Ang Salatol-Jama’ah(2)

Salatol-Jama’ah – Ito ang sama-samang pagsasagawa ng limang takdang salah sa masjid. Ito ay wajib (tungkulin o ipinag-uutos) sa mga kalalakihan. Ang pinakamababang bilang ng jama’ah ay binubuo ng tatlong(3) tao.

 

          Si Propeta Muhammad ﷺ ay nagsabi:

 

(صلاة الجماعة أفضل من صلاة الفذ – يعني الفرد – بسبع وعشرين درجة). أخرجه البخاري ومسلم

“Ang salah na Jama’ah (sama-samang pagsasagawa ng salah sa masjid) ay higit na mainam kaysa sa salah ng nag-iisa nang dalawampu’t pitong antas.”(4)

 

(من سمع النداء فلم يجب، فلا صلاة له إلا من عذر). أخرجه أبو داود وابن ماجه والحاكم، وصححه الألباني

 “Sinuman ang nakarinig ng pagtawag (Adhan) subalit siya ay hindi tumugon, magkagayo’y wala siyang salah maliban lamang kung mayroon siyang sapat na dahilan.(5)

____________________

(1) Ito ang pananaw nina Imam Shafi'i at Imam Ahmad na sinang-ayunan ni Sheikh Ibn 'Uthaimeen at ang karamihan sa mga ulama. Ayon naman kina Sheikh Ibn Taymiyah at Sheikh Ibn Baz, dapat magsagawa ng sujood as-sahw sa oras na maalaala niya ito kahit nasa bahay na siya.

(2) Salatol-Jama’ah: Sama-sama o Kongregasyon na salah sa masjid.

(3) Ang salah ng dalawang tao ay maituturing ding Jama'ah, Inulat ni Al-Bukhari (Hadeeth 658) at Abu Dawud (Hadeeth 554) at iba pa. "Ang Salah ng dalawang tao o higit pa ay jama'ah, ngunit sa tuwing nadadagdagan ang bilang na ito ay nagiging mas mainam, at ang pagsasagawa ng salatol-jama'ah sa masjid ay obligado." Fatawa Allujnah Ad-Daimah 7/289

(4) Inulat ni Al-Bukhari (Hadeeth 645 at 646), at Muslim (Hadeeth 650)

(5) Inulat ni Abu Dawud (Hadeeth 551), Ibn Majah (Hadeeth 793), Al-Hakim (1/245), ayon kay Sheikh Al-Bani ang Hadeeth na ito ay sahih.

          Katanggap-tanggap (sa kapahintulutan ni Allah) ang salah ng isang Muslim sa loob ng kanyang tahanan, subalit ang pag-iwan sa salatol-jama’ah (sa masjid) ay isang kasalanan maliban lamang kung mayroong sapat na dahilan(1). Ipinahihintulot lamang ng Islam ang pag-iwan sa salatol-jama’ah o kongregasyon na salah sa loob ng masjid sa mga sumusunod na kadahilanan:

 

  1. May-sakit na maaaring malagay sa kapahamakan kung siya ay tutungo sa masjid. Maging ang Propeta ﷺ ay hindi nakapagsasagawa ng salah al-jama’ah sa panahon ng kanyang malubhang karamdaman(2).
  2. Pangangailangan sa pagbabawas (pagdumi o pag-ihi) o pagkain kapag ito ay naihanda(3).
  3. Pagkakaroon ng pangamba sa sarili, pamilya, o kayamanan sa posibilidad na pagkawala nito(4).
  4. Malakas na ulan at hangin na dulot ng bagyo o matinding lamig na maaaring magpahamak sa tao(5). Kabilang dito ang lahat ng uri ng panganib na nag-aabang sa tao sa pagtungo sa masjid.
  5. Pagdurusa o paghihirap sanhi ng pagpapahaba ng imam sa salah(6).
  6. Pangamba na hindi umabot sa oras ng paglalakbay (halimbawa, paglipad ng eroplano).
  7. Paghihingalo ng isa sa mga minamahal sa buhay.