Ang Pamilyang Pinagmulan ng Propeta sallalahu alayhi wasalam  :

     Kilala ang pamilya ni propeta Muhammad e sa taguri na Al-Hashimiyah na hinango sa panaglan ng kanyang lolong si Hashim bin 'Abd Manaf. Atin munang tatalakayin ang tungkol sa kanyang lolo na si Hashim at ang mga naging anak nito:

  1. Hashim : Tulad ng nabanggit na natin na itong si Hashim ang siyang naitalagang mangasiwa noon sa pagpapainom at pagpapakain ng mga peregrino mula sa angkan ng banu 'Abd Manaf nang magkasundo ang banu 'Abd manaf at banu Abdud-Dar sa paghahati ng mga responsibilidad sa pagitan nila. Si Hashim ay mapagkakatiwalaan, kilala at mayamang tao. At siya ang kauna-unahang nagpakain ng tinapay na may halong karne sa mga peregrino sa Makkah. Ang kanyang tunay na pangalan ay 'Amr tinagurian lang siyang Hashim sapagkat siya ang gumawa ng pamimigay ng mga dinurog na tinapay sa mga peregrino. At siya rin ang kauna-unahang nagpasimuno ng dalawang paglalakbay para sa mga Quraysh, paglalakbay sa tag-init at taglamig.

     Naiulat na minsang naglakbay ito patungo sa sinaunang Syria bilang isang mangangalakal, at ng mapadaan siya sa Madinah ay pinakasalan niya si Salma bint 'Amr mula sa bani 'Adiy bin An-Najjar at pansamantala siyang nanatili roon. At muli siyang naglakbay patungo sa sinaunang Syria habang iniwan naman niya ang kanyang asawa sa pamilya nito na noon ay nagdadalang tao na. Dinatnan na ng kamatayan si Hashim sa Ghazzah sa Palestine at ipinanganak naman ng kanyang asawa na si Salma ang kanilang anak na si Abdul-Muttalib taong 497 matapos isilang si Hesus. At pinangalanan niya itong Shaibah sa kadahilan ng pagkakaroon nito ng puting buhok sa ulo ng isilang1. Pinalaki niya ito sa tahanan ng kanyang ama sa Yathrib (Madinah). Walang nakaaalam na sinuman sa mga kamag-anak nito sa Makkah. Si Hashim ay may apat na anak na lalaki at ito ay sila : Asad, Abu Saifiy, Nadlah, at Abdul-Muttalib. At limang anak na babae at ito ay sila : Ash-Shifa, Khalidah, Da'ifah, Ruqayyah at Jannah.2

  1. Abdul-Muttalib : Napag-alaman natin sa nagdaang salaysay na ang pagpapainom at pagpapakain sa mga peregrino matapos pumanaw si Hashim ay napunta sa pangangasiwa ng kanyang kapatid na si Al-Muttalib bin Abdu Manaf (na noon ay may mataas ang kinalalagyan sa lipunan, tinitingala at ginagalang ng kanyang mga kababayan). Nang si Abdul-Muttalib ay magbinata narinig at napag-alaman ng kanyang tiyuhin ang tungkol sa kanya kaya't naglakbay ito patungong Madinah upang siya ay kuhanin ng makita niya ito ay tumulo ang kanyang mga luha sa kanyang mga pisngi

                                                 

niyakap niya ito ay isinakay sa kanyang kamelyo, subalit nagpumigil ito hanggang sa mapakapag-paalam muna ito sa kanyang ina. Kaya't ang ginawa ni Al-Muttalib ay ipinagpaalam niya ito sa kanyang ina at hiniling na sana sa kanyang pagbalik sa Makkah ay makasama niya ang kanyang pamangkin. Subalit tumanggi ito. Nagawa niyang kumbinsihin ito sa pagsasabi ng : "Ang iyong anak ay isasama ko sa Makkah upang mapanatili at mapangalagaan ang ari-arian ng kanyang ama at manirahan sa nasasakupan ng sagradong bahay". Hanggang sa pumayag din ito. Kaya't dali-dali siyang nagbalik ng Makkah angkas ang kanyang pamangkin sa likod ng kanyang kamelyo. Doon sa Makkah nagulat ang mga tao ng makita nila ang batang si Abdul-Muttalib at kanilang inakala na ito ay alipin ni AlMuttalib. Sinabi nito : "Nagkakamali kayo ng akala ito ay aking pamangkin, anak ng aking kapatid na si Hashim". Itinira niya ito sa kanyang sariling bahay hanggang sa lumaki ito. At hindi nagtagal ay pumanaw si Al-Muttalib sa Bardman sa lupain ng Yemen at pagkatapos noon ay napunta kay AbdulMuttlib ang pangangasiwa sa mga naiwanan ng kanyang tiyuhin at ama. Ginampanan niya ang dating ginagawang paglilingkod ng kanyang mga ninuno sa kanyang mga kababayan. Kaya't itinanghal siya ng mataas na pagkilala ng kanyang mga kababayan na hindi pa naabot ng kanyang mga ninuno noong una. Pinakamahal din siya ng kanyang mga kababayan at iginalang siya ng lubusan.1

