ANG AKLAT NG TAHARAH

 

Ang Taharah


Taharah
– Ito ay salitang Arabe na ang literal na kahulugan ay kadalisayan o kalinisan. Ito ang paglilinis o pagdadalisay sa sarili mula sa anumang uri ng karumihan.

Hadath – Anumang uri ng karumihan (sa katawan o kasuotan) na ipinagbabawal sa salah(1) o anumang pagsamba na nangangailangan ng taharah.

 

Ito ang kalinisan ng puso mula sa mga kasalanan at pagtatambal kay Allah. Ito ay higit na mahalaga kaysa sa kalinisan ng katawan sapagkat ang pagtatambal ang pinakamalaking kasalanan sa paningin ni Allah. Si Allah ay nagsabi sa Qur'an(2):

 

(إِنَّ اللَّهَ لَا يَغْفِرُ أَن يُشْرَكَ بِهِ وَيَغْفِرُ مَا دُونَ ذَٰلِكَ لِمَن يَشَاءُ ۚ وَمَن يُشْرِكْ بِاللَّهِ فَقَدِ افْتَرَىٰ إِثْمًا عَظِيمًا)

سورة النساء: 48

"Katiyakan, si Allâh, hindi Niya pinatatawad at hindi Niya pinalalampas ang kasalanan ng sinumang sumamba ng iba bukod sa Kanya mula sa Kanyang mga nilikha; o di kaya ay nakagawa ng pagtanggi na kahit na anumang uri ng pagtanggi o di-paniniwala; subali’t pinatatawad Niya ang anumang kasalanan maliban sa ‘Shirk’ na ito, sa sinumang Kanyang nais mula sa Kanyang mga alipin; na kung kaya, ang sinumang nagsagawa ng pagtatambal o ‘Shirk’ sa pagsamba kay Allâh ay walang pag-aalinlangan na nakagawa siya ng napakalaking pagkakasala."(3)

 

Ito ang pisikal na kalinisan mula sa anumang karumihan. Anumang uri ng dumi na ipinagbabawal sa salah ay obligadong matanggal kung ito ay nakadikit sa katawan (o kasuotan ng magsasagawa ng salah) upang maging katanggap-tanggap ang kanyang salah. Ang kalinisan ay kabilang sa mga kondisyon ng salah. Ito ay obligasyon ng bawat Muslim. Si Propeta Muhammad ﷺ ay nagsabi:

 

(الطُّهُورُ شَطْرُ الإِيمَانِ). رواه مسلم وأحمد

"Ang kalinisan ay kalahati ng pananampalataya.”(4)

 

 

 

____________________

(1) Salah: Ang natatanging pagsamba, pagdarasal, pagpupuri at pasasalamat ng mga Muslim kay Allah.

(2) Qur'an: Ito ang Huling Kapahayagan mula kay Allah. Ito ay purong salita ni Allah na Kanyang ipinahayag sa Kanyang huling sugo na si Muhammad ﷺ sa pamamagitan ni Anghel Gabriel. Ang pagbabasa nito ay isang uri ng pagsamba. Ito ay nagsisimula sa Surah Al Fatihah at nagtatapos sa Surah an-Nas.

(3) Surah An-Nisa, Ayah 48

(4) Inulat ni Muslim (Hadeeth 223), at Ahmad (Hadeeth 22902)

 

Ito ay tumutukoy lamang sa karumihan ng katawan. Ito ay may dalawang uri:

  1. Hadath Asgar (Maliit na Karumihan). Ito ay nangangailangan lamang ng wudhu, katulad ng pagdumi at pag-ihi.
  2. Hadath Akbar (Malaking Karumihan). Ito ay nangangailangan ng ghusl (ligo), katulad ng paglabas ng maraming punlay sanhi ng pakikipagtalik sa asawa o panaginip.
    • Taharato Khabath  Ito ay tumutukoy sa karumihan ng katawan, kasuotan at lugar.

