Ang Banal na Qur′an Tungkol sa Pagbuo ng Ulap at Ulan


Matutunghayan sa Banal na Qur’an:

(At Siya (Allah) ang nagpadala ng mga hangin bilang tagapaghatid ng mga magagandang balita, na pumapalaot bago dumating ang Kanyang Habag (ang ulan). hanggang sa pasanin ng mga ito ang mabigat na ulap, Aming itinaboy ito patungo sa tigang na lupa, pagkaraa ’y pinangyari Naming bumuhos dito. Pagkaraan, Aming pinatubo ang bawa′t uri ng bungang-kahoy dito. Sa (paraang) kahalintulad nito, Aming ibabangong muli ang patay upang kayo ay (matutong) makaalala o tumalima (sa kautusan ng Allah). (7:57). 


Isang larawan sa papawirin kasama ang mga ulap at hangin.

Sinabi pa ng Allah:

(At Aming ibinaba ang mga hanging nagbibigay-unlad (upang punuin ng tubig ang mga ulap) pagkaraan ay hinayaan Naming bumuhos ang tubig (ulan) mula sa himpapawid, at ipinagkaloob Namin ito sa inyo bilang inumin, at hindi kayo ang nagmamay-ari ng mga imbakan nito (upang ibigay sa mga magugustuhan ninyo o ipagkait sa sinumang hindi ninyo gusto). (15:22)

Ang makabagong siyensiya ang nagpatunay sa mga siyentipikong pananaw na nabanggit sa talatang ito ng Banal na Qur′an. Ang hangin ay nagdadala ng mga maliliit na butil na maalat na tubig sa itaas sa kalawakan. Ang mga maliliit na butil na ito ay tinatawag na ′aerosols′ na gumaganap bilang silo ng tubig at bumubuo ng mga patak sa ulap sa pamamagitan ng pagtipon sa kapaligiran ng hamog o ang tinatawag na water vapor.

Ang mga ulap ay nabubuo mula sa hamog na kumakapal sa paligid ng tinatawag na salt crystal at alikabok sa hangin. Dahil ang mga patak ng tubig na nasa mga ulap ay napakaliit (na may sukat pabilog na 0.01mm hanggang 0.02 mm ang laki), ang mga ulap ay lumulutang sa hangin, nangagkalat sa kalawakan.29 Kaya, ang kalangitan ay maulap. Ang mga maliliit na butil ng tubig na pumapaligid sa tinatawag na salt crystal at alikabok ay kumakapal at nagbubuo ng patak ng ulan, na higit na mabigat kaysa hangin kaya nalalaglag ito mula sa ulap at magsimulang bumagsak sa lupa bilang ulan.


Ang Allah ay nagwika:

(Hindi ba ninyo nakikita na ang Allah ang napapasulong sa mga ulap nang marahan, pagkaraa’y pinagsasama ang mga ito. at pagkaraa’y ginawang isang buntong magkapatung-patong at inyong makikita ang pagpatak ng ulan mula sa pagitan ng mga ito. At kanyang ibinaba mula sa kalangitan ang (tila) bundok na ulang may yelo, at patamaan nito ang sinumang Kanyang nais at iiwas ito sa sinumang Kanyang nais. Ang nagliliwanag na kislap ng kanyang (ulap) kidlat ay halos ikabulag ng paningin.) (24:43)

Ang pagbuo at paghubog ng mga ulap na may tubig ay naaayon sa tiyak na mga pamamaraan at mga yugto. Ang mga sumusunod ay mga yugto ng pagbuo ng tinatawag na cumulonimbus – isang uri ng ulap na may ulan:

Model for forked lighting
Unang Yugto
Ikalawang Yugto
Pangatlong Yugto


Una: Ang pagpapailanlang:
Ang mga maliliit na ulap ay dinadala at tinitipon paitaas ng hangin.

Ikalawa: Ang pagsasama-sama:
Ang mga maliliit na ulap (cumulus) ay dinadala ng hangin upang magsama-sama, bumubuo ng higit na malaking ulap.