 

     Nang mamatay si Al-Muttalib ay inagaw ng sapilitan ni Nawfal ang mga responsibilidad na dapat sana ay mapunta kay Abdul-Muttalib. Kaya humingi siya ng tulong sa mga kalalakihan ng Quraysh na kampihan at ipagtanggol ang karapatan ng kanyang tiyuhin subalit tumanggi ang mga ito at nagsabing : "Hindi kami manghihimasok sa iyo at sa tiyuhin mo". Sa pagkakataong iyon ay gumawa siya ng liham sa kanyang mga tiyuhin sa ina mula sa tribo ng An-Najjar na siya ay saklolohan ng tulong. Dali-dali namang gumayak ang kanyang tito na si Abu Sa'ad bin Adiy kasama ang walumpong mangangabayong mandirigma hanggang sa makarating ito sa lugar na kung tawagin ay Abtah sa Makkah at doon ay sinalubong sila ni Abdul-Muttalib. At sinabi nito sa kanila : "Doon na kayo tumuloy sa bahay ko aking tiyuhin"! Ang tugon nito ay : "Hindi, hangga't makatagpo ko si Nawfal". Pagkatapos ay humayo ito ng lakad hanggang sa matagpuan nito si Nawfal na nakaupo sa ilalim ng lilim ng Ka'bah kasama ng ilang matatanda sa tribo ng Qurasy. Hinugot ni Abu Sa'ad ang kanyang espada at sinabing : "Sumusumpa ako sa Panginoon ng sagradong bahay na ito na kung hindi mo ibabalik sa pamangkin ko ang mga inagaw at kinuha mo ay matitikman mo ang kamatayan sa pamamagitan ng espada ko". Tugon nito : "Ibinabalik ko na ang anumang inagaw ko". At sumaksi sa kanyang salita ang mga matatanda sa tribo ng Qurasyh. Pagkatapos noon ay nagtungo na si Abu

                                                 

1    1/137, 138.

Sa'ad sa bahay ng kanyang pamangkin na si Abdul-Muttalib at nanatili doon ng tatlong araw. Pagkatapos ay nagsagawa ito ng Umrah at nagbalik muli ng Madinah. Matapos ang pangyayaring iyon ay nakipagkampihan si Nawfal sa bani Abdu Shams bin Abdu Manaf laban sa bani Hashim. Nang makita ng tribo ng Khuza'ah ang pagtulong ng bani An-Najjar kay Abdul-Muttalib sinabi nila : "Siya ay anak namin at anak rin naman ninyo". Kaya't kami ay mas may karapatan na ipagtanggol siya. At iyon ay sa kadahilanang ang ina ni Abdu Manaf ay galing din sa kanila.

 

     Nagtipon sila sa Darun-Nadwah at nakipagkampihan sila sa bani Hashim laban sa bani Abdu Shams at kay Nawfal. Ang kampihan na ito ang naging dahilan upang mabuksan at sakupin ang Makkah1.

     At kabilang sa mahahalagang pangyayari na nasaksihan ni AbdulMuttalib sa sagradong bahay ay dalawang bagay2 : Ang paghuhukay ng balon ng Zamzam at ang pangyayaring may kaugnayan sa Elepante.

     At bilang pagbubuod minsan si Abdul-Muttalib ay nakakita sa panaginip niya na siya ay inuutusang hukayin ang Zamzam at inilarawan sa panaginip na iyon kung saan matatagpuan ang kinaroroonan nito, kaya't tumayo siya at hinukay ito. At doon ay natagpuan niya ang mga bagay na ibinaon ng mga angkan ng Jurhum ng sila ay itaboy sa Makkah. Natagpuan niya ang mga espada at mga kagamitang pandigma na isinusuot sa katawan bilang proteksiyon at dalawang hinubog na usa na yari sa ginto. Inilaan ang mga gintong espada para gawing pintuan ng Ka'bah pati na rin ang dalawang gintong usa. At isinagawa ang tradisyon ng pagpapainom ng tubig ng Zamzam para sa mga peregrino.

