الحديث الثاني
“مجىء جبريل ليعلم المسلمين أمر دينهم”
عَن عُمَر رضي اللهُ عنه أَيْضاً قال: بَيْنَما نَحْنُ جُلْوسٌ عِنْدَ رسُولِ الله صلى الله عليه وسلم ذات يَوْم إذْ طَلَعَ عَلَيْنَا رَجُلٌ شَدِيدُ بَياضِ الثِّيَاِبِ شَديدُ سَوَادِ الشَّعْرِ، لا يُرَى عليه أَثَرُ السَّفَرِ ولا يَعْرِفُهُ مِنَّا أَحَدٌ، حَتى جَلَسَ إلى النَّبِّي صلى الله عليه وسلم، فأسْنَدَ رُكْبَتَيْهِ إلى رُكْبَتَيْهِ ووَضَعَ كَفَّيْهِ على فَخِذَيْهِ، وقال: يا محمَّدُ أَخْبرني عَن الإسلامِ، فقالَ رسُولُ الله صلى الله عليه وسلم:[ الإسلامُ أَنْ تَشْهَدَ أَنْ لا إلهَ إلا اللهُ وأَنَّ محمِّداً رسولُ الله، وتُقِيمَ الصَّلاةَ، وتُؤتيَ الزَّكاةَ، وتَصُومَ رَمَضان، وتَحُجَّ الْبَيْتَ إن اسْتَطَعتَ إليه سَبيلاً]. قالَ صَدَقْتَ. فَعَجِبْنا لهُ يَسْأَلُهُ ويُصَدِّقُهُ، قال : فَأَخْبرني عن الإِيمان. قال: [أَن تُؤمِنَ باللهِ، وملائِكَتِهِ وكُتُبِهِ، ورسُلِهِ، واليَوْمِ الآخِرِ، وتُؤمِنَ بالْقَدَرِ خَيْرِهِ وشَرِّهِ] قال صدقت. قال : فأخْبرني عَنِ الإحْسانِ. قال:[ أنْ تَعْبُدَ الله كَأَنَّكَ تَرَاهُ فإنْ لَمْ تَكُنْ تَرَاهُ فإنَّهُ يَرَاك]. قال: فأَخبرني عَنِ السَّاعةِ، قال: [ما المَسْؤولُ عنها بأَعْلَمَ مِنَ السَّائِلِ ]. قال: فأخبرني عَنْ أَمَارَتِها، قال:[ أن تَلِدَ الأمَةُ رَبَّتَها، وأَنْ تَرَى الحُفاةَ العَُراةَ العالَةَ رِعاءَ الشَّاءِ يَتَطَاوَلُونَ في الْبُنْيانِ] ثُمَّ انْطَلَقَ، فَلَبِثْتُ مَلِيّاً، ثُمَّ قال : [يا عُمَرُ، أَتَدْرِي مَنِ السَّائِلُ؟] قُلْتُ: اللهُ ورسُولُهُ أَعلَمُ . قال: [ فإِنَّهُ جِبْرِيلُ أَتاكُمْ يُعَلِّمُكُمْ دِينَكُمْ
رَوَاهُ مُسْلِمٌ
شرح الحديث مع فضيلة الشيخ مُحَمّد بن صَالِح العُثَيْمِين رحمه الله تعالى الجزء الأول
شرح الحديث مع فضيلة الشيخ مُحَمّد بن صَالِح العُثَيْمِين رحمه الله تعالى الجزء الثاني
شرح الحديث مع فضيلة الشيخ مُحَمّد بن صَالِح العُثَيْمِين رحمه الله تعالى الجزء الثالث
شرح الحديث مع فضيلة الشيخ مُحَمّد بن صَالِح العُثَيْمِين رحمه الله تعالى الجزء الرابع
HADITH # 2
Mula rin sa autoridad ni Umar (ra) na kanyang sinabi:
Isang araw habang kami ay naka-upong kasama ang Sugo ni Allah, ay lumitaw sa aming harapan ang isang lalaking nakasuot ng napakaputing damit at ang buhok ay napaka-itim, at walang palatandaang siya ay nanggaling sa (malayong) paglalakbay at walang nakakaalam (o nakakakilala) sa kanya. Siya ay naglakad (patungo sa amin) at naupo sa harapan ng Propeta (saw) at itinumbok ang kanyang mga tuhod sa tuhod ng Propeta (saw) at ipinatong ang kanyang dalawang palad sa hita ng Propeta (saw) at kanyang sinabi: O Muhammad (saw) sabihin mo sa akin ang (tungkol sa) Islam. Sinabi ng Sugo (saw): Ang Islam ay ang pagtestigo na walang diyos maliban kay Allah (swt) at si Muhammad (saw) ay Sugo ng Allah (swt) ang pagsasagawa ng mga pagdarasal, ang pagbibigay ng Zakat (kawang-gawa) ang pag-aayuno sa buwan ng ramadan, at ang pagsasagawa ng Hajj (Peregrenasyon) sa Makkah kung ito ay kaya mo. Kanyang sinabi: Ang sinabi mo ay totoo, nagulat kami sa kanya dahil siya ay nagtatanong subalit siya rin ang nagsabi na tama ang Propeta (saw) sa kanyang kasagutan. Kanyang sinabi: Sabihin mo sa akin ang tungkol sa Iman, Sinabi ng Sugo (saw) Ito ang maniwala sa Allah (swt), sa Kanyang mga Anghel, sa Kanyang mga Banal na Kasulatan, sa Kanyang mga Sugo, sa Huling Araw, at ang maniwala sa Tadhana (Qadar) ito man ay mabuti o di kaya masama. Siya (ang dayuhang lalaki) ay nagsabi: Ang sinabi ay totoo. Kanyang sinabi: Sabihin mo sa akin ang tungkol sa Ihsan. Sinabi ng Sugo (saw): Ito ang sumamba sa Allah (swt) na para mo Siyang nakikita kahit hindi mo Siya nakikita dahil Siya (Allah) ay nakatingin sa iyo. Kanyang sinabi: Sabihin mo sa akin ang tungkol sa Oras (Paghuhukom). Sinabi ng Sugo (saw): Ang nagtatanong ay higit na nakakaalam kesa tinatanong. Kanyang sinabi: Sabihin mo sa akin ang mga palatandaan. Sinabi ng Sugo (saw): Ipanganganak ng babaing alipin ang kanyang amo, at makikita mo ang mga nakayapak, nakahubad mga dukhang mamastol na (silay) magpapaligsahan sa pagpapatayo ng matataas na gusali. Pagkatapos siya ay umalis (ang dayuhang lalaki) at ako ay naghintay ng ilang sandali. Pagkatapos ang Sugo (saw) ay nagsabi: O Umar, alam mo ba kung sino ang nagtatanong? Ang sagot ko ay: Ang Allah (swt) at ang Kanyang Sugo (saw) ang higit na nakakaalam. Kanyang sinabi: Siya si Anghel Gabriel, siya ay nagpunta dito upang ituro sa inyo ang inyong Relihiyon.
(Mula sa salaysay ni Muslim)