الحديث الرابع والعشرون


arbaina1


“يا عبادي إني حرمت الظلم على نفسي”

عن أبي ذَرٍّ الْغِفاريِّ رضي الله عنه، عن النبيِّ صلى الله عليه وسلم فيما يَرْويهِ عن رَبِّهِ عَزَّ وجَلَّ أَنَّهُ قال

 يا عِبادي إنِّي حَرَّمْتُ الظُلْمَ على نَفْسِي وَ جعَلْتُهُ بَيْنَكُمْ مُحَرَّماً فلا تَظَالَمُوا

.يا عِبادي كُلُّكُمْ ضالٌّ إلا مَنْ هَدَيْتُهُ، فاسْتَهدُوني أهْدِكُمْ

.يا عِبادِي كُلُّكُمْ جائعٌ إلا مَنْ أطْعَمْتُهُ، فاسْتَطْعِمُوني أُطْعِمْكُم

.يا عِبادِي كُلُّكُمْ عَارٍ إلا مَنْ كَسَوْتُهُ، فاسْتكْسوني أَكسُكُم

.يا عِبادِي إِنَّكُمْ تُخْطِئُونَ بالليْلِ والنَّهارِ، وأنا أَغْفِرُ الذُّنُوبَ جَميعاً، فاسْتَغْفِرُوني أُغْفِر لكُمْ

.يا عِبادِي إِنَّكُمْ لنْ تبْلغُوا ضُرِّي فتَضُرُّوني، ولن تبْلُغُوا نفْعي فَتَنْفعُوني

.يا عِبادِي لوْ أَنَّ أَوَّلَكُمْ وآخِرَكُمْ وإنْسَكُمْ وجِنَّكُمْ كانُوا عَلَى أَتْقَى قَلْبِ رَجُلٍ واحدٍ مِنْكُمْ ما زادَ ذلك في مُلْكي شَيئاً

.يا عِبادِي لوْ أَنَّ أَوَّلكُمْ وآخِرَكُمْ وإنْسَكُمْ وجِنَّكُمْ كانُوا عَلَى أَفْجَرِ قَلْبِ رَجُلٍ وَاحدٍ مِنْكُمْ ما نَقَصَ ذَلِكَ مِنْ مُلْكي شَيئاً

يا عِبادِي لوْ أَنَّ أَوَّلَكُمْ وآخِرَكُمْ وإنْسَكُمْ وجنَّكُمْ قاموا في صَعِيدٍ وَاحِدٍ، فَسَأَلُوني، فأَعْطَيْتُ كلَّ واحدٍ مَسْأَلَتَهُ ما نَقَصَ ذلك مِمَّا عِنْدِي إلا كما يَنْقُصُ الْمِخْيَطُ إذا أُدْخِلَ الْبَحْرَ

يا عِبادِي إنَّما هي أعمَالُكُمْ أُحْصِيها لَكُمْ ثُمَّ أُوَفِّيكُمْ إيَّاها، فَمَنْ وَجَدَ خيْراً فَلْيَحْمَدِ اللهَ، ومَنْ وَجَدَ غَيْرَ ذلك فَلا يَلومَنَّ إلا نَفْسَه

رَوَاهُ مُسْلِمٌ


HADITH # 24


 Mula sa autoridad ni Dharr Abu al-Ghifari (ra) mula sa Propeta (saw): at kasama sa mga kasabihang kanyang isinalaysay mula sa kanyang Panginoon ay Kanyang sinabi:

        O! Aking alipin, katotohanan Aking ipinagbabawal sa Aking sarili ang mang-api (o maniil) at (Aking) ginawang bawal sa bawat isa sa inyo, kaya huwag mang-api sa isa’t-isa.    

       O! Aking alipin, katotohanan kayong lahat ay naliligaw (ng landas) maliban sa Aking binigyan ng patnubay (sa tamang landas), kaya hanapin ang Aking patnubay (o katuruan) at kayo ay Aking papatnubayan. 

      O! Aking alipin, katotohanan kayong lahat ay nagugutom maliban silang Aking pinakain, kaya maghingi ng pagkain sa Akin at kayo ay Aking pakakainin.

      O! Aking alipin, katotohanan kayong lahat ay nakahubad maliban silang Aking dinamitan, kaya maghingi ng damit sa Akin at kayo ay Aking dadamitan.

       O! Aking alipin, katotohanan ikaw ay nagkakasala sa araw at gabi at bibigyan ko ng kapatawaran ang lahat ng pagkakasala, kaya maghingi sa Akin ng kapatawaran at kayo ay Aking patatawarin.

        O! Aking alipin, hindi ninyo makakamit na sirain Ako upang Ako ay masira, at hindi ninyo maabot na bigyan Ako ng pakinabang upang Ako ay magkaroon ng pakinabang.  

        O! Aking alipin, maging ang una sa inyo  at ang pinakahuli sa inyo, ang tao sa inyo at Jinn sa inyo na maging banal kasintulad ng pagkabanal ng isa sa inyo, ito ay hindi makapagbibigay ng anumang karagdagan sa Aking kaharian. 

       O! Aking alipin, maging ang una sa inyo at ang pinakahuli sa inyo, ang tao sa inyo at Jinn sa inyo ay tumayo sa isang pook at maki-usap (o humingi) sa Akin at kung ibibigay Ko sa bawat isa sa kanilang hinihiling, ay hindi ito makakabawas sa (mga kayamanang) nandito sa Akin maliban lang  (na mababawas) ang kasintulad ng (patak ng) karayon kapag ito ay inilubog sa dagat.

     O! Aking alipin, katotohanan, iyon ay inyong mga gawa na Aking binilang para sa inyo at pagkatapos ay (Aking) babayaran ng sapat, at ang sinuman sa inyo ang makakakita ng maganda ay purihin ang Allah (swt) at ang sinuman ang makakita ng iba maliban dito ay huwag sisihin ang sinuman maliban sa kanyang sarili.

[Mula sa salaysay ni Muslim]