 

Ang Paggamit ng Tubig sa Paglilinis

            Ang tubig ay kabilang sa mga biyayang ipinagkaloob ni Allah sa Kanyang mga nilikha. Ito ay kabilang sa mga pangangailangan ng tao, na kung maglaho ay magdudulot ng kapahamakan sa kanyang buhay. Bilang Habag ni Allah, Siya ay lumikha ng tubig-ulan mula sa kalangitan upang magamit ng mga tao liban pa sa mga ilog at karagatan na kanilang pinakikinabangan. Ang mga tao, Muslim man o hindi Muslim, ay magkatulad na nakikinabang sa tubig sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Ngunit ang kaibahan at kahigtan ng Muslim ay ang paggamit nito hindi lamang sa kanyang mga pangangailangan, kundi sa kanyang mga pagsamba at pagdakila kay Allah. Ang pag-aaksaya sa paggamit nito, maging sa mga pagsamba kay Allah, ay ipinagbabawal ayon sa batas ng Islam.

 

Ang usaping kalinisan ay hindi lamang katuruan sa Islam, bagkus ito ay isang kautusan, na siyang kaganapan ng pananampalataya ng bawat Muslim. Ang tubig ang pangunahing gamit ng Muslim sa paglilinis upang sambahin si Allah. Kaya't ang paggamit nito ay isa sa mga gawaing pinaglaanan ng Islam ng batas.

 

  1. Malinis na Tubig

Ito ang tubig na nananatili sa likas nitong anyo ng pagkakalikha. Ang tubig na ito ang pangunahing gamit sa paglilinis ng anumang karumihan. Ang mga halimbawa nito ay ulan, tubig mula sa ilog, lawa, dagat, balon at iba pa.

 

Si Allah ay nagsabi:

 

(وَيُنَزِّلُ عَلَيْكُمْ مِنَ السَّمَاءِ مَاءً لِيُطَهِّرَكُمْ بِهِ) سورة الأنفال: 11

"At ibinaba para sa inyo ang tubig-ulan mula sa ulap; upang linisin kayo mula sa pisikal na karumihan."(1)

           

Siya rin ay nagsabi:

 

(وَأَنْزَلْنَا مِنَ السَّمَاءِ مَاءً طَهُورًا) سورة الفرقان: 48

"At ibinaba Namin mula sa kalangitan ang dalisay na tubig bilang paglilinis."(2)

____________________

(1) Surah Al-Anfal, Ayah 11

(2) Surah Al-Furqan, Ayah 48

 

Si Propeta Muhammad ﷺ ay nagsabi hinggil sa tubig-dagat,

 

(هو الطهور ماؤه، الحلُّ ميتته). أخرجه أبو داود والترمذي والنسائي وابن ماجه وصححه الألباني

“Ang tubig nito ay malinis, at ang maytah (patay na hayop) nito ay halal.”(1)

 

  1. Maruming Tubig Ito ang tubig na nagbago ang kanyang likas na anyo; kapag nagbago ang kanyang amoy, lasa at kulay, o isa man sa mga ito, nang dahil sa maruming bagay na naihalo rito, ay hindi maaaring gamitin sa paglilinis. Ang mga halimbawa nito ay tubig-kanal, tubig mula sa toilet bowl, isang basong tubig na napatakan ng dugo o ihi o dumi na nagbago sa likas nitong anyo, at iba pa.

Mga Puna hinggil sa Paksang tinalakay:

 

 

ذا بلغ الماء قلتين لم يحمل الخبث). أخرجه أحمد وأبو داود والترمذي والنسائي وابن ماجه وصححه الألباني

 

Kapag umabot ang tubig sa qullatayn, hindi ito nababago ng dumi.”(3)

 

 

 

____________________

(1) Inulat ni Abu Dawud (Hadeeth 83), At-Tirmidhi (Hadeeth 69), An-Nasai (Hadeeth 59), at Ibn Majah (Hadeeth 3246), ayon

      kay Sheikh Al-Bani ang Hadeeth na ito ay sahih.

(2) Qullah: Imbakan ng tubig, paso o timba

(3) Inulat ni Ahmad (2/27), Abu Dawud (Hadeeth 63), At-Tirmidhi (Hadeeth 67), A-Nasai (Hadeeth 52), Ibn Majah (Hadeeth     

      517), ayon kay Sheikh Al-Bani ang Hadeeth na ito ay sahih.

