Pagdarasal para sa mga Baguhan (Ika-2 bahagi ng 2): Isang Paglalarawan ng Pagdarasal
Deskripsyon: Islamikong batas hinggil sa espesyal na pagdarasal na kailangang tugunan o maisagawa upang ang espesyal na pagdarasal ay maging wasto o mas mapaganda.
Ni NewMuslims.com
Mga Paunang Kinakailangan
· Paraan ng Pagdarasal para sa Bagong-yakap (2 bahagi)
Mga Layunin
Matutunan ang naisalarawang 2, 3 at 4 na mga yunit (raka'ah) ng pagdarasal (salah)
Mamemorya ang mga pinaka-mahalagang salita na binabanggit sa pagdarasal (salah)
Terminolohiyang Arabik
Salah - ay salitang Arabik na tumutukoy sa direktang koneksyon sa pagitan ng isang mananampalataya at ng Allah. Mas partikular, sa Islam ito ay tumutukoy sa limang pang araw-araw na espesyal na pagdarasal at ito ang pinakamahalagang uri ng pagsamba.
Raka'ah - yunit ng espesyal na pagdarasal.
Qiblah - ang direksyon kung saan humaharap kapag nagdarasal.
Fajr, Dhuhr, Asr, Maghrib, Isha – ang mga katawagan ng limang pang-araw-araw na espesyal na pagdarasal sa Islam.
Tashah'hud – ang pagbigkas ng “At-tahiy-yatu lil-lahi…. Muhammadan 'abduhu wa rasuluh.” habang nasa posisyong nakaupo sa pagdarasal.
Takbir – ang pagbigkas ng “Allahu Akbar”.
Fatihah – ang pambungad na kabanata sa Quran na binibigkas sa lahat ng raka'ah ng pagdarasal.
Ang Pagdarasal
Inatasan tayo ng Propeta na:
“Isagawa ninyo ang pagdarasal tulad ng kung paano niyo ako nakitang nag-dasal" (Saheeh Al-Bukhari)
Ang mga sumusunod ay mga simpleng hakbang sa pagsasagawa ng espesyal na pagdarasal para sa mga baguhan. Mas matutunan mo pa ito kalaunan.
Posible mo ring kakitaan ang mga Muslim ng mumunting pagkakaiba sa pagsasagawa nila ng pagdarasal. Wala kang dapat na ipag-alala. Wag mo munang pagtuunan ng pansin ang mga maliliit na bagay. Una munang alamin ang mga mahahalagang bagay tulad ng inalahad dito..
Pagsasalarawan ng 2 yunit na pagdarasal (tulad ng dasal sa Fajr)
1. Tumayo ng tuwid
Tumayo ng tuwid na nakaharap sa qiblah (direksyon ng pagdarasal)
2. Ang Pambungad na Takbir (pagbanggit ng Allahu Akbar)
Itaas ang dalawang kamay hanggang sa pingol ng tainga o balikat at banggitin ang:
ALLAHU AKABR ‘Ang Allah ang Pinaka-dakila"’
Ilagay ang kanang kamay sa ibabaw ng kaliwang kamay at ipatong ito pareho sa dibdib.
Huwag tumingin kung saan-saan. Panatilihin ang mga mata na nakatingin sa lugar kung saan ikaw ay magpapatirapa.
3. Pagpapakupkop sa Allah mula kay Satanas
Banggitin:
A-U-DHU BILLAHI MINASH SHAYTANIR RAJEEEM
‘Ako ay nagpapakupkop sa Allah mula sa isinumpang demonyo'
4. Banggitin ang Surah al-Fatihah,
Simulan sa pagbanggit ng:
BISMILLAHIR RAHMANIR RAHIM
Sa ngalan ng Allah, Ang Pinaka-Mahabagin ang Pinaka-Nagbibigay awa.'
Banggitin ang SURAH AL-FATIHAH
Alhamdu lil-lahi rab-bil 'alameen
‘Ang papuri ay tanging sa Allah lamang, Panginoon ng lahat ng mgaSanlibutan.
