BAKIT AYAW NI JESUS?
(ni: ahmad erandio)
Maraming tao sa ngayon na kung saan kay Kristo Jesus (as) lamang umaasa imbis na sa Diyos na siyang may likha ng lahat ng alinmang ating nakikita o hindi nakikita.
Qur’an 13:9. Ang Allâh () ang Siyang Ganap na Nakaaalam ng anumang di-nakikita ng mga mata at di-nababatid ng kaalaman, at saka yaong mga nakikita at nababatid, Siya ay ‘Al-Kabeer’ – ang Pinakadakila mismo sa Kanyang Sarili, sa Kanyang mga Pangalan at sa Kanyang mga Katangian; na Siya ang Ganap na Kataas-Taasan sa Kanyang mga nilikha.
MAARI BA TAYONG MAGSALITA O MANGARAL O MAGPALAYAS NG DEMONYO O KAYA GUMAWA NG HIMALA SA PANGALAN NI JESUS (AS)?
ANG SABI NI JESUS (AS):
Mateo 7:22 Sa araw na iyon, marami ang magsasabing: ‘Panginoon, Panginoon, hindi ba kami nagsalita sa ngalan mo? Hindi ba nagpalayas kami ng mga demonyo at gumawa ng mga himala sa ngalan mo?’
ANG KASAGUTAN NI JESUS (AS)
Mateo 7:23 Ngunit sasabihin ko sa kanila nang walang paliguy-ligoy: ‘Hinding-hindi ko kayo kilala; lumayo sa akin kayong mga gumagawa ng masama.’ (K. B.)
BAKIT NAGALIT SI JESUS (AS) SA KANILANG GINAWA! - DAPAT MATUWA SIYA DAHIL GINAMIT ANG KANYANG PANGALAN?
NAGSALITA SA PANGALAN NI JESUS (AS)
NAGPALAYAS NG MGA DEMONYO SA PANGALAN NI JESUS (AS)
GUMAWA NG MGA HIMALA SA PANGALAN NI JESUS (AS)
AT KAHIT SA PAGDARASAL GINAGAMIT NILA ANG PANGALAN NI JESUS (AS)
At kung bakit nagalit si Jesus (as) sapagkat hindi siya diyos! at alam nya na ang mga nangyaring himala, ay hindi galing sa kanya ni hindi rin galing sa diyos kundi sa demonyo sapagkat hindi sa pangalan ni Allah (swt) ang ginamit nila kundi sa pangalan ni Jesus (as).
Kung analysis natin ang mga pangyayari katiyakan na hindi diyos si Jesus (as) dahil kung Diyos siya hindi dapat magalit kundi ikatotowa nya ang paggamit sa kanyang pangalan at sasabihing tama kayo ang lahat na gagawin nyo kailangan sa pamamagitan ng aking pangalan.
MAARI BANG KAY KRISTO LAMANG TAYO AASA?
Qur’an 19:36. At sinabi ni `Îsã (Jesus) sa kanyang sambayanan: “Katiyakan, ang Allâh () ay aking ‘Rabb’ (Panginoon) at inyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha, na kung kaya, sambahin ninyo Siya nang bukod-tangi na walang katambal, at ito ang Matuwid na Landas.”
AYON KAY PABLO:
1st corinto 15:19. At kung para sa buhay na ito lamang tayo umasa kay Kristo, tayo na ang pinakakawawa sa lahat ng tao. (Katolik Bersiyon)
Malinaw ang gustong iparating na minsahe ni Pablo na sa Diyos lamang tayo aasa, ang Diyos na sinamba ni Jeus (as) at Pablo.
ANG MGA HIMALA NI JESUS (AS)
Qur’an 3:49. At gagawin siyang Sugo sa mga angkan ni Isrâ`il at sasabihin sa kanila: “Ako ay dumating sa inyo na may dalang palatandaan mula sa Allâh () na inyong ‘Rabb’ (Panginoon) na Tagapaglikha, na nagpapatunay na ako ay Sugo mula sa Kanya ().
“At ako ay maghuhugis mula sa luwad (‘clay’) ng kamukha ng ibon at (pagkatapos ay) hihingahan ko ito upang ito ay maging isang tunay na ibon sa kapahintulutan ng Allâh ().
“Pagagalingin ko ang ipinanganak na bulag, at gayundin ang mga ketongin, at bubuhayin ko ang namatay sa kapahintulutan ng Allâh ().
At sasabihin ko sa inyo kung ano ang inyong kakanin at kung ano ang inyong itatabing pagkain sa inyong mga tahanan.
ANG SABI NI JESUS (AS) SA DIYOS AKO GALING AT SIYA ANG NAGSUGO SA AKIN
Juan 8:42 Sinabi sa kanila ni Jesus: “Kung ang Diyos nga ang inyong Ama, mamahalin n’yo sana ako sapagkat sa Diyos ako galing at ngayo’y naparito. Dumating ako hindi sa ganang sarili ko kundi Siya ang nagsugo sa akin.
8:43. Ba’t di ninyo maintindihan ang pangungusap ko?
AYON KAY JESUS (AS) WALANG SINUMANG NAKAKITA NG DIYOS
Juan 5:37. At nagpapatunay rin sa akin ang Amang nagsugo sa akin. Kailanma’y di ninyo narinig ang kanyang tinig ni nakita ang kanyang anyo.
AYON KAY MATEO SI JESUS (AS) AY PROPETA
Mate 21:10 Pagpasok ni Jesus sa Jerusalem, nagulo ang buong lunsod, at nagtanu¬ngan sila: “Sino ito?” 11. At sumagot naman ang mga tao: “ito ang propetang si Jesus na taga-Nazaret ng Galilea.”
AT KINUMPERMA NI JESUS (AS) ANG KANYANG PAGKA PROPETA
Quran 19:30 (At sinabi ni Jesus) “Katiyakan, ako ay alipin ng Allâh, na Siyang nagpasiya na ako ay pagkalooban ng Aklat na ‘Injeel,’ (Ebanghilyo) at ginawa niya akong propeta.
JAZAKALLAHU KHAIRANContact me please if you want to know more or embrace Islam
fb. ahmad erandio
YouTube: ahmad erandio