(4) Inulat ni Al-Bukhari (Hadeeth 189)

(5) Inulat ni Al-Bukhari (Hadeeth 5651), at Muslim (Hadeeth 1616)

 

 

 (طهور إناء أحدكم إذا ولغ فيه الكلب، أن يغسله سبع مرات، أولاهن بالتراب). رواه البخاري ومسلم

Ang paglinis ng inyong sisidlan (lagyanan ng tubig at pagkain) kapag dinilaan ng aso, ay ang paghugas nito ng pitong ulit; una sa mga ito ay sa pamamagitan ng lupa.”(2)

 

Ang baboy ay binanggit ni Allah sa Qur’an bilang “Rijs”.(3) Si Allah ay nagsabi:

 

(أَوْ لَحْمَ خِنْزِيرٍ فَإِنَّهُ رِجْسٌ) سورة الأنعام: 145

 "O di kaya ito ay laman ng baboy dahil sa ito ay marumi."(4)

 

Ang Paggamit ng Aniyah(5)


Ang Aniyah na gawa mula sa Ginto at Pilak

Ito ay maaaring gamitin sa anumang paggagamitan nito maliban sa pagkain at pag-inom sapagkat ito ay ipinagbawal ni Propeta Muhammad ﷺ. Siya ay nagsabi:

 

(لا تشربوا في آنية الذهب والفضة ولا تأكلوا في صحافها فإنها لهم في الدنيا ولكم في الآخرة). رواه البخاري ومسلم

Huwag kayong iinom sa sisidlan na gawa sa ginto at pilak, at huwag kayong kakain sa mga plato nito, sapagkat katotohanan, ito ay para sa kanila (na mga walang pananampalataya) sa mundo, at ito ay para sa inyo sa Kabilang-Buhay.”(6)

 

Siya ﷺ rin ay nagsabi:

(الذي يشرب في آنية الفضة إنما يجرجر في بطنه نار جهنم). رواه البخاري ومسلم

Ang sinumang umiinom sa sisidlan na gawa sa pilak ay katotohanang maghihilahod sa kanyang tiyan ang apoy ng Impiyerno.”(7)

 

Ang Aniyah ng mga Hindi Muslim

Ito ay ipinahihintulot na gamitin maliban lamang kung ito ay marumi. Ang mga ito ay dapat linisin nang mabuti bago gamitin. Inulat ni Abu Tha’labah Al-Khoshani na kanyang sinabi: “O Sugo ni Allah! Kami ay nasa lupa (o lugar) ng mga Ahlul Kitab (Kristiyano at Hudyo), maaari ba kaming kumain sa kanilang mga lalagyanan?"

____________________

(1) Halal: Malinis na pagkain, paggamit ng mga bagay na ipinahihintulot, karne ng hayop na kinatay sa Islamikong paraan.

(2) Inulat ni Al-Bukhari (Hadeeth 172), at Muslim (Hadeeth 279)

(3) Rijs: Napakarumi, kasuklam-suklam

(4) Surah Al-An’am, Ayah 145

(5) Aniyah: Mga sisidlan o lalagyanan ng tubig at iba pa

(6) Inulat ni Al-Bukhari (Hadeeth 5426), at Muslim (Hadeeth 2067)

(7) Inulat ni Al-Bukhari (Hadeeth 5634), at Muslim (Hadeeth 2065)

Ang Propeta ﷺ ay nagsabi:

 

(لا تأكلوا فيها إلا أن لا تجدوا غيرها فاغسلوها، ثم كلوا فيها). رواه البخاري ومسلم

Huwag kayong kakain sa mga ito, maliban lamang kung wala kayong makitang lalagyanan liban sa mga ito; hugasan ninyo, at pagkatapos ay kumain kayo sa pamamagitan ng mga ito.”(1)

 

Ang Aniyah na gawa mula sa Balat ng Maytah(2)

  1. Balat ng patay na hayop na maaaring kainin ang karne noong nabubuhay pa.

Ito ay ipinahihintulot na gamitin sa lahat ng paggagamitan nito pagkatapos linisin.

