المس توى الأول - LEVEL ONE
Part 4
SILABUS
NG MGA ARALIN
PARA SA UNANG BAYTANG
PAUNANG SALITA
Sa Ngalan ni Allah Ang Maawain Ang Mahabagin
Alhamdulillah, was-Salaatu was-Salaamu 'alaa Rasoolillaah wa 'alaa Aalihi wa Ashaabihi wa man Tabi'ahum bi-ihsaan ilaa yawmiddeen. Ammaa ba'd.
Mga kapatid na mga mag-aaral, ang maliit na sinulat na ito ay upang magamit ninyo na gabay at mababasa sa ating pag-aaral. Ito ay pansamantalang translation mula sa aklat na ginagamit sa ating pag-aaral sa Islamic Studies Course Level – 1 at dinagdagan ng mga tinipon mula sa iba’t-ibang mga pamphlets na nakasalin sa Tagalaog, ayon sa mga paksang nakatakdang pag-aaralan sa level na ito. Nais naming ipagbigay-alam sa inyo na ito ay pansamantala at pang madalian lamang dahil hindi pa kompleto ang pagkagawa nito at hindi pa nabasa ng aking mga kasama upang iwasto kung mayroong mga dapat iwasto. Ang totoo hindi pa namin ito na-review ng mabuti, alam kobatid naming posibleng may makikita kayong mga mali o hindi tama ang pagka type at pagka tagalog. Kaya kami ay humihingi ng paumanhin sa mga mag-aaral at sa sinumang posibleng makakabasa nito, huwag ninyong ilagay sa inyong mga isipan at kalooban na bakit namimigay sila ng ganitong materyales na mayroon pang maraming mali. Uulitin namin, ito po ay hindi pa tapos.
Hihingin rin namin ang inyong tulong na kahit ano o saang parte sa notes na ito ang makita ninyong mali, pakisabi nyo na lang sa amin upang ito'y aking maiwasto. Ang Allah ang magbibigay sa atin ng gantimpala ayon sa ating nilalayon. O Allah! Ibigay Mo po sa amin dito sa mundo ang kabutihan at ganoon din Huling Araw, at iligtas Mo po kami mula sa parusang Apoy. Ameen.
Ust. Homer Pagayawan
Islamic Studies Section
2013
Al-AKHLAAQ Al-ISLAAMIYYAH
ANG MGA PAMAGAT NA PAG-AARALAN SA ISLAMIC ETIQUETTE Unang Baytang
Unang Aralin - AL-AKHLAAQ WAL AADAAB AL-ISLAAMIYYAH
ANG MGA PAG-UUGALI AT MGA ASAL SA ISLAAM
Unang Aralin - AL-AKHLAAQ WAL AADAAB AL-ISLAAMIYYAH
ANG MGA PAG-UUGALI AT MGA ASAL SA ISLAAM
Mga Asal at Kaugalian sa Islam:
Ang magandang pag-uugali ay mayroong mahalagang puwesto sa Islaam. Sa katotohanan sinabi ng Propeta Muhammad (s.a.w.): “Ako ay isinugo (ng Allaah) upang bigyang kaganapan ang mabubuting asal”.
Katulad ng pagsa-ayos ng Islaam ng relasyon sa pagitan ng alipin at sa kanyang Panginoon, at isinaayos din ang relasyon sa pagitan ng mga tao. Ipinag-utos ng Islaam sa Muslim ang mabuting pag-uugali at ang pakipag-ugnayan sa ibang tao na may magandang pag-uugali at paggalang. Sa Qur-aan ay mababasa natin na sinabi ng Allaah: "… At kapag kayo ay nagsalita sa mga tao ay pawang mabubuting salita lamang ang inyong sasabihin …" Sooratul Baqarah: 83. Sinabi din ng Allaah: "At huwag kayong makipagtalo, O kayong mga naniniwala, sa mga Hudyo at mga Kristiyano maliban na lamang sa pinakamagandang kaparaanan at mabuting pananalita…" Sooratul 'Ankaboot: 46. Sinabi din ng Allaah: "At huwag mong talikuran ang mga tao habang ikaw ay nakikipag-usap sa kanila o sila ay nakikipag-usap sa iyo; bilang pagmamaliit sa kanila at pagmamayabang sa harapan nila, at huwag maglakad sa ibabaw ng kalupaan na may pagmamayabang sa harapan nila, at huwag maglakad sa ibabaw ng kalupaan na may pamamayabang sa harapan ng mga tao, katiyakan, hindi naiibigan ng Allah ang sinumang mapagmayabang at mapagmataas sa kanyang sarili at sa kanilang salita. Mapagkumbaba ka sa iyong paglalakad, at hinaan mo ang iyong boses dahil katiyakang ang pinakamasama sa lahat ng mga boses at kinamumuhian ay boses ng isang asno". Sooratul Luqmaan: 18-19.
