ANG MGA PROPETA BA AY MGA ARABO O ISRAELITAS?

(ni:bro. ahmad erandio)

 

Ang mga Propeta at Sugo ng Diyos ay mga Arabo sapagkat ang mga lahing pinagmulan ng mga Propeta ay nagmula kay Propeta Adam, Noah at Abraham.

TAGASAAN PO BA SI PROPETA ABRAHAM? ----- Siya po ay taga Ur!

SAAN BA PO BA NASAKOP ANG BAYAN NG UR?

Ang bayan ng Ur ay sakop ng bansang Iraq!

ANO PO ANG KATIBAYAN NA SI ABRAHAM (AS) AY TAGA UR?

Genesis 11:31Kasamang umalis ni Tera sa Ur ng Kaldea ang kanyang anak na si Abram, ang kanyang apong si Lot na anak ni Haran at ang manugang na maybahay ni Abram.

At tandaan po natin si Abraham (as) ay taga Ur at ang bayan na ito sa ngayon ay kahabagi ng Iraq at ang mga Iraqi ay mga Arabo.

AT KUNG SI ABRAHAM (AS) AY IRAQI ANONG LAHI NGAYON ANG MGA ANAK NI ABRAHAM (AS) IRAQI O ISRAELITAS?

Ang kasagutan ay simple lamang: sila po ay mga Iraqi at tinatawag silang Arabo sakadahilanang karamihan sa kanila ay gumagamit ng wikang Arabik.  

ANG DALAWANG ANAK NI ABRAHAM (AS):

1. Si Ismael (as) ang anak ni Abraham (as) kay Hagar (raa).

2. At si Isaac (as) ang anak ni Abraham (as) kay Sarah (raa)

SINO SI JACOB (AS):

Siya ay anak ni Isaac (as) na anak ni Abraham at Sarah (raa).

Si Jacob (as) na apo ni Abraham (as) ay nag karoon ng labingdalawang anak na lalaki sa apat na ina

ANG LABINDALAWANG ANAK NI JACOB (AS) SA BIBLIYA

Genesis 35:23 Kay Lea: si Ruben na panganay niyang anak, sina Simeon, Levi, Juda, Isacar at Zabulon.

24 Kay Raquel: Jose at Benjamin.

25 Kay Bilang alipin ni Raquel: Dan at Neftali.

26 Kay Zelfang alipin ni Lea: Gad at Aser. Ang mga ito ang mga anak na isinilang kay Jacob sa Padan-Aram.

27 Umuwi si Jacob sa kanyang amang si Isaac sa Mambre na malapit sa Kiryat-Arbe (iyon ang Hebron) na pinamayanan nina Abraham at Isaac bilang mga dayuhan.

Kung tatanungin natin ang ibang relihiyon kung anong salinlahi nagmula ang mga Propeta at Sugo ang kanilang kasagutan ay nagmula sa bansang Israel.

Minsan malimit pa nilang sinasabi na walang propetang Arabo kundi mga Israelitas.

Subalit kung pag-aralan natin ang Qur’an at Bibliya ating mapag-alaman na ang mga propeta pala ay mga Arabo sapagkat sila ay nagmula sa lahi ni Jacob (as) na anak ni Isaac (as) na anak ni Abraham (as)?

BAKIT PANGKARANIWANG SINASABI NG MGA HINDI MUSLIM NA ANG MGA PROPETA AY MGA ISRAELITAS AT HINDI ARABO?

Sakadahilanang hindi nila alam kung ano ang ibig sabihin ng salitang Israel sa kapanahunan ni Jacob (as).

Ang salitang Israel ay hindi Bansa kundi palayaw o katawagan na ibinigay ng Diyos kay Jacob (as)

ITO PO ANG DAHILAN KUNG BAKIT TINAWAG NA ISRAEL SI JACOB (AS)

Ayon sa Bibliya matapos nakipaglaban si Jacob (as) sa Diyos at sinabi: hindi kana tatawaging Jacob kundi Israel!

Katibayan:

Genesis 32:27 SINABI NG LALAKI: “Pakawalan mo ako sapagkat sumisikat na ang araw.” Ngunit sinabi ni Jacob: “Hindi kita bibitiwan hanggang hindi mo ako binabasbasan.”

Genesis 32:28 tinanong siya ng lalaki: “ano ang pangalan mo?” sumagot siya: “JACOB.”

Genesis 32:29 AT SINABI NG LALAKI: “Mula ngayo’y hindi ka na tatawaging JACOB kundi ISRAEL (na ang kahuluga’y Lakas ng Diyos) sapagkat nakipaglaban ka sa Diyos at sa mga tao, at ikaw ang nangibabaw.”

Mula nang tinawag sa pangalang ISRAEL si Jacob (as) ng Diyos ang kanyang labindalawang anak na lalaki ay tinaguriang “ANG LABINDALAWANG ANGKAN NI ISRAEL”

Yan po ang kadahilanan kung bakit tinawag na ISRAELITAS ang mga Propeta at Sugo.