     At nang magsimulang bumalong ang balon ng tubig  Zamzam ay nakipagtalo ang mga Quraysh kay Abdul-Muttalib at kanilang sinabi : "Dapat maging kahati mo kami". Ang tugon niya ay : "Hindi maaari. Ang bagay na ito ay espesyal lamang sa akin". Hindi nila siya tinigilin at iniwanan hanggang sa makarating ang kanilang iringan sa paghahatol ng isang manghuhula mula sa bani Sa'ad. At hindi sila nagbalik hanggang sa ipinakita ni Allah sa kanila habang sila ay nasa daan ang magpapatunay na espesyal lang kay Abdul-Muttalib ang pangangasiwa sa Zamzam. Sa pagkakataong iyon ay namanata si Abdul-Muttalib na kung siya ay pagkakalooban ni Allah ng sampung anak na lalaki ay iaalay niya bilang sakripisyo ang isa sa kanila para sa Ka'bah.

     Ang pangalawang pangyayari naman ay may kinalaman kay Abrahah

As-Sabah Al-Habashi ang punong tagapangatawan kay An-Najashiy sa

Yemen. Nang makita niyang ang mga Arabe ay nagsasagawa ng peregrino

                                                 

sa Ka'bah ay nagtayo naman siya ng malaking simbahan sa San'a at nais niyang akitin ang atensiyon ng mga Arabe patugo dito. Narinig ang planong ito ng isang lalaki mula sa bani Kinanah, kaya't pinasok niya ang simbahang ito isang gabi at pinahiran niya ng dumi ang Qiblah (direksiyon kapag nagdarasal) nito. Nang mapag-alaman ni Abrahah ang pangyayaring iyon ay sumiklab ang kanyang galit at pinamunuan niya ang isang malaking sandatahang lakas na binubuo nang anim napung libong mandirigma patungo ng Ka'bah upang ito ay wasakin, at pumili siya ng pinakamalaking elepante para sa kanya mismo. Ang buong puwersa ay binubuo ng siyam o labing-tatlong elepante. Nagpatuloy sila ng paglalakbay hanggang sa makarating sila sa pook na kung tawagin ay Al-Magmas. At don ay isinaayos niya ang kanyang mga mandirigma at ihinanda ang kanyang elepante para sa pagpasok sa Makkah.

     At ng marating nila ang lambak ng Muhassir sa pagitan ng Muzdalifah at Mina ang elepante ay lumuhod at ayaw tumayo patungo ng Ka'bah. Sa tuwing itutungo  nila ito sa direksiyon ng Timog o sa Hilaga o Silangan ito ay mabilis na gumagalaw at sa tuwing ito ay kanilang itutungo sa kanluran sa direksiyon ng Ka'bah ito ay lumuluhod. Habang sila ay nasa ganoong kalagayan ay ipinadala sa kanila ni Allah ang mga ibong lumilipad sa kanilang ulunan, binabato o pinupukol sila ng ubod ng lakas na mga putik na nagbabaga at bawat tamaan ay nagiging parang mga dayami na kinakain. Ang mga ibon na iyon ay kahalintulad ng ibong maya. At sa bawat ibon ay may dalang tatlong bato, isa sa kanyang tuka at dalawa sa kanyang mga paa na tulad ng garbanzos (chick pea). Walang sinuman na tamaan noon maliban na maputol ang mga bahagi ng kanyang katawan at mamatay. At hindi naman lahat sila ay tinamaan ang iba sa kanila ay nagsitakbo upang tumakas at nnapadpad kung saan-saan at doon na inabutan ng kamatayan. Si Abrahah naman ay pinadatnan ni Allah ng isang uri ng sakit na sa pamamagitan niyon ay napuputol ang kanyang mga daliri at hindi siya nakabalik ng San'a liban na lamang na nagmistula siyang sisiw, nabiyak ang kanyang dibdib  at lumabas ang puso nito at pagkatapos ay namatay.

     Ang mga Quraysh naman ay nagkahiwa-hiwalay sa mga paanan ng bundok at ang iba ay umakyat sa pagkataas-taas na bundok upang iligtas ang kanilang mga sarili. At ng mangyari ang kaganapan sa mga kalabang mandirigma ay nagsibalikan rin sila sa kanilang mga tahanan na ligtas at payapa.1 

     Ang pangyayaring ito ay naganap sa buwan ng Muharram limampung araw o limamput-limang araw bago isilang ang Propeta e na tumatapat naman sa katapusan ng Pebrero o simula ng Marso taong 571 matapos isilang si Hesus. Maituturing itong handog na ipinagkaloob ni Allah sa

                                                 

1    1/43-56, Tafhimul Qur'an 66/462-469.

