ANG PANINIWALA SA LAHAT NG ORIGINAL SA KASULATAN.
 
 
    Nilikha ng Allah (swt) ang tao ng ganap, upang ang tao ay magkaroon ng tamang landas na tatahakin, ang Allah ay nagpadala ng mga gabay o kapahayagan bilang patnubay sa tao. Ang ilan sa mga Kapahayagan ay hindi kilala o limot na. Subalit ang mga ito ay nakasaad sa Huling Aklat (Banal na Qur’an) na ipinahayag kay Propeta Muhammad (saw).
 
1. SUHOF o Kalatas - na ipinahayag kay Propeta Abraham
2. TAURAT o Torah o Mga Batas - ipinahayag kay Propeta Moses
3. ZABUR o Salmo (Mga Awit) - na ipinahayag kay Propeta David
4. INJIL o Ebanghelyo - na ipinahayag kay Propeta Eisa o Jesus
5. QUR’AN ang Huling Aklat - na ipinahayag kay Propeta Muhammad
 
Sa mga nabanggit na kapahayagan, tanging ang Banal na Qur’an na ipinahayag ng Allah kay Propeta Muhammad (saw) bilang ganap at pamantayan nang pamumuhay ng tao, ang nananatili sa kanyang orihinal na anyo hanggang sa kasalukuyan at mananatili hanggang sa Araw ng Paghuhukom.
 
Ito ay binigyan katiyakan ng Allah (swt) sa Banal na Qur’an na Kanyang pangangalagaan laban sa anumang pagkasira.
 
“Kami ang nagpadala ng Mensaheng ito at katiyakang Aming pangangalagaan ito laban sa pagkasira.” (Holy Qur’an Surah Al-Hijr 15:9)
 
Maliban dito ang lahat ng mga naunang kapahayagan ay nagdanas ng mga pagbabago o kaya’y nangawala na.