عَنْ أَبِي عَبْدِ الرَّحْمَنِ عَبْدُ اللهِ  بْنِ عُمَرَ بْنِ الخَطَّابِ رَضِيَ اللهُ عَنْهُمَا قَالَ: سَمِعْتُ النَّبِيَّ ﷺ يَقُولُ:

(( بُنِيَ الإِسْلَامُ عَلَى خَمْسٍ: شَهَادَةِ أَنْ لَا إِلَهَ إِلَّا اللهُ وَأَنَّ مُحَمَّدًا رَسُولُ اللهِ، وَإِقَامِ الصَّلَاةِ، وَإيتَاءِ الزَّكَاةِ، وَحَجِّ البَيْتِ، وَصَوْمِ رَمَضَانَ )). رواه البخاري ومسلم

Ang Ikatlong Hadeeth

['An Abee 'Abdir-Rahmaan 'Abdullaah ibni 'Umar ibnil-Khattaab radhiyallaahu 'anhumaa qaala: sami'tun-nabiyya sallallaahu 'alayhi wa sallama yaqoolu: (( Buniyal-Islaamu 'alaa khams: shahaadati an laa ilaaha illallaah wa anna Muhammadan rasoolullaah, wa iqaamis-salaah, wa eetaa-iz-zakaah, wa hajjil-bayt, wa sawmi Ramadhaan )). Rawaahul-Bukhaariy wa Muslim]

Mula kay Aboo 'Abdur-Rahmaan 'Abdullaah ibn 'Umar ibn Al-Khattaab (kalugdan nawa sila ni Allaah) na kanyang sinabi: Narinig ko ang Propeta ﷺ na kanyang sinasabi: "Itinatag ang Islaam sa lima: ang pagsaksi na walang diyos (na tunay) maliban kay Allaah at si Muhammad ay Sugo ni Allaah, ang pagsasagawa ng salaah, ang pagbibigay ng zakaah, ang pagsasagawa ng Hajj sa Tahanan ni Allaah (ang Ka'bah), at ang pag-aayuno sa buwan ng Ramadhaan." Inulat nina Al-Bukhaariy at Muslim(1)

 

____________________

(1) Inulat ni Al-Bukhaariy [Hadeeth (8)] at Muslim (Hadeeth (16)]

 

sumasaklaw sa salita at gawa (na nagtataglay ng iba't ibang uri ng pagsamba kagaya ng salaah, pagbabasa ng Qur-aan, pagkatay ng hayop, pag-aayuno, pagbibigay ng kawanggawa at iba pa) na nangangailangan ng panustos higit lalo sa mga nagmumula sa malalayong lugar.

 

 

  1. 1. Ang Islaam ay kinumpleto ni Allaah. Ito ay itinatag Niya sa limang haligi: ang shahaadah, ang salaah, ang zakaah, ang sawm at ang hajj.
  2. Ang Islaam ay praktikal na paraan ng pamumuhay. Ito ay sumasaklaw sa lahat ng sulok ng pamumuhay ng tao.
  3. 3. Ang Islaam ay hindi itinatag ng tao o grupo ng mga tao. Ito ay nagmula sa Dakilang Lumikha (Allaah) na ipinagkaloob Niya sa sanlibutan sa pamamagitan ng Kanyang mga Sugo at Propeta.
  4. 4. Ang Islaam ay hindi maaaring baguhin ng sinumang nilikha. Ito ay mananatili hanggang sa Huling Araw.
  5. 5. Ang kabutihan ng mga nilikha ay nasa pagsunod sa mga kautusan ni Allaah.
  6. 6. Ang saligan ng ating mga paniniwala, mga pagsamba, mga gawa at pag-uugali ay nakabatay sa paniniwala kay Allaah at pagsunod sa Sunnah ng Propeta ﷺ.
  7. 7. Hindi kailanman magiging ganap ang pananampalataya ng isang tao hangga't hindi niya niyakap nang buo ang limang haligi ng Islaa
  8. 8. Ang pagsubok ni Allaah sa Kanyang mga alipin ay hindi lamang sa pamamagitan ng mga suliranin, sakuna, gutom, ligalig, sakit, pagkalugi ng negosyo, pagkawala ng mahal sa buhay at iba pa, bagkus sapamamagitan din ng pagsunod sa Kanyang mga kautusan at pagsamba sa Kanya ayon sa paraang iniatas Niya.
  9. 9. Ang mga pagsamba kay Allaah ay hindi lamang partikular sa pagkilos ng katawan, ito ay pinaglaanan ni Allaah ng iba't ibang paraan na naaayon sa Kanyang Batas, sapagkat, batid Niya ang pagkakaiba-iba ng kakayahan ng Kanyang mga alipin. Kabilang sa Kanyang mga alipin ang bagama't magaan para sa kanila ang pagsasagawa ng salaah ay walang kakayahan sa pananalapi, mahusay sa pagbibigay ng zakaah subalit nahihirapan sa pag-aayuno, mahusay sa pag-aayuno subalit walang kakayahan sa pagsasagawa ng Hajj, at iba pa.

 

 

Mga Tanon