Ang Aniyah na gawa mula sa Ginto at Pilak
Ito ay maaaring gamitin sa anumang paggagamitan nito maliban sa pagkain at pag-inom sapagkat ito ay ipinagbawal ni Propeta Muhammad ﷺ. Siya ay nagsabi:
(لا تشربوا في آنية الذهب والفضة ولا تأكلوا في صحافها فإنها لهم في الدنيا ولكم في الآخرة). رواه البخاري ومسلم
“Huwag kayong iinom sa sisidlan na gawa sa ginto at pilak, at huwag kayong kakain sa mga plato nito, sapagkat katotohanan, ito ay para sa kanila (na mga walang pananampalataya) sa mundo, at ito ay para sa inyo sa Kabilang-Buhay.”(6)
Siya ﷺ rin ay nagsabi:
(الذي يشرب في آنية الفضة إنما يجرجر في بطنه نار جهنم). رواه البخاري ومسلم
“Ang sinumang umiinom sa sisidlan na gawa sa pilak ay katotohanang maghihilahod sa kanyang tiyan ang apoy ng Impiyerno.”(7)
Ang Aniyah ng mga Hindi Muslim
Ito ay ipinahihintulot na gamitin maliban lamang kung ito ay marumi. Ang mga ito ay dapat linisin nang mabuti bago gamitin. Inulat ni Abu Tha’labah Al-Khoshani na kanyang sinabi: “O Sugo ni Allah! Kami ay nasa lupa (o lugar) ng mga Ahlul Kitab (Kristiyano at Hudyo), maaari ba kaming kumain sa kanilang mga lalagyanan?"
____________________
(1) Halal: Malinis na pagkain, paggamit ng mga bagay na ipinahihintulot, karne ng hayop na kinatay sa Islamikong paraan.
(2) Inulat ni Al-Bukhari (Hadeeth 172), at Muslim (Hadeeth 279)
(3) Rijs: Napakarumi, kasuklam-suklam
(4) Surah Al-An’am, Ayah 145
(5) Aniyah: Mga sisidlan o lalagyanan ng tubig at iba pa
(6) Inulat ni Al-Bukhari (Hadeeth 5426), at Muslim (Hadeeth 2067)
(7) Inulat ni Al-Bukhari (Hadeeth 5634), at Muslim (Hadeeth 2065)
Ang Propeta ﷺ ay nagsabi:
(لا تأكلوا فيها إلا أن لا تجدوا غيرها فاغسلوها، ثم كلوا فيها). رواه البخاري ومسلم
“Huwag kayong kakain sa mga ito, maliban lamang kung wala kayong makitang lalagyanan liban sa mga ito; hugasan ninyo, at pagkatapos ay kumain kayo sa pamamagitan ng mga ito.”(1)
Ang Aniyah na gawa mula sa Balat ng Maytah(2)
- Balat ng patay na hayop na maaaring kainin ang karne noong nabubuhay pa.
Ito ay ipinahihintulot na gamitin sa lahat ng paggagamitan nito pagkatapos linisin.
Si Propeta Muhammad ﷺ ay nagsabi:
)أيما إهاب دبغ فقد طهر). رواه الترمذي ومسلم
“Anumang balat ang pagkatapos linisin sa pamamagitan ng dabgh(3) ay katiyakang naging malinis.”(4)
- Balat ng patay na hayop na hindi maaaring kainin ang karne.
Ito ay hindi ipinapahintulot na gamitin sa lahat ng paggagamitan nito kahit pagkatapos
linisin.
Balat ng Hayop na Haram(5) kainin (katulad ng baboy)
Ito ay hindi ipinahihintulot na gamitin sapagkat ito ay marumi.