

Si Hesus (as) walang ama nagmula lamang sa katawan ni Maria (as).

Si Eba walang ina nagmula lamang sa katawan o tadyang ni Adan (as). At ang lahat ay sa kapahintulutan ni Allah (swt).

Kaya sa Islamikong pananaw, kahit saan man napasakop sa apat na pamamaraan ng pagkalikha ng Diyos sa tao kailanman ay hindi maaring maging kapantay ng Diyos kundi siya ay isang alipin lamang.

SA ARAW NG MULING PAGKABUHAY SI HESUS (AS) AY TATANUNGIN NI ALLAH (SWT)

Qur’an 5:116. Alalahanin mo na sasabihin ng Allâh (I) sa Araw ng Muling Pagkabuhay: “O `Îsã (u) na anak ni Maryam, ikaw ba, sinabi mo sa mga tao na: ‘Ituring ninyo ako at ang aking ina na dalawang sinasamba bukod sa Allâh?,,Tumugon si `Îssã (Hesus u) bilang pagluwalhati sa Allâh (I): “Hindi maaaring sasabihin ko sa mga tao ang hindi totoo. Kung sinabi ko man ito, tiyak na ito ay batid Mo, dahil Ikaw ay walang maililihim sa Iyo na anuman, alam Mo kung ano ang kinikimkim ko, na kung ano ang nasa aking sarili at hindi ko alam kung ano ang nasa Iyo. Katiyakan, Ikaw ang ‘`Aleem’ – ang Ganap na Nakaaalam ng lahat ng bagay na nakalantad o lihim.”

AT SINABI NI HESUS (AS), SIYA AY PROPETA NI ALLAH (SWT)

Quran 19:30. “Katiyakan, ako ay alipin ng Allâh, na Siyang nagpasiya na ako ay pagkalooban ng Aklat na ‘Injeel,’ (Ebanghilyo) at ginawa Niya akong Propeta.

AT GANOON DIN SA MGA NAUNANG KASULATAN SI HESUS (AS) AY PROPETA

Juan 6:14. Pagkakita sa tandang ginawa ni Hesus, sinabi ng mga tao: “Ito ngang talaga ang Propeta parating sa mundo.”

AT SINABI NI HESUS (AS), KAY ALLAH (SWT) LAMANG KAYO SUMAMBA

Qur’an 19:36 At sinabi ni `Îssã (Hesus) sa kanyang sambayanan: “Katiyakan, ang Allâh (I) ay aking ‘Rabb’ at inyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha, na kung kaya, sambahin ninyo Siya nang bukod-tangi na walang katambal, at ito ang Matuwid na Landas.”

END OF THE TOPIC

JAZAKALLAHU KHAIRAN

contact me please. if you want to know more or embrace Islam

This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
fb. ahmad erandio