Bakit nakahiwalay ang mga Muslim mula sa larangan ng edukasyon?

Ano ba ang pananaw ng Islam tungkol sa edukasyon, agham at teknolohiya?

 

Ang diwa ng Islam sa kabuuang balangkas nito ay paglalarawan ng isang malawak na pananaw ng buhay at ng sandaigdigan. Kaya naman, ang isang Muslim ay tinatagubilinang magsikhay ng kaalaman sa larangan ng relihiyon at makamundo [ngunit makabuluhan] gawain. Sa katunayan, ang Islam ay nagtaguyod ng kaalaman sa panahon na ang buong mundo ay nakasadlak sa kamangmangan. Sa loob ng mga ilang taon ang mga naunang henerasyon ng mga Muslim ay naging matatalino at sila ay kinilala bilang mahusay na mamamayan, sapagkat sila ay iminulat sa kakayahang makapag-isip nang mahusay. Yaong mga naunang Muslim ay nakauunawa mula sa mga aral ng kanilang relihiyon na ang makabuluhang kaalaman ay kailangan para sa kabutihan o kapakanan ng sarili at ng sangkatauhan, Kaya naman, [ang kaalaman] ito ay kanilang tinahak sa antas na kung saan ay kanilang nalagpasan ang ibang mamamayan [o pamayanan] sa kaunlaran at kasaganaan at kanilang ibinantayog ang sulo ng kabihasnan sa loob ng mga mahabang siglo.

Ang kasaysayan ng Muslim ay hitik sa mga halimbawa ng siyentipiko at malikhaing kultura. Minana ng mga Muslim ang kaalaman ng mga pamayanang nauna sa kanila, ito ay kanilang pinagyaman at inilapat sa kalagayang ganap na umaalinsunod sa kapakanang moral [o kaugaliang matuwid] na balangkas. Ang kaalamam [o karunungan] ng Muslim ay nakagawa ng mahalagang ambag para sa pagyaman at pag-unlad ng kabihasnan ng tao.

Habang ng Europa ay nasa madilim na panahon, ang mga relihiyosong Muslim ay gumagawa ng malaking pagsulong sa larangan ng medisina, matematika, pisika [o karunungang nauukol sa kalikasan ng mga bagay] astronomiya, heograpiya, arkitektura, panitikan at pagpapatibay [upang mapanatili] ang mga kasaysayan, ito ay ilan lamang sa binanggit. Maraming mga mahahalagang bagong alituntunin ay inilipat sa gitnang panahon ng Europa mula sa mga lupain o rehiyon ng mga Muslim tulad ng pamilang sa arabe na may prinsipyo ng zero na sadyang mahalaga sa pagsulong ng matematika at paggamit ng algebra

Ang sopistikadong kagamitan kabilang na ang astrolabya at ang kwadrante at gayun din ang mahusay na mapa sa paglalayag ay unang binuo o inilunsad ng mga Muslim. Pagkaraan lamang ng maglaho sa tao ang pagsunod sa kanilang paniniwala at tungkulin sa relihiyon na ang siyentipikong tagumpay ng Muslim ay natigil at nasadlak sa malabong di-pagkaunawa.

Katulad nito, ang Islam ay hindi sumasalungat sa alinmang makabagong tuklas na makakabuti sa sangkatauhan. Sapat na ito ay gamitin sa ngalan ng Diyos at para sa landas [o paglilingkod] sa Diyos. Sa katotohanan, ang mga makinarya, mga kasangkapan at mga kagamitan ay walang kinikilalang relihiyon at walang pinagmulang bayan.

Ang mga ito ay maaaring gamitin para sa kabutihan o masamang hangarin, at ang paraan ng paggamit ay maaaring makapagdulot nang malaki sa populasyon ng mundo. Kahit ang isang simpleng bagay tulad ng baso ay maaaring punuin ng nakatitighaw nainumin o [punuin] ng lason. Ang telebisyon ay maaring magbigay ng edukasyon o gawaing imoral. Ito ay nasa pasiya ng taong gumagamit. At ang Muslim ay pinag-utusang gawing mabuti ang lahat ng mga pamamaran sa sarili nitong kakayahan samantalang pinagbabawalan mula sa pagdulot ng kapinsalaan sa sarili o sa iba pa. Ang di-pagsunod sa wastong pamamaraan, ay nagbubunga ng pagkasira o paghamak sa kahalagahan ng mga katuruan ng Islam.

Ang isang tunay na Islamikong pamahalaan, sa pinakamahusay na kakayahan nito ay nararapat na magbigay ng lahat ng pamamaraan na palaganapin [at itaguyod] ang maayos na pag-aaral ng kanyang mga mamamayan. Ang edukasyon [o paghahanap ng kaalaman] ay isang karapatan para sa lahat ng tao at ang pangangailangan ng matwid na tungkulin ng bawat may kakayahang Muslim. Lahat ng may kakayahan, matalino at dalubhasa [bihasa at sanay] na Muslim sa isang Muslim na lipunan ay nangangailangan na maging maalam ang mga sarili hindi lamang sa mga pangunahing prinsipyo ng kanilang relihiyon kundi sa mga mahahalagang makamundong gawain. Karagdagan, isang tungkulin para sa isang may kakayahan na tao na pag-aralan ang bawat larangan ng kaalamang makabubuti. Halimbawa, bawat lipunan ay nangangailangan ng isang manggagamot [duktor] isang tungkulin para sa ibang tao na tumahak sa larangan ng medisina upang tuparin ang pangangailangan ng lipunan.

