الحديث الأول

عَنْ أَمِيرِ المُؤْمِنِينَ أَبِي حَفْصٍ عُمَرَ بْنِ الخَطَّابِ رَضِيَ اللهُ تَعَالَى عَنْهُ قَالَ: سَمِعْتُ رَسُولَ اللهِ ﷺ يَقُولُ: (( إِنَّمَا الأَعْمَالُ بِالنِّيَّاتِ، وَإِنَّمَا لِكُلِّ امْرِئٍ مَا نَوَى، فَمَنْ كَانَتْ هِجْرَتُهُ إِلَى اللهِ وَرَسُولِهِ فَهِجْرَتُهُ إِلَى اللهِ وَرَسُولِهِ، وَمَنْ كَانَتْ هِجْرَتُهُ لِدُنْيَا يُصِيبُهَا، أَو امْرَأَةٍ يَنْكِحُهَا، فَهِجْرَتُهُ إِلَى مَا هَاجَرَ إِلَيْهِ )). رَوَاهُ إِمَامَا المُحَدِّثِينَ أَبُو عَبْدِ اللهِ مُحَمَّدُ بْنُ إِسْمَاعِيل بْنُ إِبْرَاهِيم بْنُ المُغِيرَة بْنُ بَرْدِزْبَهْ البُخَارِيُّ، وَأَبُو الحُسَيْنِ مُسْلِمٌ بْنُ الحَجَّاج بْنُ مُسْلِم القُشَيْرِيُّ النَّيْسَابُورِيُّ، فِي صَحِيحَيْهِمَا اللذين هُمَا أَصَحُّ الكُتُبِ المُصَنَّفَةِ.

Ang Unang Hadeeth

['An ameeril-mu`mineena Abee Hafs 'Umarabnil-Khattaab radhiyallaahu ta'aalaa 'anhu qaala: sami'tu rasoolallaahi sallallaahu 'alayhi wa sallama yaqoolu: (( Innamal a'maalu binniyyaat, wa innamaa likullimri-in maa nawaa, faman kaanat hijratuhu ilallaahi wa rasoolihi fahijratuhu ilallaahi wa rasoolih, wa man kaanat hijratuhu lidunyaa yuseebuhaa, awimra-atin yankihuhaa, fahijratuhu ilaa maa haajara ilayh )). Rawaahu Imaamal-Muhadditheena Aboo 'Abdillaah Muhammad ibn Ismaa'eel ibn Ibraaheem ibnul-Mugheerah ibn Bardizbah Al-Bukhaariy, wa Abul-Husayn Muslim ibnul-Hajjaaj ibn Muslim Al-Qushayriy An-Naysaabooriy fee saheehayhimaa alladhayni humaa asahhul-kutubil-musannafah.]

Mula sa pinuno ng mga mananampalataya na si Aboo Hafs 'Umar ibn Al-Khattaab (Kalugdan nawa siya ni Allaah) na kanyang sinabi: Narinig ko ang Sugo ni Allaah na kanyang sinasabi: "Tunay na ang mga gawa ay nakabatay sa mga layunin, at tunay na ang bawat tao ay (gagantimpalaan) batay sa kanyang nilayon. Kaya sinuman na ang kanyang paglikas ay alang-alang kay Allaah at sa Kanyang Sugo, ang kanyang paglikas ay para kay Allaah at sa Kanyang Sugo. At sinuman na ang kanyang paglikas ay alang-alang sa mundo (mga makamundong bagay) upang makamit niya ito, o para sa isang babae upang mapangasawa niya ito, ang kanyang paglikas ay batay sa kanyang nilayon." Inulat ng dalawang Imaam ng mga tagapag-ulat ng Hadeeth na sina Aboo 'Abdillaah Muhammad ibn Ismaa'eel ibn Ibraaheem ibn Al-Mugheerah ibn Bardizbah Al-Bukhaariy, at Aboo Al-Husayn Muslim ibn Al-Hajjaaj ibn Muslim Al-Qushayriy An-Naysaabooriy sa kanilang dalawang aklat na Saheeh (Saheeh Al-Bukhaariy At Saheeh Muslim), ang dalawang aklat na pinakatumpak sa mga naisulat na aklat.(1)

____________________

(1) Inulat ni Al-Bukhaariy [Hadeeth (1)] at Muslim [Hadeeth (1907)]

 

 

 

 

 

 

 

Kung ang lugar naman niya ay punung-puno ng mga kasalanan at siya ay nangangamba na matulad sa mga taong makasalanan na nakapaligid sa kanya, ang paglikas ay waajib para sa kanya. Ngunit kung hindi siya nangangamba na matulad sa mga taong iyon, lalo't ang pananatili niya sa lugar na iyon ay makapagdudulot ng kabutihan sa mga tao, ang waajib para sa kanya ay manatili sa lugar na iyon.

