Istihadhah – Ito ang paglabas ng dugo mula sa ari ng babae sa hindi takdang oras nito, maaaring sanhi ng pagdudugo sa loob, sakit at iba pa. Ito ay kakaiba sa haydh sa kulay, amoy at labnaw kaya hindi maituturing na haydh.

 

Ang Istihadhah ay hindi katulad ng Haydh

Ang babaeng may istihadhah ay dapat magsagawa ng salah sa mga takdang oras nito. Sa tuwing mayroon siyang istihadhah, ang kailangan lamang niyang gawin ay linisan ito na hindi niya kailangang maligo, magsagawa lamang siya ng wudhu. Gayundin naman sa pag-aayuno, dapat siyang mag-ayuno sa buwan ng Ramadhan. Ang istihadhah ay hindi nakasisira ng pag-aayuno. Ipinahihintulot din sa kanya ang pakikipagtalik sa kanyang asawa.

 

 

*****