Ikatlo: Ang Pagbubunton:
Kapag ang maliliit na ulap ay pinagsama-sama, ang hihip-pataas (updrafts) sa loob ng malalaking ulap ay lumalakas. Ang hihip-pataas na malapit sa gitna ng ulap ay higit na malakas kaysa sa mga nasa gilid. Ang mga hihip-pataas na ito ang siyang nagiging sanhi upang lumaking patayo o paitaas ang pinakakatawan ng ulap, kaya naman ang ulap ay magkapatung-patong. Ang paglaking paitaas ang nagiging sanhi na maabot ng pinakakatawan ng ulap ang malalamig na bahagi sa papawirin, kung saan ang pagbuo ng mga butil ng tubig at tubig na may yelo (hail) at magsimulang lumaki nang lumaki. Kapag ang mga butil ng tubig at ng tubig na may yelo na ito ay lubhang mabigat na at hindi na kaya pang buhating paitaas ng hihip ng hangin, magsisimulang bumagsak ang mga ito mula sa ulap bilang ulan, ulang may yelo at iba pa.

Magkakaroon ng kuryente ang ulap kapag ang ulang may yelo ay bumabagsak sa bahagi ng ulap na may matinding lamig na butil-tubig at kristal na yelo. Sa pagbungguan ng butil-tubig at malabatong ulang may yelo, bigla silang magyeyelo at maglalabas ng di-nakikitang matinding init. Pinananatili nitong mainit ang paligid ng malabatong ulang may yelo (hailstone) kaysa kapaligiran ng yelong kristal (ice crystals).

Kapag ang malaking ulang may yelo (hailstone) ay madikit sa ice crystals, mayroong isang mahalagang kaganapang mangyayari: ang mga elektron ay dadaloy mula sa malamig na bahagi patungo sa maiinit na bahagi. Kaya naman, ang hailstone ay magkakaroon ng negative charge. Ganoon din naman ang magaganap kapag ang napakalamig na butil (ng tubig) ay madikit sa hailstone, ang maliliit na yelong may positive charge ay mababasag. Ang mga magagaang na butil na may positive charge ay papailanlang sa mataas na bahagi ng ulap sa pamamagitan ng pataas na hihip ng hangin. Ang ulang may yelo (hail) ay babagsak tungo sa ibabang bahagi ng ulap, kaya naman ang pinakamababang bahagi ng ulap ay magkakaroon ng negative charge. Ang mga negative charges na ito ay ilalabas ng kidlat. Masasabi nating ang ulang may yelo o ang hail ang pinakapunong dahilan sa pagkakaroon ng kidlat. (30)

Rain clouds
Isang halimbawa ng kidlat na anyong tinidor. (a) Ang negative charge na nagtipon sa ibabang bahagi ng ulap ay titindi at mananaig kahit sa malakas na puwersa ng hangin at ito ay magkakaroon ng isang pasimuno o ang tinatawag na leader na nakapuntirya sa lupa. (b) Ang pumapailanlang na positive charge mula sa lupa ay nagtitipon sa mataas na lugar ng alapaap. (c) Ang paibabang bulusok ng negative charges ay masasalubong ang pumapailanlang na bulusok ng positive charges. Ang pumapailanlang na positive charges at ang isang malakas na puwersa ng kuryente na tinatawag na return stroke ang magdadala sa positive charges paitaas sa ulap.

Ang Allah ay nagwika:

(At ang Ar-Rad (kulog) ay lumuluwalhati at nagbibigay papuri sa Kanya, at maging ang mga anghel nang dahil sa Kanyang Kamaharlikaan. At Siya ang nagpadala ng kulog at kidlat, at Kanyang pinatatamaan nito ang sinumang Kanyang naisin. Sa kabila nito, sila (mga di-mananampalataya) ay nagtatalo tungkol sa Allah. At Siya ang Makapangyarihan sa Lakas at Mahigpit sa Parusa.) (13:13)