Ang mga pagsulong sa agham at teknolohiya ay kabilang sa mga pamamaraan at kaparaanan upang makamit ang pagyabong ng mundo ng Muslim. Ang Islam ay nananawagan sa mga Muslim na magsikhay o maghanap na kaalaman sa malawak na kahulugan [o pananaw] ng salita. Ang Propeta Muhammad ay nagsabi:

“Ang paghahanap ng kaalaman ay tungkulin ng bawat Muslim.” [Ibn Majah].

Siya ay nagsabi rin:

“Sinuman ang tumahak sa landas ng kaalaman, gagawing magaan ng Allah ang kanyang landas patungong paraiso.” [Isinalaysay ni Muslim].

At ang Qur’an ay naglalaman ng maraming pahayag tungkol sa kaalaman at ang kahalagahan nito, tulad ng:

“Katotohanan, sa pagkakalikha ng mga kalangitan at kalupaan, at sa pagsasalit-salitan ng gabi at araw, naririto ang ayaat [mga palatandaan, babala, aral] para sa mga [taong] nagtataglay ng tamang pang-unawa.” [Quran 3:190]

“Sabihin, Yaong bang maalam ay kapantay niyaong mga hindi maalam. [Qur’an 39:9]

“…itataas ng Allah yaong mga naniwalang kabilang sa inyo at yaong mga pinagkalooban ng kaalaman, sa mga antas [ng karangalan]. At ang Allah ay Lubos na Nababatid ang anumang inyong ginagawa.” [Qur’an 5:11]

Ang mga talata ng Qur’an ay naghihimok ng pag-aaral at pagnilay-nilay sa buong sanlibutan na nakapaligid sa atin at partikular na nakatuon sa mga agham na nagdudulot sa mga tao ng kakayahan makinabang mula sa mundong nakapaligid sa kanila. Habang ipinag-aanyaya ang pananaliksik [at pagsisiyasat], ang Qur’an ay naglalaman ng mga kaukulang batayan sa mga iba’t ibang paksa na kung saan ay nagpapakita ng kawastuhan sa karunungang-agham. [pahina 27-28]. Ito ang siyang katuparan sa kapahayagan ng Diyos sa loob ng 14 na siglo [na nagsasabing]:

“Aming ipakikita sa kanila ang Aming mga ayaat [mga tanda] sa buong [abot-tanaw ng mga alapaap o] santinakpan, at sa kanilang mga sarili, hanggang maging malinaw sa kanila na ito ang katotohanan.” [Qur’an 41:53

Kaya, kapag ang isang Muslim ay mayroong tapat at malinis na hangarin upang makamit ang kaalaman, magkakaroon din ito ng magandang bunga sa kanyang pananampalataya. Sapagkat ang kaalaman ay nagdaragdag ng lakas sa mga tekstuwal na katibayan para sa paniniwala ng pagkakaroon ng Makapangyarihang Tagapaglikha at tinutulungan sa pagbibigay ng kahalagahan [o pagkilala] sa mga siyentipikong pagbanggit o pagtukoy na natagpuan sa Qur’an.

Kailanman ay wala pang napatunayan [o naitatag] na siyentipikong katotohanan na sumalungat sa mga katuruan ng Islam. Anumang natuklasan ng makabagong agham ay nakararagdag sa kaalaman ng Muslim hinggil sa kahanga-hangang [at makapangyarihang] paglikha ng Diyos. Kaya, masigasig ang Islam na himukin ang pagsisikap sa larangan ng agham at ang masusing pag-aaral ng mga palatandaan ng Diyos sa kalikasan. Kinikilala rin ang mga kapaki-pakinabang dulot ng makabagong teknolohiya at pinahihintulutan ang tao na tamasahin ang mga [mabubuting] bunga ng katalinuhan ng tao.

Sa isang Muslim, ang pagtatalo sa pagitan ng agham at relihiyon ay isang bagay na di-maiwasan. Sapagkat ang relihiyon ay nagmula sa Diyos at maging ang Kanyang pamamaraan ng paglikha at pagpapaunlad [o pagpapalaki at pangangalaga sa mga nilikha]. Ang kabago, tahas na pamamaraang material sa siyentipiko at teknolohiyang pagsulong ay sadyang nagbigay sa tao ng isang panukat sa pisikal na kaginahwaan, ngunit hindi ng kaginhawaan sa kaisipan o espirituwal. Ang Islam ay nagtataguyod ang kalakip na kaalaman sa loob ng makatarungan at pantay na pagpapahalaga sa pamamaraan na kung saan anumang bagay para sa kapakanan ng espirituwal at makamundong kabutihan ay kinikilala at ipinagkakapuri.