 

Kanyang propeta at sa Kanyang tahanan. Sapagkat kung titingnan natin ang Baytul-Muqaddas sa Jerusalem matutunghayan natin na ang mga walang pananampalataya na kalaban ni Allah ay nangingibabaw at nasakop ang Qiblah (direksiyon na pinagtutuunan kapag nagdarasal) na ito at ang mga angkan nito noong panahong iyon ay mga Muslim tulad ng nangyari sa panahon ni Bukhtanassar taong 587 bago isilang si Hesus at sa mga Romano taong 70 matapos isilang si Hesus. Subalit ang Ka'bah ay hindi nasakop at napangibabawan ng mga Kristiyano (kung saan sila ang mga Muslim sa panahong iyon) kahit pa nga ang mga tao noon sa Makkah ay mga pagano.

     Nangyari ang kaganapang iyon (tungkol sa elepante) at nakarating ang balita tungkol dito sa pinakamalawak at sibilisadong mga pamayanan noon. Ang Habashah (Ethiopia) noon ay may malakas na ugnayan sa mga Romano. Sa kabilang dako naman ang mga taga Persia noon ay hindi tumitigil sa kanilang pag-eespiya at binabantayan ang anumang nangyayari sa mga Romano at sa mga kakampi nito. Kaya nga mabilis silang nagtungo sa Yemen matapos ang pangyayaring ito. At itong dalawang bansa na ito ang kumakatawan sa mga sibilisado at makapangyarihang mga bansa noong panahong iyon. At ang pangyayaring iyon (insidente tungkol sa elepante) ay nagbaling sa paningin ng buong mundo at nagtuon ng kanilang pagdakila sa tahanan ni Allah. At na siya mismo ang pumili ng tahanang iyon para sa kadakilaan. Kung magkagayon at mayroong isa mula sa angkan nito na mag-angkin nang pagkapropeta ang pangyayaring ito talaga ang magpapatunay, at magbibigay linaw na rin sa kadahilanan kung bakit tinulungan at sinuportahan ni Allah ang mga (pagano noon sa Makkah) walang pananampalataya laban sa mga mananampalataya (Kristiyano) sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga kadahilanan at ang epekto nito o kalalabasan.

    

     Si Abdul-Muttalib ay may sampung anak na lalaki at ito ay sila : AlHarith, Az-Zubair Abu Talib, Abdullah, Hamzah, Abu Lahab, Al-Ghidaq, Al-Maqwam, Safar, Al-Abbas. May mga nagsasabing ang kanyang anak na lalaki ay labing-isa at idinagdag nila ang nagngangalang Qathim. At may nagsasabi ring ang anak niyang lalaki ay labing-tatlo at idinagdag naman nila si Abdul Ka'bah at Hajlan. At may nagsasabing si Abdul Ka'bah ay siya ring si Al-Maqwam, at si Hajlan ay siya ring si Al-Ghidaq at wala sa mga naging anak niya ang may nagngangalang Qathim. Samantalang ang mga babaeng anak naman ay sila : Ummu Al-Hakim na tinatawag ding AlBayda, Barrah, Atikah, Safiyah, Arwa, Umaimah.[1]

 

  1. Si Abdullah ang ama ng Sugo ni Allah e, ang kanyang ina ay si Fatimah na anak ni 'Amr bin A'idh bin Imran bin Makhzum bin Yaqdhah bin Murrah. At itong si Abdullah ang pinakamabuti at pinakamatalino sa mga anak ni Abdul-Muttalib, siya rin        ang    pinakamalinis sa         pamumuhay     at

