ANG KAHALAGAHAN NG KAALAMAN 


Nauukol ito sa kaalaman sa Islâm na siyang mag-aakay sa tao upang naisakatuparan ang kanyang minimithi. Ito ang mga bagay na nanggaling sa Allâh sa pamamagitan ng mga salita ng Kanyang Sugo . Sa Banal na Qur’aan, ating matutunghayan:

 

"Kaya, dapat malaman na walang tunay na Diyos na dapat sambahin maliban sa Allàh, at humingi ng kapatawaran sa inyong mga kasalanan". (Qur'an Surah Muhammad- 47 :19)

 

Makakamtan ang kaalaman sa masusing pag-aaral. Silang mga nagsipag-aral ng Islam ay naging maalam. At sa pamamagitan ng pag-aaral, sila ay nagiging mga tagapagmana ng mga Propeta. Hindi nagpamana ang mga Propeta ng kayamanan o ari-arian, bagkus nagpamana ng kaalaman. Higit na yaman ang makakamtan ng sinumang may kaalaman sa Islâm. Si Propeta Muhammad> ay nagsabi:

 

Gagawing magaan ng Alláh ang landas patungo sa Paraiso sa sinumang tumahak sa landas ng kaalaman. (Bukhari —243)

 

Ang Allâh, ang Kataas-taasan ay nagsabi:

Sabihin!   Magkatulad ba ang mga maalam sa mga niangmang?  (Qur'an Surah Az-Zumar- 39:9)

 

Ang pagtawag tungo sa landas ng Allâh (ad-Da’wah ilallâh) ay pamamaraan ng Sugo at ng kanyang mga tagasunod, katulad ng sinabi ng Allâh — ang Kataas-taasan:

 

"Sabihin (O Muhammad).’ Ito ang aking landas; nag-aanyaya ako tungo sa landas ng Allah nang may tiyak na kaalaman — ako at sinumang sumusunod sa akin. At Purihin at Luwalhatiin ang Allâh. At hindi ako kabilang sa mga sumasamba sa mga diyus-di yusan". (Qur'an Surah Yoosuf 12:108)

 

Ipinarating din sa atin ni Propeta Muhammad na higit na matatag laban sa demonyo ang isang Muslim na maalam sa kanyang pananampalataya kaysa isang libong mangmang na mananampalataya. Ang isang maalam ay higit na may pagkakataong gumawa ng kabutihan dahil alam niya ang makapagbibigay kasiyahan sa Allâh; higit siyang may pagkakataong umiwas sa kasamaan dahil batid niya kung ano ang kinasusuklaman ng Allâh; higit siyang makapagtitiis sa mga hamon at kalupitan ng kapaligiran dahil alam niya na ang mga ito ay mga pagsubok lamang na kapag ito’y hinarap nang may pagtitiis, makakamit niya ang lugod ng Allâh; at siya’y magiging higit na mahusay na Da’iyah dahil alam niya ang mga pangaral at mga halimbawa ng Propeta sa larangan ng Da’wah.

 

Magkagayon, ang kaalaman ay mahalaga bukod pa sa pagiging isang tungkulin. Sa isang Hadeeth, ang Propeta ay nagsabi:

 

Ang paghahanap ng kaalaman ay isang tungkuling iniatas sa bawa 't Muslim. (Ibn Majah)

 

Isang gawaing pagsamba sa Allâh ang paghahanap ng kaalaman sa dahilang ang kaalaman ang siyang pundasyon upang makilala ang Allâh, ang Kanyang Deen, at ang Kanyang Sugo.

"...Ang tunay na nangagamba kay Allah sa Kanyang mga alipin ay yaong may karunungan (kaalaman)..."  (Qur'an Surah Al-Fatir 35:28)

 Ingatang manawagan habang salat sa mga pangunahing kaalaman sa Isläm at mag-ingat sa pagtalakay ng mga paksa o bagay nang walang sapat na mapapanaligang kaalaman o impormasyon. Manawagan lamang pagkatapos makamit ang tamang kaalaman at magkaroon ng malalim na pang-unawa tungkol dito. Kung ang katotohanan ay sadyang malinaw na at ang Da’iyah ay nakatitiyak tungkol dito, magkagayon dapat siyang manawagan bilang pagsunod sa Allâh at sa Kanyang Sugo .