 

Si Propeta Muhammad ﷺ ay nagsabi:

 

)أيما إهاب دبغ فقد طهر). رواه الترمذي ومسلم

Anumang balat ang pagkatapos linisin sa pamamagitan ng dabgh(3) ay katiyakang naging malinis.”(4)

 

  1. Balat ng patay na hayop na hindi maaaring kainin ang karne.

Ito ay hindi ipinapahintulot na gamitin sa lahat ng paggagamitan nito kahit pagkatapos  

linisin.

 

 

 

Ang Pamamaraan at Mabuting Asal sa Paggamit ng Palikuran

 

Ang Islam ay relihiyon ng kadalisayan at kaayusan. Isinasaayos nito ang buhay ng tao mula sa araw ng kanyang kapanganakan hanggang sa araw ng kanyang pagpanaw. Kabilang sa mga kaayusang ito ang mga mabubuting asal at pamamaraan sa paggamit ng palikuran batay sa katuruan ng huling Propeta na si Muhammad ﷺ.

 

Ang Istinja at Istijmar

Istinja – Ang paglilinis ng mga pribadong bahagi ng katawan sa pamamagitan ng malinis na tubig.

 

Istijmar – Ang paglilinis ng mga pribadong bahagi ng katawan sa pamamagitan ng mga malilinis na bagay katulad ng papel, tissue, bato, at iba pa. Ipinagbabawal ang paggamit ng mga maruruming bagay, pagkain at buto ng hayop sa pagsasagawa ng istijmar.

 

Ang pagsasama ng istinja at istijmar sa paglilinis ng pribadong bahagi ng katawan ay mas mainam, subalit, sapat na ang isa sa mga ito.

____________________

(1) Inulat ni Al-Bukhari (Hadeeth 5478), at Muslim (Hadeeth 1930)

(2) Maytah: Patay na hayop na hindi kinatay (maaaring namatay sa sakit, pagkalunod, pagkasakal at iba pa)

(3) Dabgh: Pagpapatuyo sa balat ng hayop bilang uri ng paglilinis nito

(4) Inulat ni At-Tirmidhi (Hadeeth 1650), at Muslim (Hadeeth 366)

(5) Haram: Ipinagbabawal; ang pagsasagawa sa bagay na ipinagbabawal ay isang kasalanan, ito ay pagsuway kay Allah.

Ang Paggamit ng Kanang Kamay sa Paglilinis

Ipinagbabawal ang paggamit ng kanang kamay sa paglilinis ng mga pribadong bahagi ng katawan, – istinja man o istijmar. Ang kanang kamay ay ginagamit sa mga malilinis na bagay katulad ng pagkain at inumin. Ito rin ang ginagamit sa pagsubo ng pagkain at pag-inom ayon sa paraan ni Propeta Muhammad ﷺ.

 

Ang Pagharap at Pagtalikod sa Qiblah(1)

Hindi ipinahihintulot ang pagharap at pagtalikod sa Qiblah sa pagbabawas (pagdumi at pag-ihi) na walang harang. Si Propeta Muhammad ﷺ ay nagsabi:

 

 

(إذا أتيتم الغائط، فلا تستقبلوا القبلة، ولا تستدبروها، ولكن شرِّقوا أو غرِّبوا). رواه البخاري ومسلم

“Kapag kayo ay dudumi, huwag kayong haharap sa Qiblah, at huwag itong tatalikuran, ngunit pumihit sa kanan o kaliwa.”(2)

 

Subalit kung mayroong harang, katulad ng mga palikuran sa loob ng bahay, mall, palengke, at iba pa, ito ay pinahihintulutan sapagkat naiulat ni 'Abdullah ibn ‘Umar (kalugdan nawa siya ni Allah) sa Sahih Al-Bukhari at Muslim, na kanyang nakita ang Propeta ﷺ sa kanyang tahanan na umiihi habang nakaharap sa Sham at nakatalikod sa Ka’bah(3).(4) Kung ang palikuran sa loob o labas ng tahanan ay nakaharap o nakatalikod sa Qiblah, hindi ito kailangang baguhin upang ipihit mula sa Qiblah. Ang paggamit nito ay ipinahihintulot ayon sa Hadeeth na nabanggit. Gayunpaman, mas mainam na iwasan ang paggawa ng palikuran sa loob o labas ng tahanan na nakaharap o nakatalikod sa Qiblah.

