الحديث السابع والعشرون
"البر حسن الخلق"
عن النّوَّاسِ بْنِ سَمْعَانَ رضيَ اللهُ عَنْهُ عن النَّبي صلى الله عليه وسلم قَالَ: [ الْبِرُّ حُسْنُ الْخُلُقِ، وَالإِثْمُ مَا حاكَ في نَفْسِكَ وَكَرِهْتَ أَنْ يَطَّلِعَ عَلَيْهِ النَّاسُ
رَوَاهُ مُسْلِمٌ
وعن وَابصَةَ بْنِ مَعْبَدٍ رضي اللهُ عَنْهُ قالَ: قالَ رَسُولَ اللهِ صلى الله عليه وسلم [جِئْتَ تَسأَلُ عَنِ الْبِرِّ؟] . قُلْتُ: نَعَمْ. قَالَ: [اسْتَفْتِ قَلْبَكَ، الْبِرُّ مَا اطْمَأَنَّتْ إلَيْهِ النَّفْسُ وَاطْمَأَنَّ إلَيْهِ الْقَلْبُ، وَالإِثْمُ مَا حاكَ في النَّفْسِ وَتَردَّدَ في الصَّدْرِ وَإنْ أَفْتَاكَ النّاسُ وَأَفْتَوْكَ
حَدِيثٌ حَسَنٌ، رَوَيْنَاهُ في مُسْنَدَي الْإِمَامَيْنِ أَحْمَدَ بْنِ حَنْبَلٍ وَالدَّارِمِيّ بِإِسْنَادٍ حَسَنٍ
HADITH # 27
Mula sa autoridad ni Nawwas na anak ni Sam’an (ra) na sinabi ng Propeta (saw):
Ang pagkamakatarungan (o pagkamakatuwiran) ay kagandahang-asal at ang mga pagkakamali ay umuulik-ulik (o nagbabalik) sa iyong sarili at kinamumuhian mong malaman (o mabalitaan) ito ng (ibang) tao.
[Mula sa salaysay ni Muslim]
Mula sa autoridad ni Wabisa na anak ni Ma’bad (ra) na nagsabi:
Ako ay nagpunta sa Sugo ng Allah (saw) at kanyang sinabi: Ikaw ay nagpunta (rito) upang magtanong tungkol sa pagkamakatarungan (o pagkamakatuwiran)? Aking sinabi: Oo. Kanyang sinabi: Sumangguni sa iyong puso. Ang pagkamakatarungan ay ang kapanatagang nararamdaman ng sarili at kapanatagang nararamdaman ng puso, at ang mga gawaing kamalian (o mga masasama) ay umuulik-ulik (o nagbabalik) sa sarili at umuurong-sulong sa dibdib kahit paulit-ulit kang payuhan (ng pabor sa iyo) ng mga tao.
[Ito ay magandang Hadith mula sa dalawang Musnad (koliksyon) ng dalawang Imam, si Ahmad na anak ni Hanbal at si ad-Darimi, na may magandang (autoridad) na pinanggalingang mapagkakatiwalaan sa Hadith]