Ang Banal na Qur′an Tungkol sa mga Hayop


Ang Allah ay nagwika:

(At katotohanan, sa mga hayupan (kawan ng bakahan) ay may isang aral para sa inyo. Kayo ay binigyan Namin ng inumin na nasa kanilang mga tiyan, mula sa pagitan ng pagdumi at dugo, (ito ay) malinis na gatas; (na) mainam na inumin sa mga umiinom.) (16:66). 

Pure Milk

Sinabi ni Maurice Bucaille:

Mula sa siyentipikong pananaw, ang pisyolohiyang pagkaunawa (physiological notions) ay kailangan upang maunawaan ang kahulugan ng talatang ito. Ang mga sangkap na nagbibigay katiyakan sa kabuuang pagkain ng katawan ay nanggagaling sa pag-iibang anyo o ang tinatawag na chemical transformation na nagaganap sa digestive track (daluyang-panunaw). Ang mga sangkap na ito ay nagmumula sa nilalaman ng mga bituka. Sa pagdating nito sa loob ng bituka sa tamang yugto ng chemical transformation, dumadaan ang mga ito sa mga gilid ng bituka patungo sa isang tuntuning sirkulasyon (systematic circulation). Ang daanang ito ay maaaring maganap sa dalawang paraan: maaaring tuwiran o ang tinatawag na mga lymphatic vessel, o kaya naman ay di-tuwiran sa pamamagitan ng portal circulation. Dadalhin muna ito sa atay, kung saan ay magkakaroon ito ng pagbabago, at mula doon sila’y lilitaw upang sumama sa isang tuntuning sirkulasyon (systematic circulation). Sa ganitong paraan ang lahat ay dumadaloy sa daluyan ng dugo o ang tinatawag na bloodstream.

Ang mga elemento ng gatas ay naiipon sa mga glandula ng babae (mammary glands). Ito ay pinalulusog sa mga nutrisyong galing sa mga tinunaw na pagkain na umaabot sa mga glandula sa pamamagitan ng bloodstream. Samakatwid, ang dugo ay may mahalagang papel sa pag ipon at pamamahala sa anumang katas na nakuha sa pagkain. Dinadala nito ang nutrisiyon sa mga glandula ng babae (mammary glands), ang gumagawa ng gatas, katulad ng ginagawa nito sa iba pang mga bahagi o sangkap (organ) ng isang tao.

Ang unang paraan na nag-aayos sa lahat upang kumilos ay ang pagtitipon ng mga nilalaman ng bituka at ng dugo sa mismong mga gilid ng bituka (intestinal wall) nito. Ang eksakto at tamang konseptong ito ay resulta ng mga pagtuklas na isinagawa sa kemika at pisyolohiya ng sistemang pantunaw. Ito ay sadyang lingid at walang nakababatid noong panahon ni Propeta Muhammad sapagka’t ito ay natuklasan lamang kamakailan. Itinuturing ko na ang pagkakaroon ng Qur’an ng mga talatang tumutukoy sa konseptong ito ay hindi maaaring ipaliwanag ng tao dahil na rin sa panahon ng pagkakatuklas ng mga ito.