KABILANG SA MGA PALATANDAAN NI ALLAH (SWT) AY ANG BAWA’T ISA AY MATITIKMAN ANG KAMATAYAN
(ni: ahmad erandio)
Qur’an 21:35. Walang pag-aalinlangan, ang bawa’t isa ay matitikman ang kamatayan, na kahit na gaano pa kahaba ang kanyang naging buhay dito sa daigdig.
At ang pananatili rito sa daigdig ay pagsubok lamang sa pag-aatas o pagbabawal, at saka sa iba’t ibang situwasyon, mabuti man ito o masama, pagkatapos noon ang patutunguhan ay bukod-tanging sa Allâh () lamang para sa paghuhukom at pagbabayad.
KAPAGDUMATING NA ANG KANYANG KAMATAYAN
Quran 23:99. Walang pag-aalinlangan, ang sumasamba ng iba bukod sa Allâh na siya ay nanatili sa kanyang pagtatambal hanggang dumating sa kanya ang pag-aagaw buhay at makikita na niya ang anumang inihanda sa kanya na kaparusahan, kanyang sasabihin: O aking ‘Rabb’ na Tagapaglikha! Ibalik mo ako sa daigdig.”
Quran 23:100. “Upang mapagpunan ko ang anumang aking sinayang na paniniwala at pagsunod.” Subali’t ito ay hindi mangyayari sa kanya! Dahil ito ay salita lamang na kanyang sinasabing kasinungalingan, at sa pagitan niya at ng daigdig ay may harang na nagpipigil sa kanyang pagbabalik tungo sa daigdig hanggang sa araw ng pagkabuhay na mag-uli.
Qur’an 23:101. Pagkatapos, kapag dumating na ang Muling Pagkabuhay at nahipan na ng anghel na siyang itinalaga sa pag-ihip ng trumpeta, ay babangong muli ang mga tao mula sa kanilang mga libingan, na walang pagmamayabang hinggil sa kanilang lahing pinagmulan sa Araw na yaon na tulad ng kanilang ginagawang pagmamayabang dito sa daigdig, at hindi na sila magtatanungan sa isa’t isa.
Qur’an 23:102. Samakatuwid, sinuman ang maraming nagawang kabutihan at naging mabigat ang kanyang Timbangan ng kabutihan sa oras ng pagtitimbang, ang mga ganito na katulad nila! Sila ang mga yaong magtatagumpay ng ‘Al-Jannah.’
Quran 23:103. At sino naman ang naging magaan ang Timbangan ng kabutihan, at mas naging lamang ang kanyang kasamaan, na ang pinakamatindi sa mga ito ay ang pagsamba ng iba bukod sa Allâh (‘Shirk’), ay sila ang mga yaong nabigo na inilagay nila ang kanilang mga sarili sa pagiging talunan, na sila ay sa Impiyernong-Apoy magpasawalang-hanggan.
Quran 23:104. Susunugin sa Impiyerno ang kanilang mga mukha na mapapangiwi ang kanilang mga bibig at lilitaw ang kanilang mga ngipin (dahil sa sidhi ng kaparusahan).
Quran 23:105. Sasabihin sa kanila: “Hindi ba binibigkas sa inyo ang mga talata ng Dakilang Qur’ân sa daigdig noon, at ito ay inyong pinasisinungalingan?”
Quran 23:106. Dahil dumating nga sa kanila ang mga Sugo na ipinadala sa kanila at sila ay binalaan, sasabihin nila sa Araw ng Muling Pagkabuhay: “O aming ‘Rabb’ na Tagapaglikha! Nanaig sa amin ang sarap ng buhay at aming mga pagnanasa na itinakda Mo para sa amin, at kami habang nalulong sa ganito ay ligaw na malayo sa Iyong patnubay.
Quran 23:107. “O aming ‘Rabb’ na Tagapaglikha! Alisin Mo kami sa Impiyerno, at ibalik Mo kami sa daigdig, at kung kami ay babalik pa sa pagkaligaw pagkatapos nito ay walang pag-aalinlangang kami ay mga masasama na karapat-dapat sa parusa.”
Quran 23:107. “O aming ‘Rabb’ na Tagapaglikha! Alisin Mo kami sa Impiyerno, at ibalik Mo kami sa daigdig, at kung kami ay babalik pa sa pagkaligaw pagkatapos nito ay walang pag-aalinlangang kami ay mga masasama na karapat-dapat sa parusa.”
Quran 23:108. Sasabihin ng Allâh () sa kanila: “Manatili kayo sa Impiyerno na mga hinamak, at huwag kayong makipag-usap sa Akin.” At doon na natigil ang kanilang pagdaing at pag-aasam.
Jazakallahu Khairan
Fb. Ahmad erandio
YouTube: ahmad erandio
2