Ang tungkol sa mga Hadeeth ng Propeta Muhammad (s.a.w.) mababasa natin ang kanyang sinabi: “Ang pinaka kompletong paniniwala ng mananampalataya ay ang may pinakamabuting pag-uugali.”
Ang ilan sa mga kaugaliang ipinag-uutos ng Islaam. (Minal Akhlaaq allatee yahuthu ‘alayhaa Al-Islaam):
- Ang katapatan sa pagsasalita.
- Ang pagtitiwala.
- Ang pagpapasensiya o pagtitiis.
- Ang katarungan.
- Ang mabuting pakikitungosa mga magulang.
- Ang pakikipag-ugnayan sa mga kamag-anak.
- Ang mabuting pakikitungo samga kapitbahay.
- Ang pagtulong sa ibang tao.
Karagdagan doon na ang Islaam ay nag-uutos sa mga Muslim ng mga mabubuting pag-uugali, tunay ganoon din na ipinagbabawal nito ang mga masasamang paguugali, at mga kaasalang masasama at mga gawaing lumalabas sa mabubuting kaasalan katulad nitong mga sumusunod: a. a. Ang pagsisinungaling.
- Ang panloloko.
- Ang masamang pakikitungo sa mga magulang
- Ang pagta-traydor at di Mapagkatiwalaan.
- Ang pagmamataas.
- Ang pagseselos.
- Ang panglilibak at ang pagtsi-tsismis.
- Ang masakit napananalita, kahit sa pamamagitan ng pagmumura o pagsusumpa o pagpapakita ng hindi mabuti mula sa mga salita. i. Ang pang–aapi.
j. Ang Pang-iistorbo sa mga tao ng pangkalahatan at sa kapitbahay ng indibiduwal.
Ang ilan sa mga gawaing haraam o hindi pinapayagan ng Islaam (Wa minal mumaarasaat Al-Muharrimaat fil Islaam):
a. Ang pagpatay ng tao.
- Ang pangkukulam (pakikitungo sa mga mangkukulam na lalaki at babae).
- Ang pagzina, pagsiping sa kapwa lalaki at pagsiping sa hayop.
- Ang pagnanakaw
- Ang pag-inom ng alak at lahat ng mga bagay na nakakalasing at paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot.
- Ang pagkain ng karne ng baboy.
ANG ILAN SA MGA KATANGI-TANGING KAASALAN SA ISLAM
(Minal Aadaab Al-Islaamiyyah Al-Bashaashah ‘indal liqaa).
Maaliwalas na pagmumukha sa pagsasalubong:
Nararapat sa isang Muslim na humarap sa mga tao sa pamamagitan ng maaliwalas at magandang pagmumukha, masaya at malugod sapagka't ang ganitong kaugalian ay maituturing na Sadaqah (kawang-gawa) at isang pag-gawa ng kabutihan. Ang Propeta Muhammad (Sallallaahu Alaihi Wasallam) ay nagsabi: “Huwag maliitin ang paggawa ng kahit anumang kabutihan, maging ito man ay ang pagsalubong mo sa iyong kapatid nang may maaliwalas at malugod na mukha).
Isinalaysay ni Muslim