ANG KAHALAGAHAN NG KAALAMAN

Ang Allah ay nagsabi sa banal na Qur’an:     [ يرفع الله الذين ءامنوا منكم والذين اوتو الكتاب درجات ]

{Itataas ng Allah yaong mga sumampalataya sa inyo at yaong mga pinagkalooban ng kaalaman sa matataas na mga antas}. Al-Mujadalah (58):11

 

At sinabi pa Niya:    وقل ربي زدني علما      َ]

{At sabihin mo (O Muhammad e):  Panginoon ko dagdagan Mo ako ng kaalaman}. Taha (20):114

وعن ابي هريرة رضي الله عنه قال قال رسول الله صلي الله عليه وسلم " ومن سلك طريقا يلتمس فيه علما سهل الله به طريقا الي الجنة " رواه مسلم

Si Abu Hurairah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: “Ang Sugo ng Allah (e) ay nagsabi: [At sinuman ang tumahak sa isang landas nang naghahanap rito ng kaalaman, pagagaanin ng Allah sa kanya sa pamamagitan nito ang isang daan patungo sa Paraiso]”. Isinalaysay ni Muslim

 

 

ANG MGA PINAGKUKUNAN NG BATAS NG ISLAM

 

  1. Quran (ang banal na Aklat ng Allah).
  2. Sunnah (ang salawikain, gawain, katangian at kapahintulutan ni Propeta Muhammad e).
  3. Ijma (ang napagkaisahan ng mga mabubuting sinaunang ninuno).

Pumapasok din rito ang isa pang mapananaligang pinagkukunan ng batas sa Islam: ang Qiyas (paghahambing sa kahatulan ng dalawang bagay).

 

 

ANG MGA HALIGI NG ISLAM

 

Ang kahulugan ng Islam:

Ito ay ang pagsuko sa Allah (ang tunay na diyos, ang karapat-dapat sambahin lamang) at ang pagtalima sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang mga ipinag-uutos at pag-iwas sa Kanyang mga ipinagbabawal.

 

Ang limang haligi ng Islam:

  1. Ang Shahadah (pagsasaksi at pagpapatunay na walang ibang diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Allah, at si Muhammad ay Sugo ng Allah).
  2. Ang Salah (pagsasagawa ng pagdarasal).
  3. Ang Zakah (pamamahagi ng katungkulang kawanggawa).
  4. Ang Siyam (pag-aayuno sa buwan ng Ramadan).
  5. Ang Hajj (pagsasagawa ng Hajj sa sagradong Tahanan ng Allah, ang Ka`bah).