PAG-AASAWA NG MGA MUSLIM (Introduksyon)
Sa pagbabasa ng blog na ito ay marami kang matututunan tungkol sa pag-aasawa ng mga Muslim sa kapwa nilang Muslim - mga kondisyon at epekto nito sa kanilang sarli, sa kanilang pamilya, at sa ating lipunan.
INTRODUKSYON
Paksa: Mga Epekto ng Pagpapakasal ng mga Muslim
Miyembro: Agatta Arce, Migz Ong, Roseanne Cheng, Cheska Castro
Papasa sa December 3 2014 kay Gng Grace Precious Tabernero
Ang mga Pilipinong Muslim ay may kultura na kung saan ang mapapang-asawa ng isang Muslim ay magiging sang-ayon sa desisyon ng kanilang mga magulang, at hindi sa sarili nilang desisyon. Makikita ito sa tradisyon ng Maranao (Gutoc, 2005). Ang isang Muslim ay ipinapakasal sa isang Muslim na nais ng kanyang na pakasalan niya, mahal man niya o hindi. (Religious Research Centre, n.d.; Al-Sheha, n.d.). Ang tawag dito sa Ingles ay arranged marriage. Isa pang tradisyon sa kasalang Muslim ay ang pagkakaroon ng higit sa isang asawa.
Ang pag-aasawa sa mga Muslim ay importante sapagkat pinaniniwalaan nilang ito ang gusto ni Allah. Para kay Allah, ang tahanan ay isang institusyong gawa ng na makatutulong sa pag-unlad ng bawat miyembro ng pamilya. Ang lalaki ang nagsisilbing tagapagdesisyon sa pamilya at ang babae naman ay taga-alaga sa kanilang magiging anak. Ngunit ang isang pamilya ay hindi lamang binubuo ng nanay, tatay, at mga anak. Kasama rin dito ang lolo, lola, mga tito at tita, atbp. Sila ay nakatira sa magkakalapit na bahay upang ang mga bata ay magkaroon ng magandang kapaligirang kalalakihan (Jaafar-Mohammad & Lehmann, 2011). Ang pagpili ng magiging asawa ay hindi ganoon kadali sapagkat ang mga magulang ang nagtatakda kung sino ang magiging asawa ng kanilang anak. Kadasalang pinipili ng mga magulang ay ang anak ng kanilang kaibigan upang maging tiyak silang magkakaroon ng magandang buhay ang kanilang anak (Zuberi, 2011).
Ngunit ano nga ba ang mga epekto ng paniniwala na ito sa panahon ngayon?