ANO ANG PAHAYAG NG QUR’AN PATUNGKOL SA LABINDALAWANG ANAK NA LALAKI NI JACOB (AS)

Sila ay tinaguriang ‘Al-Asbât’ – na ang ibig sabihin ay ang (labing dalawang) angkan ni Isrâ`il (Ya`qûb) na anak ni Isaac na anak ni Abraham (as).

Qur’an 3:84. Sabihin mo sa kanila, O Muhammad (): “Naniwala kami sa Allâh (), sinunod namin Siya, wala kaming ‘Rabb’ na Tagapaglikha bukod sa Kanya at wala kaming sinasamba bukod sa Kanya; at naniwala kami sa ipinahayag Niya sa amin; at sa anumang ipinahayag Niya kay Ibrâhim (), at sa kanyang dalawang anak na sina Ismâ`il () at Ishâq (), at sa kanyang apo na si Ya`qûb (Jacob ), at sa anumang ipinahayag sa mga ‘Al-Asbât’ – na sila ang mga Propeta mula sa 12 (labing dalawang) angkan ni Isrâ`il mula sa pamilya ni Ya`qûb ();

SI PROPETA ABRAHAM (AS) BA AY NAKAPUNTA NG ARABIA?

Ang kasagutan po ay YES! Sakatunayan si Abraham (as) ang nag tayo ng Kabah ang bahay dasalan sa Makkah

PATUNGKOL SA BANSANG ISRAEL

Ang bansang Israel po ay nagsimula lamang noong 1948 ng ito po ay naapbrobahan ng United Nation hinati ang bansang Palistine at ang kalahati ay tinawag na Israel

Malinaw na ang wikang Israel noong kapanahunan ay hindi Bansa kundi ang lahing nagmula kay Jacob (as) Ganoon din sa kapanahunan ni Hesus (as) walang Bansang Israel kundi Palestine.

Kaya sa madaling sabi karamihan sa mga naninirahan sa Palestine noon ay mga lahi ni Jacob (as) na mga Arabong Iraqi na tinaguriang “THE TRIBES OF ISRAEL”

SI PROPETA ABRAHAM (AS) BA AY NAKAPUNTA NG ARABIA?

Ang kasagutan po ay YES! Sakatunayan si Abraham (as) ang nag tayo ng Kabah ang bahay dasalan sa Makkah

KATIBAYAN NA NAKAPUNTA SA MAKKAH SI PROPETA ABRAHAM (AS):

Qur’an 3:97. Dito, sa tahanang ito, ang malinaw na mga palatandaan na ito ay itinayo ni Ibrâhim (Abraham) (as). Dinakila at pinarangalan ng Allâh (), kabilang (din sa dinakila at pinarangalan ng Allâh ) ay ang ‘Maqâm’ ni Ibrâhim (). Na kung kaya, sinuman ang papasok sa lugar na ito ay iniligtas niya ang kanyang sarili at walang sinuman ang makapagpapahamak sa kanya.

NABANGGIT BA ANG SAUDI ARABIA SA BIBLIYA? Ang kasagutan po ay YES!

Isaiah 21:13 Propesiya tungkol sa Arabia: Sa gubat ng Arabia nagparaan ng gabi ang mga mangangalakal na taga-Dedan.

UULITIN LANG PO NATIN PARA MALINAW: ---- TAGASAAN SI PROPETA ABRAHAM (AS)? --SIYA PO AY TAGA UR na kabahagi ng Iraq - Genesis 11:31

ANG MGA IRAQI BA AY MGA ARABO O ISRAELITA?

ANG MGA IRAQI PO AY MGA ARABO: sa kadahilanang karamihan sa kanila ay gumagamit sa wikang Arabik.

AT KUNG SI ABRAHAM (AS) AY ARABO ano ngayon ang dalawang anak na sina Ismael at Isaac () Arabo o Israelitas?

ANG KASAGUTAN PO AY ARABO!

AT KUNG ARABO SI ISAAC (AS) ARABO DIN ANG KANYANG ANAK NA SI JACOB (AS) at walang pag-aalinlangan Arabo din ang 12 anak na lalaki ni Jacob (as) na tinaguriang “ANG LABINDALAWANG ANGKAN NG ISRAEL”

SI PROPETA ABRAHAM (AS) BA AY HUDYO O KRISTIYANO O MUSLIM?

Qur’an 3:67. Kailanman, si Ibrâhim () (Abraham) ay hindi isang Hudyo ni Kristiyano, at hindi lumitaw ang Judaismo at Kristiyanismo, kundi pagkawala na niya, na umabot pa muna nang napakatagal na panahon.

Bagkus siya (Ibrâhim ) (Abraham) ay tunay na sumusunod sa kagustuhan ng Allâh () at ganap na sumusuko sa Kanyang ‘Rabb’ na Tagapaglikha bilang Muslim at hindi siya kabilang sa mga sumasamba ng iba bukod sa Allâh.

Qur’an 3:68. Katiyakan, ang taong may karapatan kay Ibrâhim () at sila ang kabilang sa kanya, ay yaong mga naniwala sa kanya, naniwala sa kanyang mensahe at sumunod sa kanyang ‘Deen;’ (relihiyon) na ito ay si Propeta Muhammad () at yaong mga naniwala sa kanya.

JAZAKALLAHU KHAIRAN