Ar-rahma-nir-raheem
Ang Pinaka-Mahabagin, ang Pinaka-Maawain
Maliki yawmid-deen
Ang Hari sa araw ng Paghuhukom
Iyyaka na'budu wa iyyaka nasta'een
Ikaw lamang ang aming sinasamba, at Ikaw lamang ang hinihingan namin ng tulong
Ihdinas-siratal mostaqeem
Patnubayan Mo po kami sa tuwid na landas
Siratal-lazeena an'amta 'alayhim
Landas ng mga biniyayaan Mo
ghayril maghdubi 'alayhim
Hindi landas ng mga kinagalitan Mo
wa-lad-daa-leen
o nilang mga naligaw.’
Pagkatapos, banggitin ang:
AAMEEEN
Tanggapin Mo po, O Allah.
5. Pag-yuko
Itaas ang mga kamay hanggang sa pingol ng tainga o balikat ng sa ika-2, Ang Pambungad na Takbeer) at banggitin ang:
ALLAHU AKABR ‘Ang Allah Ang Pinaka-dakila.’
Yumuko ng tulad ng nasa larawan habang pinapanatiling tuwid ang likod, at ulitin ng tatlong beses sa mahinang tinig:
SUBHANA RABBIYAL - AZEEM
‘Perpekto ang aking Panginoon, Lubos na Pinaka-Dakila!’
6. Pagtayo mula sa pagkakayuko
Tulad ng nasa larawan, tumayong tuwid mula sa pagkakayuko hanggang sa makabalik sa tuwid na pagkakatayo.
Habang tumatayo mula sa pagkakayuko ay muling itaas ang mga kamay hanggang sa pingol ng tainga o balikat at banggitin ang:
SAMI ALLAHU LIMAN HAMIDAH
‘Ang Allah ay Nakikinig sa sinumang nagpupuri sa Kanya'
Pagkatapos, banggitin ang:
RABBANAA WA LAKAL HAMD
'Aming Panginoon, at sa Iyo ang lahat ng Papuri'
7. Unang Pagpapatirapa
Yumuko tungo sa sahig para magpatirapa. At habang yumuyuko ay banggitin ang:
ALLAHU AKABR
‘Ang Allah ang Pinaka-Dakila’
Sa pagpapatirapa ay dapat na nakalapat sa lupa ang noo, tungki ng ilong, mga kamay, mga tuhod, at daliri ng paa. Maaring sa umpisa ay hindi ito masyadong komportable, depende sa pakikibagay ng katawan ng tao. Makakasanayan din ito pagdating ng panahon. Tandaan na tayo ay pinaka-malapit sa Allah sa panahon na tayo ay nagpapatirapa.
Sa mahinang tinig, ulitin ng tatlong beses ang:
SUBHANA RABBIYAL A'LAA
‘Perpekto ang aking Panginoon, Ang Pinaka Kataas-taasan.’
8. Pag-upo sa pagitan ng dalawang pagpapatirapa
Matapos ay umupo mula sa unang pagpapatirapa. Umupo sa komportableng posisyon. Habang umuupo mula sa pagpapatirapa, banggitin ang:
ALLAHU AKABR
‘Ang Allah Ang Pinaka-dakila.’
Uliting banggitin habang nasa posisyon ng pagkakaupo sa pagitan ng una at ikalawang pagpapatirapa:
RABBIGH - FIR - LEE
‘Panginoon ko, patawarin Mo ako.’
9. Pangalawang pagpapatirapa
Muling bumalik sa posisyon ng pagpapatirapa. Habang bumababa patungo sa pagpapatirapa, banggitin ang:
ALLAHU AKABR
‘Ang Allah Ang Pinaka-dakila.’’
Gawin ang pagpapatirapa na ito tulad ng sa una. Banggitin ng tatlong beses sa mahinang tinig:
SUHANA RABBIYAL - A'LAA
‘Perpekto ang aking Panginoon, Ang Pinaka-Kataastaasan.’
Ang ika-4 hanggang ika-9 na pagkilos ay tinatawag na isang yunit o raka'ahsa terminolohiyang Arabik
10. Sunod na yunit ng pagdarasal (raka'ah)
Tumayo muli ng tuwid para sa ikalawang yunit ng pagdarasal. Habang tumatayo banggitin ang:
ALLAHU AKABR
‘Ang Allah ang Pinaka-Dakila.’
Ulitin ang ika-4 hanggang ika-9 na hakbang sa pagkilos.
11. Ang Binabasa habang naka-upo (Tashahud)
Pagkatapos, magtungo sa posisyong naka-upo, at habang umuupo banggitin ang:
ALLAHU AKABR
‘Ang Allah ang Pinaka-Dakila.’
