Ang Pag-iimam(7) sa Salah

Ang Imam ang siyang namumuno sa pagsasagawa ng salah. Siya ay titindig sa unahan ng mga ma’-moom. Ang pinakamainam na saff (linya) ng mga kalalakihan ay ang unang saff(8). Kung ang bilang ng ma’-moom ay dalawa, maaaring pumagitna sa kanilang dalawa ang imam (isa sa kanan at isa sa kanyang kaliwa)(9) subalit mas mainam na silang dalawa ay nasa likuran ng imam(10). Ngnuit kung nag-iisa lamang ang ma’-moom, siya ay titindig sa gawing kanan ng imam(11). Ang mga kababaihan ay sa likuran ng mga kalalakihan(12) bilang respeto at pangangalaga sa kanila. Ang pinakamainam na saff para sa mga kababaihan ay ang nasa pinakahuling linya. Mas mainam na ang titindig sa likuran ng imam (pinakamalalapit sa imam) sa pagsasagawa ng salah ay ang mga may kaalaman sa Qur’an, sunnah at fiqh. Sapagkat sila ang magtutuwid sa posibleng pagkakamali ng imam(13).

____________________

(1) Kitabul Fiqh Al-Muyassar fi dhaw-il kitabi was-sunnah, pahina 77-78

(2) Inulat ni Al-Bukhari (Hadeeth 713), at Muslim (Hadeeth 418)

(3) Inulat ni Muslim (Hadeeth 560)

(4) Inulat ni Abu Dawud (Hadeeth 551) tingnan din sa Al-Irwa 2/336-337

(5) Inulat ni Al-Bukhari (Hadeeth 632), at Muslim (Hadeeth 697)

(6) Inulat ni Muslim (Hadeeth 465)

(7) Pag-iimam: Pamumuno sa salah

(8) Inulat ni Muslim (Hadeeth 437 at 440)

(9) Inulat ni Abu Dawud (Hadeeth 613), tingnan din sa Irwaul-Ghaleel (2/319)

(10) Inulat ni Muslim (Hadeeth 3010)

(11) Inulat ni Muslim (Hadeeth 3010)

(12) Inulat ni Muslim (Hadeeth 658)

(13) Inulat ni Muslim (Hadeeth 432)

          Si Propeta Muhammad ﷺ ay nagsabi:

 

(إنما جعل الإمام ليؤتم به، فإذا كبر فكبروا، وإذا ركع فاركعوا وإذا قال: سمع الله لمن حمده فقولوا: ربنا ولك الحمد، وإذا سجد فاسجدوا). رواه البخاري ومسلم

 “Itinalaga ang Imam upang siya ay sundin, kung kaya’t kapag siya ay nag-takbeer, kayo rin ay magsi-takbeer; at kapag siya ay yumuko kayo rin ay magsiyuko. Kapag siya ay nagsabi: “Sami’ Allahu liman hamidah”, sabihin ninyo ang: “Rabbana wa lakalhamd”, at kapag siya ay nagpatirapa kayo rin ay magsipagpatirapa.”(1)

 

Ang Karapat-dapat sa Imamah (Pag-iimam)

  1. Nakakaalam sa Qur’an.(2)
  2. Nakakaalam sa Sunnah ng Propeta ﷺ.
  3. Nauna sa pagsasagawa ng Hijrah.(3)
  4. Nauna sa pagyakap sa Islam.
  5. Nakatatanda sa edad.

 

          Subalit kung sila ay magkakatulad ng kaalaman sa Qur’an, suriin kung sino sa kanila ang pinakamaalam sa sunnah ng Propeta ﷺ. Kung sila ay magkakatulad din ng kaalaman sa sunnah, suriin kung sino sa kanila ang pinaka-una sa pagsasagawa ng hijrah. Kung sila ay magkakatulad din sa pagsasagawa ng hijrah, suriin kung sino sa kanila ang pinaka-una sa pagyakap sa Islam. Kung sila ay magkakatulad din sa pagyakap sa Islam, suriin kung sino sa kanila ang pinakamatanda sa edad.

 

Mga Ipinagbabawal sa Pag-iimam

  1. Ang pag-iimam ng kababaihan sa kalalakihan.(4)
  2. Ang pag-iimam ng muhdith.(5)
  3. Ang sinumang hindi marunong magbasa ng surah Al-Fatihah; sa kanyang pagbabasa ay nagbabago ang kahulugan ng talata mula sa Qur'an.
  4. Ang Fasiq(6) at Mubtadi’.(7)
  5. Ang sinumang walang kakayahan sa pagyuko, pagpapatirapa, pagtayo at pag-upo.

 

Mga Hindi Kanais-nais sa Pag-iimam

  1. Ang madalas na pagkakamali sa pagbabasa ng mga talata mula sa Qur'an.
  2. Ang sinumang kinamumuhian ng mga tao.
  3. Hindi tamang pabigkas sa mga letra ng talata mula sa Qur'an.

____________________

(1) Inulat ni Al-Bukhari (Hadeeth 389), at Muslim (Hadeeth 411)

(2) Maalam sa Qur’an at sa mga hatol ng salah, mas marami ang nasasauladong mga surah ng Qur’an, mas mahusay sa tajweed at maganda ang boses.

(3) Hijrah: Paglikas mula sa lugar ng kufr (kawalan ng pananampalataya) tungo sa lugar ng mga Muslim.

(4) Hindi ipinahihintulot sa isang babaeng Muslimah na mag-imam para sa mga kalalakihan, sapagkat siya sa katotohanan ay magiging tukso sa mga kalalakihan. Ang babaeng Muslimah ay maaari lamang mag-imam sa mga kapwa niya babae.

(5) Muhdith: Wala sa kalinisan, batid niya na siya ay hindi nakapagwudhu o di-kaya’y may nakadikit sa kanya na maruming bagay.

(6) Fasiq: Masama at makasalanang tao

(7) Mubtadi': Taong lantaran sa paggawa ng mga gawaing bid’ah (bago) sa Islam

          Nararapat sa isang imam na kanyang alamin at suriing mabuti ang kanyang mga ma’-moom. Kapag alam niyang may mga matatanda sa kanila, dapat niyang paiksiin ang mga Ayah upang maging magaan at naaayon sa kanilang kakayahan. Ang salah ay isang dakilang pagsamba kay Allah na hindi dapat gawing pahirap o parusa sa mga tao. Dapat laging isaisip ng imam na ang mga tao sa kanyang likuran ay nagkakaiba-iba ng antas ng pananampalataya, kakayahan, at pangangailangan; kung kaya’t napakainam na maging katamtaman (hindi labis at hindi rin naman kulang) sa pagsasagawa ng mga pagsamba(1)(2).

           Mga Puna hinggil sa Paksang tinalakay: