ALAM NI DAVID AT HESUS ANG BLACK STONE SA KABAH

(ni: bro. ahmad erandio)

 

 

Ang mga Muslim ay may paniniwalang ang Black Stone na naging panulukang bato o head of the corner sa isa sa apat na kanto ng Kabah ay nagmula Kay Allah (swt) sa katunayan ang batong ito ay walang kapariha sa alinmang bato sa Kalupan na ating kinalalagyan.

At sa panahon ng kanilang pag sasagawa ng Hajj o Umra sila ay may layuning mag umpisa sa pag-ikot sa kinalalagyan ng Black Stone na nasa sulok o kanto ng Kabah.

Prophet Muhammad (pbuh) said in one of His hadiths: “The Black stone descended from paradise, and it was whiter than milk, then it was blacked by this sin of the children of Adam.”  (Tirmidhi)

Ang hadith ay nagpapatibay na ang Black Stone ay hindi ordinaryong bato kundi ito ay nagmula sa Paraiso, at ito ay dalisay at mas maputi pa sa gatas, at nagsimula lamang umitim dahil sa mga nagawang kasalanan ng mga anak ni Adam (as).

Prophet Muhammad (PBUH) said in one of His hadiths: “By Allah! On the Day of Qiyaamah, Allah will present the Hajare Aswad in such a manner that it will have two eyes and a tongue to testify to the Imaan (faith) of all those who kissed it.” (Tirmidhi)

In another hadith, Prophet Muhammad (PBUH) said: “The Hajre Aswad and al-Maqam (The place of Ibrahim) are the two jewels from the jewels of Paradise. Had Allah not concealed their radiance, they would illuminate everything between the East and the West.” (Tirmidhi)

Ang hadith ay nagpapatibay sa kahalagahan at kabuluhan sa Hajre Aswad (Black Stone) at ang lugar ni Propeta Ibrahim (as) ang Makkah at ang Kabah (ang Bahay Dasalan) na may likas na maliwanag sa may pananampalataya.

AT KAHIT SI HESUS (AS) ALAM ANG BLACK STONE SA KABAH

Mateo 21:42. At sumagot si Jesus: “Hindi ba ninyo nabasa sa Kasulatan? ‘Naging panulukang bato ang tinanggihan ng mga taga-pagtayo. Gawa ito ng Panginoon; at kahanga-hanga ang ating nakita.’ (K. E. P.)

Mathew 21:42. Jesus saith unto them, did you never read in the scriptures, the stone which the builders rejected, the same is become the head of the corner; this is the Lord’s doing, and it is marvelous in our eyes. (K.J.V.)

AALISIN SA (MGA HUDYO) ANG KAHARIAN NG DIYOS

Mateo 21:43. Kaya sinasabi ko sa inyo: aagawin sa inyo ang kaharian ng Diyos at ibibigay sa isang bayang makapagpapalago nito.

ANO ANG TINUTUKOY NA PINAPALAGO AT ANONG BAYAN ANG MAKAPAGPAPALAGO

Ang tinutukoy na pinapalago ay ang relihiyong Islam na lumalago at ang bayang makapagpapalago ay ang Saudi Arabia.

Isaiah 21:13 Propesiya tungkol sa Arabia.

Isaiah 21:13 the burden upon Arabia.

AT KAHIT SI PROPETA DAVID ALAM NIYA ANG BLACK STONE SA KABAH

Salmo 118:22. Ang batong tinanggihan ng mga tagapagtayo ay naging batong panulukan. 23. Ginawa ito ng Panginoon at hinahangaan ng mga mata natin. (K. E. P.)

Psalm 118:22. The stone which the builders refused is become the head stone of the corner. 23 This is the LORD's doing; it is marvellous in our eyes. (KJV)

Ang paliwanag ni Hesus (as) at David (as) ang malinaw na katibayan na alam nila ang Black Stone sa Kabah, ang Bahay Dasalan na itinayo ni Propeta Abraham (as) at ng kanyang anak na si Ismael (as).

AT SI JACOB GUMAWA NG BAHAY DASALAN NA KAHALINTULAD SA KABAH

Genesis 28:22. magiging Bahay ng Diyos ang batong ito na itinayo ko bilang haligi. (KEP)

Genesis 28:22. And this stone, which I have set for a pillar, shall be God's House. (KJV)

ANG BAHAY DASALAN NA GAWA NG MGA PROPETA

SI LABAN TINAWAG ITONG           - YAGAR-SAADUTA

SI JACOB TINAWAG ITONG            - GALED

SI ABRAHAM TINAWAG ITONG    - KABAH

Genesis 31:47. Tinawag iyon ni Laban ng Yagar-Saaduta pero Galed ang itinawag dito ni Jacob.

ANG BAHAY DASALANG GINAWA NG MGA PROPETA INABUSO NG MGA HUDYO 

Maliban sa Kabah na nasa Makkah ang Bahay Dasalan na ginawa ni Propeta Abraham (as) at ng kanyang anak na si Ismael (as).

AALISIN SA KANILA (MULA SA MGA HUDYO) ANG KAHARIAN NG DIYOS AT IBIGAY SA ISANG BAYANG MAKAPAGPAPALAGO NITO

Mateo 21:43. Kaya sinasabi ko sa inyo: aagawin sa inyo ang kaharian ng Diyos at ibibigay sa isang bayang makapagpapalago nito.

ANG TINUTUKOY NA BAYAN AY ANG ARABIA

Isaias 21:13. Propesiya tungkol sa Arabia: (K.E.P.)

Ang ibig sabihin ang responsibilidad ng mga Muslim upang ipalaganap ang Islam.

ANG ISLAM AY RELIHIYON SA LAHAT NG MGA PROPETA AT SUGO NG DIYOS

Qurán 42:13. “Iisang relihiyon ang itinatag Niya para sa inyo na katulad din ng ipinag-utos Niya kay Noah na siyang ipinadala Namin sa pamamagitan ng inspirasyon sa iyo (Muhammad). Ipinag-utos din Namin ito kina Abraham, Moises at Hesus.