Habang naka-upo, banggitin ang:TAHIYAT...
At-tahiy-yatu lil-lahi was-salawatu wat-tayibatu
Ang Pagbati ay kay Allah, at ang Panalangin at ang mga Mabubuting Salita
As-salamu 'alika ay-yuhan-nabiy-yu wa rahmatullahi wa barakatuh
Ang Kapayapaan ay mapasayo O Propeta, at ang habag ng Allah at Kanyang biyaya
As-salamu 'alayna wa 'ala 'ibadil-la-his-saliheen
Ang Kapayapaan ay mapasa-atin at mapasa mga matutuwid na alipin ng Allah
Ash-hadu al-la ilaha il-lal-laah
Ako ay sumasaksi na walang dapat sambahin maliban sa Allah
wa ash-hadu an-na Muhammadan 'abduhu wa rasuluh
at ako ay sumasaksi na si Muhammad ay Kanyang alipin at sugo
12. Ang Binabasa habang naka-upo (sa huling pag-upo)
Habang naka-upo patuloy na banggitin ang:
Allah humma sal-li 'ala Muhammad
‘O Allah! Igawad mo ang mga panalangin para kay Muhammad
wa 'ala aali Muhammad
at sa pamilya ni Muhammad
Kama sal-layta 'ala Ibraheem
katulad ng pag-gawad mo ng panalangin para kay Abraham
wa 'ala aali Ibraheem
at sa pamilya ni Abraham
innaka hameedum-majeed
Tunay na Ikaw ang Pinaka-Kapuripuri at Pinaka-Maluwalhati
Allah humma barik 'ala Muhammad
‘O Allah! Igawad mo ang pagpapala kay Muhammad
wa 'ala aali Muhammad
at sa pamilya ni Muhammad
Kama barakta 'ala Ibraheem
katulad ng pag-gawad mo ng pagpapala kay Abraham
wa 'ala aali Ibraheem
at sa pamilya ni Abraham
innaka hameedum-majeed
'Tunay na Ikaw ang Pinaka-Kapuripuri at Pinaka-Maluwalhati.’
13. Pagtatapos ng pagdarasal (salah)
Tapusin ang pagdarasal sa pagpaling ng ulo pa-kanan tapos ay pa-kaliwa, sa bawat pag-paling ay banggitin ang:
ASSALAMU ALAYKUM WARAHMA TULLAH
‘Ang kapayapaan at habag ng Allah ay mapasainyo'
Pagsasalarawan ng 3 yunit na Pagdarasal (Magrib)
Sa 3 yunit na pagdarasal, isagawa ang ika-1 hanggang ika-11 na pagkilos, pagkatapos ay tumayong muli at banggitin ang ALLAHU AKABR at ulitin ang ika-4 hanggang ika-9 na pagkilos pagkatapos ay ang ika-11 at ika-13 pagkilos.
Pagsasalarawan sa 4 na yunit na Pagdarasal (gaya sa Dhuhr, Asr at Isha)
Sa 4 na yunit na pagdarasal, isagawa ang ika-1 hanggang ika-11 na pagkilos, pagkatapos ay tumayong muli habang binabanggit ang ALLAHU AKABAR at ulitin ang ika-4 hanggang ika-13 pagkilos.
Mga Salitang kailangang I-memorya
Lahat ng mga salitang kinakailangan mong i-memorya para sa pagdarasal ay nilikom para maging madali para sa'yo. Mangyaring paglaanan ng oras at i-memorya ang mga ito. Maari ka ding gumawa ng mga flash cards at gamitin ang mga ito para mabigkas mo ng tama ang mga salita habang nagdarasal.
(1) Sa tuwing magpapalit ng posisyon sa pagdarasal:
ALLAHU AKABR (liban na lamang sa pagtayo mula sa pagkaka-yuko)
‘Ang Allah Ang Pinaka-Dakila'
(2) Pagpapakupkop mula kay Satanas
A-U-DHU BILLAHI MINASH SHAYTANIR - RAJEEM
‘Ako ay nagpapakupkop sa Allah mula sa isinumpang demonyo'
(3) Surah al-Fatihah:
Simulan sa pagbanggit ng:
BISMILLA HIRRAHMANIR RAHEEM
‘Sa ngalan ng Allah, Ang Pinaka-Mahabagin, Ang Pinaka-Maawain.'
