KABILANG SA MGA PALATANDAAN NI ALLAH AY ANG PAGKALIKHA NG KALANGITAN AT KALUPAAN AT ANG PAGKALIKHA NI ADAN AT EBA

(ni: ahmad erandio)

Quran 50:38. At katiyakan, nilikha Namin ang pitong kalangitan at kalupaan at ang anumang nasa pagitan nito na iba’t ibang uri ng mga nilikha sa loob ng anim na araw, at hindi Kami kailanman napagod sa paglikha nito.

Quran 30:22. At kabilang sa palatandaan ng Kanyang kakayahan bilang Tagapaglikha: paglikha ng mga kalangitan at pag-aangat nito na walang haligi at paglikha ng kalupaan kasama ang lawak at haba nito.

Quran 30:25. At kabilang pa rin sa Kanyang mga palatandaan na nagpapatunay ng Kanyang kakayahan ay ang pagkakatatag ng kalangitan at kalupaan at pananatili ng mga ito sa kaganapan dahil sa Kanyang Pag-aatas, na hindi ito nawawala sa kinalalagyan nito at hindi bumabagsak ang kalangitan sa kalupaan.

AT KABILANG SA MGA PALATANDAAN NI ALLAH (SWT) AY BINUBUHAY NIYA ANG KALUPAAN

Quran 30:19. At binubuhay Niya ang kalupaan sa pamamagitan ng pagsibol ng mga pananim pagkatapos nitong maging tuyot, at ang katulad ng pagbibigay ng buhay na ito ay ganoon din Niya kayo ilalabas, O kayong mga tao, mula sa inyong mga libingan na mga buhay para sa paghuhukom at pagbabayad.

AT KABILANG SA MGA PALATANDAAN NI ALLAH (SWT) AY NATATAKOT KAYO SA KULOG NITO AT UMAASAM NAMAN KAYO NG ULAN

Quarn 30:24. At kabilang din sa mga katibayan ng kakayahan ng Allâh () ay ipinapakita niya sa inyo ang kidlat, na natatakot kayo sa kulog nito at umaasam naman kayo ng ulan, at ibinababa Niya mula sa ulap ang ulan na bumubuhay ng kalupaan pagkatapos nitong matuyot.

Katiyakan, nandirito ang tanda sa Ganap na Kapangyarihan ng Allâh () at Kanyang Dakilang Kaalaman at ang Kanyang pagiging mabuti sa sinumang may kaisipan na ginagabayan tungo rito.

KABILANG SA MGA PALATANDAAN NI ALLAH (SWT) AY ANG PAGKALIKHA NG UNANG LALAKE

 Quran 30:20. At kabilang sa mga palatandaan ng Allâh () na nagpapatunay ng Kanyang kadakilaan at ganap na kakayahan ay nilikha Niya ang inyong ama na si Âdam mula sa alabok, pagkatapos kayo na mga tao ay nagkakaanak at dumarami sa ibabaw ng kalupaan na naghahangad ng kagandahang-loob ng Allâh ().

KABILANG SA MGA PALATANDAAN NI ALLAH (SWT) AY ANG PAGKALIKHA NG UNANG BABAE

Quran 4:1. O sangkatauhan! Katakutan ninyo ang Allâh () at sundin ninyo ang Kanyang mga ipinag-uutos, at iwasan ang Kanyang mga ipinagbabawal, sapagka’t Siya ang lumikha sa inyo mula sa isang tao na si Âdam () at mula sa kanya ay nilikha Niya ang kanyang asawa na si Hawwa` (Eba  mula sa tadyang ni Adam ) at mula sa kanilang dalawa ay kumalat sa buong daigdig ang maraming kalalakihan at kababaihan.

KABILANG SA MGA PALATANDAAN NI ALLAH (SWT) AY ANG MGA ITINATAKDANG PANAHON NA KANYANG NINANAIS SA ISANG SANGGOL NA NASA SINAPUPUNAN NG ISANG INA

Quran 22:5 At sinanhi Namin na manatili ang mga ito sa mga sinapupunan sa anumang itinakdang panahon na Aming nais, na ito ay nabuo bilang isang nilikha hanggang sa ito ay ipanganak, na mabubuo naman ang mga yugto nito pagkasilang ng mga sanggol na magsisimula bilang mga maliliit na mga bata na unti-unting lumalaki hanggang sa maabot niya ang edad ng katatagan, na ito ay panahon ng kabataan, kalakasan at tamang pagkahubog sa kaisipan.

AT KABILANG SA MGA PALATANDAAN NI ALLAH (SWT) AY GINAWA NIYA ANG INYONG PAGTULOG

Quran 30:23. At kabilang sa mga palatandaan ng kakayahan ng Allâh () ay ginawa Niya ang inyong pagtulog bilang kaparaanan ng inyong pamamahinga sa gabi man o di kaya ay sa araw; dahil sa pagtulog nangyayari ang pamamahinga at nawawala ang kapaguran, at ginawa Niya para sa inyo ang araw upang kayo ay kumalat para sa inyong paghahanap-buhay.

Katiyakan, sa mga bagay na ito ay mga palatandaan sa ganap na kakayahan ng Allâh () at ganap na pagpapatupad ng Kanyang kagustuhan para sa mga tao na nakikinig sa mga pagpapayo upang intindihin, at nag-iisip upang makakuha ng mga aral.

KABILANG SA MGA PALATANDAAN NI ALLAH AY ANG PAGKAIBA-IBA NG INYONG MGA WIKA AT KULAY

 Quran 30:22. At kabilang sa mga palatandaan ng allah ay ang pagkaiba-iba ng inyong mga wika at ng inyong mga kulay. Katiyakan, sa mga ganitong bagay ay walang pag aalinlangang nakapagbibigay ng aral sa sinumang may kaalaman at pagkakaintindi.

Qur’an 3:26. Sabihin mo, O Muhammad (), sa pagharap mo sa iyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha upang manalangin: “O Allâh () na nagtataglay ng lahat ng Kaharian, Ikaw ang tanging nagkakaloob ng kaharian, yaman at pamamahala sa ibabaw ng kalupaan sa sinuman na Iyong nais mula sa Iyong nilikha; at kinukuha Mo ang kaharian sa sinuman na Iyong nais, at pinagkakalooban Mo ng kapangyarihan dito sa daigdig at sa Kabilang-Buhay ang sinuman na Iyong nais, at hinahamak Mo ang sinuman na Iyong nais. Nasa Iyong Kamay ang kabutihan. Katiyakan, Ikaw ang ‘Qadeer’ – Walang-Hanggan at Ganap na Makapangyarihan na May Kakayahang gawin ang lahat ng bagay at walang sinuman ang makapipigil sa Iyo.” Ang talatang ito ay patunay na ang Allâh () ay mayroong Kamay na angkop sa Kanyang Kamaharlikaan.

Qur’an 3:27. At kabilang sa mga tanda ng kapangyarihan Mo, O Allâh () ay ipinapasok Mo ang gabi sa araw at ang araw ay ipinapasok Mo sa gabi, kaya minsan ito ay nagiging mahaba at minsan ito ay nagiging maikli; at inilalabas Mo ang may buhay mula sa patay na walang buhay, na katulad ng pananim mula sa butil, ng sumasampalataya mula sa lumalabag; at inilalabas Mo ang isang patay (na bagay) mula sa buhay na katulad ng paglabas ng itlog mula sa manok; at nagkakaloob Ka ng kabuhayan sa sinuman na Iyong nais mula sa Iyong nilikha nang walang hangganan.