 

Mga Kanais-nais na Gawain sa Paggamit ng Palikuran

  1. Bigkasin ang panalangin bago pumasok sa palikuran, (بسم الله اللهم إني أعوذبك من الخبث والخبائث) “Bismillahi Allahumma inniy a’udhobika minal kubshi wal khabaith  .” "Sa Ngalan ni Allah, O Allah! Ako ay nagpapakupkop sa Iyo mula sa masama at demonyong kalalakihan at kababaihankhobothi wal-khabaa-ith."
  2. Unahin ang kaliwang paa sa pagpasok sa palikuran.
  3. Bigkasin ang panalangin sa paglabas mula sa palikuran, (غفرانك) “Ghufranak.” “O Allah! Hiling ko ang Iyong kapatawaran.”
  4. Unahin ang kanang paa sa paglabas mula sa palikuran.
  5. Huwag itaas ang kasuotan (o ibaba ang pantalon) hangga’t hindi pa nakakaupo.
  6. Magtungo sa lugar na malayo sa paningin ng tao.
  7. Maghugas ng kamay pagkatapos gumamit ng palikuran. Kung walang sabon, maaaring linisin ang mga kamay sa pamamagitan ng pagkuskos ng mga ito sa lupa o buhangin.

 

____________________

(1) Qiblah: Direksyon kung saan humaharap ang mga Muslim sa tuwing magsasagawa ng salah, ito ang kinaroroonan ng

      Ka’bah.

(2) Inulat ni Al-Bukhari (Hadeeth 144), at Muslim (Hadeeth 264)

(3) Ka'bah: Ito ay itinatag ni Propeta Abraham at ng kanyang anak na si Propeta Ismael (Sumakanila nawa ang kapayapaan) sa

      Makkah sa kapahintulutan ni Allah bilang pook sambahan ng mga mananampalataya.

(4) Inulat ni Al-Bukhari (Hadeeth 148), at Muslim (Hadeeth 266)

 

Mga Ipinagbabawal na Gawain sa Pagbabawas

  1. Ang paggamit ng kanang kamay sa paghugas at paghawak sa ari.
  2. Ang pagdumi o pag-ihi sa tubig na hindi dumadaloy.
  3. Ang pagdumi o pag-ihi sa mga lugar na karaniwang ginagamit ng mga tao kagaya ng daanan, tagpuang lugar at lugar na may lilim na madalas silungan ng mga tao.
  4. Ang pagdumi o pag-ihi sa pagitan ng mga puntod (o libingan) ng mga Muslim.
  5. Ang pagdumi o pag-ihi na nakaharap o nakatalikod sa Qiblah na walang harang.
  6. Ang pagdadala ng Qur'an sa loob ng palikuran.

 

Mga Hindi Kanais-nais na Gawain sa Pagbabawas

  1. Ang pag-ihi sa mga butas na lupa.
  2. Ang pagsalungat sa hangin sa pagdumi o pag-ihi, sapagkat, maaaring bumalik o tumalsik ang dumi o ihi sa damit o katawan.
  3. Ang pagsasalita sa loob ng palikuran. Magsalita lamang kung kinakailangan.
  4. Ang pag-ihi na nakatayo sapagkat maaaring tumalsik ang ihi sa damit o katawan.
  5. Ang pagdadala sa loob ng palikuran ng anumang bagay na may nakasulat na pangalan ni Allah, maliban lamang kung nangangambang ito ay mawawala kapag iniwan sa labas.

Puna hinggil sa Paksang tinalakay:

 

Hindi ipinahihintulot na ilagay sa alinmang bulsa ng pantalon ang mus-haf(1) bilang paggalang sa Salita ni Allah. Maaari itong ilagay sa bulsa ng damit malapit sa