ANG PAGKAKAIBA NG MGA HUDYO, KRISTIANO AT MUSLIM AY ANG PANANAW SA MGA PROPETA AT SUGO

(ni: bro. ahmad erandio)

 

ANG MGA HUDYO AY MAY PANINIWALA MAGMULA KAY: Adam, Noah, Abraham, Moses, David at Solomon lamang at hindi sila naniniwala kay Jesus at Muhammad (snk)

AT ANG MGA KRISTIYANO AY MAY PANINIWALA MAGMULA KAY: Adam, Noah, Abraham, Moses, David, Solomon at Jesus (snk) lamang subalit hindi sila naniwala kay Muhammad (snk)

AT ANG MGA MUSLIM AY MAY PANINIWALA SA LAHAT NG MGA PROPETA AT SUGO: Adam, Noah, Abraham, Moses, David, Solomon, Jesus at sa huling Propetang si Muhammad (sumakanila nawa ang kapayapaan)

Quran 42 :13. Ipinag-utos ng Allâh () sa inyo, O kayong mga tao, mula sa batas ng ‘Deen’ ( Relihiyon) na Kanyang ipinahayag sa iyo, O Muhammad (), na ito ay ang Islâm, na katulad ng Kanyang ipinag-utos kay Nûh (Noah ), na ito ay kanyang sundin at ipalaganap,
At ganoon din ang ipinahayag Niya kay Ibrâhim (Abraham ), Mousã Moises ) at `Îsã (Hesus ) – sila ang limang magigiting na mga Sugo – na itayo ninyo ang ‘Deen’ (Relihiyon) ng Kaisahan ng Allâh (), pagsunod at bukod-tanging pagsamba sa Kanya na wala nang iba, at huwag kayong magsalungatan sa ‘Deen’ na ipinag-utos sa inyo.