Pagkatapos, banggitin ang SURAH AL-FATIHA
Alhamdu lil-lahi rab-bil 'alameen
‘Ang papuri ay tanging sa Allah lamang, Panginoon ng lahat na mga Sanlibutan'
Ar-rahma-nir-raheem
Ang Pinaka Mahabagin, ang Pinaka-Maawain
Maliki yawmid-deen
Ang Hari sa araw ng paghuhukom
Iyyaka na'budu wa iyyaka nasta'een
Ikaw lamang ang aming sinasamba, at Ikaw lamang ang hinihingan namin ng tulong
Ihdinas-siratal mostaqeem
Patnubayan Mo po kami sa tuwid na landas
Siratal-lazeena an'amta 'alayhim
Landas ng mga biniyayaan Mo
ghayril maghdubi 'alayhim
Hindi nilang mga kinagalitan Mo
wa-lad-daa-leen
o nilang mga naligaw.’
Pagkatapos banggitin ang Surah ay sabihing
AAMEEN
Tanggapin Mo po, O Allah.
(4) Habang nakayuko:
SUBHANA RABBIYAL - AZEEM
‘Perpekto ang aking Panginoong Lubos na Pinaka-Dakila!’
(5) Habang tumatayo mula sa posisyong nakayuko:
SAMI ALLAHU LIMAN HAMIDAH
‘Ang Allah ay Nakikinig sa sinumang nagpupuri sa Kanya'
(6) Kapag nakatayo na ng tuwid:
RABBANA WA LAKAL HAMD
'Aming Panginoon, at sa Iyo ang lahat ng Papuri'
(7) Habang nagpapatirapa:
SUBHANA RABBIYAL - A'LA
‘Perpekto ang aking Panginoon, Ang Pinaka-Kataastaasan.’
(8) Sa posisyong nakaupo sa pagitan ng dalawang pagpapatirapa:
RAB-BIGH FIR LEE
‘Panginoon ko, patawarin Mo ako.’
(9) Habang nakaupo pagkatapos ng pangalawa, pangatlo at pang-apat na yunit (raka'ah), ay sabihin ang
At-tahiy-yatu lil-lahi was-salawatu wat-tayibatu
Ang Pagbati ay kay ALLAH, at ang Panalangin at ang mga Mabubuting Salita
As-Salamu 'alika ay-yuhan-nabiy-yu wa rahmatullahi wa barakatuh
Ang Kapayapaan ay mapasayo O Propeta, at ang habag ng ALLAH at Kanyang biyaya.
As salamu 'alayna wa 'ala 'ibadil-la-his-saliheen
Ang Kapayapaan ay mapasa-atin at mapasa mga matutuwid na alipin ng Allah.
Ash-hadu al-la ilaha il-lal-laah
Ako ay sumasaksi na walang dapat sambahin maliban sa Allah
wa ash-hadu an-na Muhammadan 'abduhu wa rasuluh
at ako ay sumasaksi na si Muhammad ay Kanyang alipin at sugo.
(10) Karagdagang salita na binabanggit sa huling yunit (raka'ah) ng pagdarasal,
Allah humma sal-li 'ala Muhammad
‘O Allah! Igawad mo ang mga panalangin para kay Muhammad
wa 'ala aali Muhammad
at sa pamilya ni Muhammad
Kama sal-layta 'ala Ibraheem
katulad ng pag-gawad mo ng panalangin para kay Abraham
wa 'ala aali Ibraheem
at sa pamilya ni Abraham
innaka hameedum-majeed
Tunay na Ikaw ang Pinaka-Kapuripuri at Pinaka-Maluwalhati
Allah humma barik 'ala Muhammad
‘O Allah! Igawad mo ang pagpapala kay Muhammad
wa 'ala aali Muhammad
at sa pamilya ni Muhammad
Kama barakta 'ala Ibraheem
katulad ng pag-gawad mo ng pagpapala kay Abraham
wa 'ala aali Ibraheem
at sa pamilya ni Abraham
innaka hameedum-majeed
'Tunay na Ikaw ang Pinaka-Kapuripuri at Pinaka-Maluwalhati.’
(11) To conclude salah:
ASSALAMU ALAYKUM WARAH MATULLAH
‘Ang kapayapaan at habag ng Allah ay mapasainyo'
Paki click lamang po natin ang berde at puting arrow para sa ating maikling pagsusulit