KABILANG SA MGA PALATANDAAN NI ALLAH (SWT) AY ANG BAWA’T ISA AY MATITIKMAN ANG KAMATAYAN
(ni: ahmad erandio)
Qur’an 21:35. Walang pag-aalinlangan, ang bawa’t isa ay matitikman ang kamatayan, na kahit na gaano pa kahaba ang kanyang naging buhay dito sa daigdig.
At ang pananatili rito sa daigdig ay pagsubok lamang sa pag-aatas o pagbabawal, at saka sa iba’t ibang situwasyon, mabuti man ito o masama, pagkatapos noon ang patutunguhan ay bukod-tanging sa Allâh () lamang para sa paghuhukom at pagbabayad.
KAPAGDUMATING NA ANG KANYANG KAMATAYAN
Read more: KABILANG SA MGA PALATANDAAN NI ALLAH (SWT) AY ANG BAWA’T ISA AY MATITIKMAN ANG KAMATAYAN
KABILANG SA MGA TANDA NI ALLAH (SWT) AY ANG MATINDING PAGKAYANIG NG KALUPAAN
(ni: ahmad erandio)
Quran 22:1. O kayong mga tao! Katakutan ninyo ang parusa ng Allâh () sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang mga ipinag-uutos at pag-iwas sa Kanyang mga ipinagbabawal!
Katiyakan, ang mangyayari sa Oras ng pagkagunaw ng daigdig ay isang matinding pagkayanig ng kalupaan na isang malagim na pangyayari at kagimbal-gimbal na pangingisay ng kalupaan, dahil mabibiyak ang mga duluhan nito at ito ay isang bagay na napakasidhi na hindi kayang abutin ng sinuman kung gaano ito katindi at hindi kayang abutin ng kaisipan ang pagiging totoo nito na pangyayari.
Read more: KABILANG SA MGA TANDA NI ALLAH (SWT) AY ANG MATINDING PAGKAYANIG NG KALUPAAN
KABILANG SA MGA PALATANDAAN NI ALLAH AY ANG PAGKALIKHA NG KALANGITAN AT KALUPAAN AT ANG PAGKALIKHA NI ADAN AT EBA
(ni: ahmad erandio)
Quran 50:38. At katiyakan, nilikha Namin ang pitong kalangitan at kalupaan at ang anumang nasa pagitan nito na iba’t ibang uri ng mga nilikha sa loob ng anim na araw, at hindi Kami kailanman napagod sa paglikha nito.
Quran 30:22. At kabilang sa palatandaan ng Kanyang kakayahan bilang Tagapaglikha: paglikha ng mga kalangitan at pag-aangat nito na walang haligi at paglikha ng kalupaan kasama ang lawak at haba nito.
Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.