pinakamamahal niya sa kanyang mga anak. Siya rin ang nakatakdang ialay para isakripisyo. At iyon ay ng si Abdul-Muttalib ay nagkaroon ng sampung anak na lalaki at nababatid niya na pipigilan siya ng mga kababayan niya ay ibinalita niya sa mga ito ang kanyang sekreto at panata at sinunod naman siya ng mga ito. Kaya't isinulat niya ang pangalan ng mga ito sa palaso na nagtatakda ng kapalaran at ibinigay sa taong nangangalaga at nagbabantay ng kanilang pinakamamahal ng diyos-diyosan na si Hubal. Hinalo at ihinagis ang mga palaso at lumabas ang pangalan ni Abdullah upang siya ang isakripisyo. Kaya't kumuha siya ng tabak at dinala niya ang bata sa Ka'bah  upang ito ay katayin at isakripisyo. Subalit pinigilan siya ng mga Quraysh lalo na ang kanyang mga tiyuhin mula sa bani Makhzum at ng kanyang kapatid na si Abu Talib. Sinabi ni Abdul-Muttalib : "Ano ang gagawin ko sa aking panata"? Pinayuhan nila siya na magtungo sa babaeng manghuhula at hayaang ito ang maghusga sa bagay na iyon. Kaya't iyon ang kanyang ginawa. Ipinag-utos ng manghuhula na ihagis ang palaso para kay Abdullah at sa sampung kamelyo, at kung lumabas ang pangalan ni Abdullah ay dadagdagan nila ng sampung kamelyo pa hanggang sa malugod ang panginoon niya. At kapag lumabas na ang palaso para sa mga kamelyo ay katayin ninyo ang mga ito. At siya ay bumalik at pinapili sa pagitan ni Abdullah at ng sampung kamelyo at lumabas ang pangalan ni Abdullah at hindi siya tumigil sa pagdagdag ng sampu-sampung kamelyo at hindi tumatama ang palasyo kundi palaging kay Abdullah hanggang sa umabot ang bilang ng kamelyo sa isang daan at sa pagkakataong iyon ay tumuro na ang palaso sa mga kamelyo at kinatay niya ang lahat ng iyon kapalit ng kanyang anak. At iniwan na ni Abdul-Muttalib ang mga kinatay na kamelyo para kainin ng mga tao at mga hayop. Noon ang bayad-dugo sa mga Qurasyh ay sampung kamelyo. Kaya't pagkatapos ng pangyayaring ito ay naging isang daang kamelyo na. At ito ay pinanatili naman ng Islam.

Isinalaysay na ang propeta e ay nagwika :

  [ ﻥﻴﺤﻴﺫﺒﺍﻟ ﺍﺒﻥ ﺎﺃﻨ ]

[Ako ay anak ng dalawang isinakripisyo ]. Ibig niyang ipakahulugan ay ni

Ismael u at ng kanyang ama na si Abdullah.[2]

     Pinili ni Abdul-Muttalib na ipakasal para sa kanyang anak na si Abdullah ay si Aminah bint Wahb bin 'Abd Manaf bin Zuhrah bin Kilab. At siya sa panahong iyon ay itinuturing na pinakamabuting babae sa tribo ng Qurasyh kung ang pag-uusapan ay pamilyang pinagmulan at katayuan sa lipunan. Ang ama niya ang pinuno ng bani Zuhrah, pamilya na talaga namang iginagalang. Sila ay ikinasal sa Makkah at doon nagsimula ng buhay may pamilya. Hindi naglaon ay inutusan si Abdullah ng kanyang ama na bumili ng datiles sa Madinah at doon na ito inabutan ng kamatayan. May nagsasabi naman na ito ay nagtungo bilang isang mangangalakal patungo sa sinaunang Syria at sa kanyang pagbalik ay tumigil ito sa Madinah sanhi ng pagkakasakit at doon na binawian ng buhay. At ito ay inilibing sa Dar AnNabighah Al-Ja'diy na noon siya ay dalawamput limang taong gulang na. Siya ay namatay bago pa isilang ang Sugo ni Allah e ayon sa ulat ng karamihan ng mga mananalaysay. Samantalang sa ibang salaysay ay sinasabing namatay siya dalawang buwan matapos isilang ang Sugo ni Allah

e.[3] At nang makarating kay Aminah ang balita ng pagkamatay ng kanyang asawa ay nagluksa siya sa pamamagitan ng pagsambit ng maka-antig pusong tula bilang paggunita sa pumanaw niyang asawa. Ang mga naiwan ni Abdullah ay kakaunti lamang limang kamelyo at iilang tupa at aliping babae mula sa Ethiopia na nagngangalang Barakah na tinaguriang Ummu Ayman na siyang nag-alaga at nagpalaki sa Sugo ni Allah e.2

[1] Talqih Fuhum Ahlil-Athar pahina 8,9. Rahmatun Lil-'Alamin 2/56,66 

[2] Ibn Hisham 1/151-155. Rahmatun Lil-'Alamin 2/89,90. Mukhtasar Seeratir-Rasul ni Shaik Abdullah pahina 12,22,23. 

[3] Ibh Hisham 1/156,158. Fiqhus-Seerah ni Muhammad Al-Ghazaliy pahina 45. Rahmatun Lil-'Alamin 2/91. 2 Mukhtasar Seeratir-Rasul ni Shaik Abdullah An-Najdiy pahina 12. Talqih Fuhum Ahlil-Athar pahina 4. Sahih Muslim 2/96.