 

  1. Ang Hadeeth na ito ay isa sa mga saligan ng Islaam na bumubuo sa kainaman, kabutihan, kadalisayan at pagiging ganap nito. Kaya ang sabi ng mga 'ulamaa, ang Islaam ay umiikot sa dalawang Hadeeth: ang Hadeeth na ito na sumasaklaw sa lahat ng gawain ng puso (panloob), at ang Hadeeth na isinalaysay ni 'Aaishah (kalugdan nawa siya ni Allaah) na sumasaklaw sa lahat ng gawain ng mga bahagi ng katawan (panlabas), (مَنْ عَمِلَ عَمَلًا لَيْسَ عَلَيْهِ أَمْرُنَا فَهُوَ رَدٌّ) رواه مسلم "Sinuman ang gumawa ng gawaing hindi kabilang sa aming gawain (mga pamamaraan sa Islaam) ay hindi katanggap-tanggap (kay Allaah)."(1)

Ang katulad nito ay ang taong tapat na nagsusumikap sa pagsasagawa ng mga pagsamba para kay Allaah, na naglalayon ng gantimpala at Paraiso ni Allaah subalit siya ay mapaggawa ng maraming bid'ah. Taglay niya ang mabuting layunin subalit ang kanyang pamamaraan ay sumasalungat sa pamamaraan ng Propeta ﷺ. Gayundin naman ang pagsasagawa ng mga pagsambang naaayon nga sa pamamaraan ng Propeta ﷺ ngunit hindi naman para kay Allaah. Ito ay hindi rin katanggap-tanggap kay Allaah mula sa taong gumagawa nito.

  1. Nararapat ang pagbubukod-tangi sa 'ibaadaat (mga pagsamba) sa bawat isa at ang 'ibaadaat (mga pagsamba) mula sa mu'aamalaat (mga gawaing walang ugnayan sa pagsamba) batay sa sinabi ng Propeta ﷺ, (إِنَّمَا الأَعْمَالُ بِالنِّيَّاتِ) "Tunay na ang mga gawa ay nakabatay sa mga layunin." Bilang halimbawa, kapag ikaw ay magsasagawa ng salaatudh-dhuhr, kinakailangan mong magkaroon ng layunin na ikaw ay magsasagawa ng salaatudh-dhuhr upang maging bukod-tangi ang gagawin mong salaah mula sa ibang mga salaah. Kung ikaw naman ay magsasagawa ng dalawang salaatudh-dhuhr, dapat mong isapuso kung alin sa dalawang ito ang para sa nakaligtaan mo kahapon at alin ang para sa kasalukuyan sapagkat ang bawat salaah ay nangangailangan ng layunin.

____________________

(1) Inulat ni Muslim [Hadeeth (1718) (17)]

 

  1. Ang kahalagahan ng ikhlaas (sinsiridad) para kay Allaah. Batay sa Hadeeth na ito, hinati ng Propeta ﷺ ang mga tao sa dalawang pangkat: mga taong ang kanilang mga gawain ay para kay Allaah at ang Tahanan sa Kabilang-Buhay, at mga taong kasalungat nito. Ang katapatan kay Allaah ay waajib (obligado) sa lahat ng ating mga gawain sapagkat ito ang pinakamahalagang sangkap kung bakit tayo nilikha ni Allaah. Si Allaah ay nagsabi sa Qur-aan: ﴿ وَمَا خَلَقْتُ الْجِنَّ وَالْإِنسَ إِلَّا لِيَعْبُدُونِ ﴾ سورة الذاريات: 56 "At hindi Ko nilikha ang jinn at ang tao maliban lamang upang sila ay sumamba sa Akin."(1)
  2. Ang kahusayan ng Propeta ﷺ sa pagtuturo upang madaling maunawaan ng mga tao ang mensahe ng Islaam. Binigyan niya ng dalawang uri ang pagkakaroon ng layunin: ang layunin sa gawa at ng gumagawa nito, at ang paglikas na naaayon sa Islaam (para kay Allaah at sa Kanyang Sugo) at ang kasalungat nito.
  3. Ang kapahintulutan ng paggamit ng "at" para kay Allaah at sa Kanyang Sugo, na kagaya ng nabanggit sa Hadeeth na ito ay hindi maituturing na shirk, sapagkat ito ay tumutukoy sa mga batas, at ang lahat ng batas na nagmumula sa Propeta ﷺ ay nagmula kay Allaah. Si Allaah ay nagsabi sa Qur-aan: سورة النساء: 80 ﴾ ﴿ مَّن يُطِعِ الرَّسُولَ فَقَدْ أَطَاعَ اللَّهَ "Sinumang sumunod sa Sugo ay katiyakang sinunod niya si Allaah."(2) Ang katulad nito ay ang kaalaman sa mga hatol hinggil sa haraam at halaal, na maaari nating sabihin, "Allaahu wa rasooluhu a'lam" (Si Allaah at ang Kanyang Sugo ang higit na nakababatid).

Ngunit sa mga usaping 'ilmul-ghayb – mga pangyayaring tanging si Allaah lamang ang nakababatid, nagtatakda at may tangan nito, kagaya ng ulan at iba pa ay hindi maaaring sabihin ang "Allaahu wa rasooluhu a'lam" (Si Allaah at ang Kanyang Sugo ang higit na nakababatid) sapagkat ang Propeta ﷺ ay walang kaalaman hinggil sa mga bagay na ito. Ang katulad nito ay ang pagsabi ng isang lalaki sa Propeta ﷺ: مَا شَاءَ اللهُ وَشِئْتَ، فَقَالَ: (بَلْ مَا شَاءَ اللهُ وَحْدَهُ) أخرجه الإمام أحمد "Kung anong ninais ni Allaah at ninais mo." Kaya siya (ang Propeta ﷺ) ay nagsabi, "Bagkus kung ano lamang ang ninais ni Allaah na mag-isa Niya."(3)

 

 

 

 

____________________

(1) Soorah Adh-Dhaariyaat: 56

(2) Soorah An-Nisaa`: 80

(3) Inulat ni Ahmad [Hadeeth (1/214) (2117)]

Mga Tanong at Puna hinggil sa Paksang tinalakay:

______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________