Bakit hindi umiinom ng alak ang mga Muslim?
Sa Islam, ang lahat ng bagay na nakakapinsala o ang pinsala ay nakahihigit kaysa sa kabutihan ay ipinagbawal. Kabilang dito ang bawat sangkap na nakakasama sa isip, sinisira ito o binabawasan ang kakayahan nito. Samakatuwid ang alkohol ay itinuturing na bawal kahit na ito ay hindi malinaw na ipinagbawal sa Qur’an at Sunnah ng Propeta. Sapagkat anumang bagay na nagdudulot na pinsala sa alinmang paraan ay isinasaalang-alang na bawal.
Mayroong mga bilang ng medikal na dahilan para sa pagbabawal ng alkohol. Ang alkohol ay naging salot sa lipunan ng tao simula pa noong kauna-unahang panahon. Ito ay patuloy na sumisira sa mga di mabilang na buhay ng tao at nagdulot na kapighatian sa milyong tao sa buong mundo. At ito ay nagkakaroon ng masamang bunga sa isip, binabawasan nito ang lakas ng isang tao at naghahatid sa kanya upang talikdan ang kanyang mga suliranin. Nagdudulot din sa kanya ng pagka-ubos ng salapi bunga ng mga gastusing ginugugol sa nakagawiang pag-inom. Hindi na kailangan pa ng detalye tungkol sa lahat ng masamang dulot ng alkohol sapagkat ang karamihan nito ay kawaniwan ng nababatid.
Sapagkat ang alkohol ay ginagawang walang kakayahang pigilin ang bahaging utak ng tao, ang isang taong nalulong sa paglalasing ay madalas na matagpuang umaasal ng lubos na kawalan ng wastong pag-uugali – nagsasabi ng mapang-abusong salita, marahas at mapusok o gumagawa ng mga nakahihiyang gawain. Ang estatistika ay nagpapakita ng isang pagdami ng bilang ng mga patay, pagtaas ng mga krimen, pagdami ng mga maysakit sa isip, at milyong bilang ng mga nawasak na tahanan sa buong mundo ay sumasaksi sa nakasisirang bunga ng pag-inom ng alkohol.
Ang pinsala na dulot ng alkohol ay hindi nakahangga sa isang umiinom, ito ay nakakapinsala rin sa mga ibang tao. Sa kabuuan, ang sakit na dulot ng alkohol ay nagpapahina sa lipunan. Ang sigla [o sigasig] sa paggawaay bumababa sanhi ng naidudulot na kasamaan nito, at ang mga krimen mula sa gumon o pagiging sugapa. Ayon sa ulat ng World Health Organization tungkol sa mga malulubhang krimen sa 30 bansa, 86% ng pagpaslang at 50% ng panggagahasa ay bunsod ng pag-inom ng alak. Mayroong magkakatulad ng estatistika sa mga bansa sa buong mundo. Karagdagan, ang mga pinuno sa pampublikong kalusugan ay nagbigay ng tahasang pagtantiya na kalahati sa aksidente sa kalsada na bunga ng kamatayan at ang mga kapansanan ay dulot ng mga taong nasa ilalim ng impuwensiya ng alkohol.
Ang Islam ay umaayon na ang pag-iwas [o pag-iingat] ay siyang pinakamahusay na gamot. Ngunit, ang mga Muslim ay hindi umiiwas mula sa gamot at pagkalasing nang dahil sa mga masasamang dulot nito higit sa lahat ang Diyos ang Siyang nagbawal nito sa kanila. Kaya, para sa kanila, ang pag-iwas ay isang uri ng pagsamba at pagsunod na kung saan sila ay ginagantimpalaan ng Diyos sa kabilang buhay, gayundin sila ay pinangangalagaan mula sa pinsala sa kasalukuyang buhay [sa mundong ito].
Ang ilang mga tao ay nagsasabi na sila ay makakapagpigil sa kanilang mga sarili at kailanman ay hindi nalalasing. Ngunit, ang mga imbestigasyon ay nagpapakita na ang alkohol ay nagsisimula lamang bilang isang inumin para sa mga kasayahan. Walang sinuman ang nagsimulang uminom ng alak na may layuning maging gumon o sugapa. Subalit ito ay sadyang nangyayari nang kusa.
Source: BakitAngMgaMuslim (This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.)