"ANG KHUTBAH O SERMON"
BANGGITIN NG LINGID: “BISMILLAAHIR RAHMAANIR RAHEEM”
1. ASSALAMU ALAYKUM WA RAHAMATULLAHI WA BARAKATUH
2. UMUPO
3. AZAN : Allahu-Akbar, Allahu-Akbar, Allahu-Akbar, Allahu-Akbar,
Ash-hadu an la ilah illallah, Ash-hadu an la ilah illallah, Ash-hadu anna Muhammada-ar Rasul-Ullah, Ash-hadu anna Muhammada-ar Rasul-Ullah,
Hayya-alas-Salah, Hayya-alas-Salah, Hayya-alal-Falah, Hayya-alal-Falah,
Allahu-Akbar, Allahu-Akbar,la ilah illallah.
4. TATAYO: Innal hamda lillah, nahmaduhu wanasta-ee-nuhu wa nastagfiruhu, wa na-u-zu billahi minshuru-ri anfusina wa min sayyi-a-ti a’ama-lina, man yahdihillahu fala-mudillalah, wa man yudlil fala ha-di ya lah. Ash hadu an la-ilaha illallah wahdahu la-shareeka lahu, wa ash hadu anna Muhammadan abduhu wa rasu-luh, sallallahu alayhi wa ala a-lihi wa as ha-bihi wa man tabi-a hum bi-ihsa-nin ila yawmiddin amma ba’ad.Fa ya iba-dallah, innallaha ta-ala qa-la fil qur’a-nil kareem ba’ada a-uo-dhu billahi minashayta-nir rajeem…
“PAGLALAHAD NG TALATA SA QUR’AN O HADITH NA TUMUTUKOY O BATAYAN “
“PARA SA NAPILING PAKSA SA KHUTBAH O SERMON SA WIKANG ARABIC.”
“ANG TALATA SA QUR’AN PARA SA NAPILING PAKSA:”
وَإِلَـهُكُمْ إِلَـهٌ وَحِدٌ لاَّ إِلَـهَ إِلاَّ هُوَ الرَّحْمَـنُ الرَّحِيمُ
WA ILAAHUKUM ILAHUN WAHID LAA ILAHA ILLA HUWA ARRAHMANURRAHIM
5. PAGSALIN SA TAGALOG SA MGA BINANGGIT NA PAMBUNGAD NA PANANALITA:
“(PAMBUNGAD NA PANANALITA:)”
Katotohanan ang lahat ng pagpupuri at pasasalamat ay para sa Allah Subhaanahu wa Ta’āla ang Panginoon ng sanlibutan. Nagpupuri at nagpapasalamat tayo sa Kanya, at tayo’y humihingi ng tulong at kapatawaran sa Kanya. At tayo’y nagpapakupkop sa Allah laban sa mga kasamaan ng ating mga sarili at laban sa mga pagkakamali ng mga gawain natin. Sinuman ang patnubayan ng Allah ay walang makapagliligaw sa kanya, At sinuman ang hayaan Niyang maligaw ay walang magpatnubay sa kanya.Sumasaksi ako na walang Diyos maliban sa Allah,Siya’y iisa, walang kasama sa Kanyang pagka-Diyos.
At sumasaksi rin ako na si Muhammad Sallallahu ‘alaihi wa sallam ay Kanyang alipin at Sugo sumakanya nawa ang biyaya at pagpapala ng Allah Subhaanahu wa Ta’aala,at sa lahat ng sumunod sa kanyang mga mabuting gawain sa kanyang mga pamilya at kamag-anak, at sa kanyang mga sahabah o kasamahan at sa lahat ng mga taong sumunod sa kanyang kabutihan hanggang sa huling araw.
O mga alipin ng Allah, katotohanang ang Allah ay nagsabi sa banal na Qur’an,
pagkatapos na ako ay magpakupkop sa AllahI laban kay Satanas na isinumpa
Ilahad ang unang bahagi ng sermon sa pagsalin muna sa tagalog sa mga talata sa Qur’an o hadith na tumutukoy o batayan sa napiling paksa at kasunod ang pagtalakay nito…
وَإِلَـهُكُمْ إِلَـهٌ وَحِدٌ لاَّ إِلَـهَ إِلاَّ هُوَ الرَّحْمَـنُ الرَّحِيمُ
WA ILAAHUKUM ILAHUN WAHID LAA ILAHA ILLA HUWA ARRAHMANURRAHIM
“At ang iyong Diyos ay isang Diyos, walang sinuman ang may karapatang sambahin kundi Siya lamang, Ang Pinakamahabagin, Ang Pinakamaawain.” -Qur’an Al baqarah kapitulo 2: talata 163
“Ang pagtalakay o paglalahad sa unang bahagi ng napiling paksa…"
>ANG KAHALAGAHAN NG TAMANG PAGKILALA SA ALLAH:
Mga kapatid sa Islam, mga Alipin ng Allah, ang paksa na ating tatalakayin sa araw na ito ay ang pagpapakilala ng Dakilang Lumikha at ang kahalagahan ng tamang pagkilala sa Allah.
Ang ating Dakilang Lumikha ay nagpakilala Siya sa lahat ng nilalang at gayundin sa sangkatauhan sa pamamagitan ng Kanyang mga isinugong propeta (sumakanila nawa ang kapayapaan).
Ang sabi ng Allah: (Ba’da auzubillahi min asshayta-nirrajeem)
Qul huwa allahu ahad ,Allahus samad ,Lam yalid wa lam yu-lad ,Walam yakullahu kufwan ahad -Qur’an 112:1-4
>Ang pinakamalapit na kahulugan nito sa pagkakasalin sa ating wika:
Ipagbadya, Siya ang Allah, ang tanging Nag-iisa at wala nang iba pa.
Ang Allah ay walang kamatayan at walang pangangailangan
Hindi Siya kailanman nagkaanak at kailanman ay hindi ay ipinanganak
At sa Kanya ay walang katulad, kawangis, o kamukha.
Mga kapatid sa Islam, tunay na naiparating ng ating dakilang lumikha ang pagpapakilala Niya sa Kanyang sarili at kung paano Siya dapat kilalanin ng Kanyang mga nilikha. Ito ay madaling maunawaan at malinaw na kahit bata at sa lahat ng antas ng pag-iisip ay kayang abutin. Subalit hingin natin ang patnubay ng Allah sapagkat ito ay tinatanggap lamang ng mga tao na Kanyang ginabayan at pinili upang manirahan sa Paraiso.
---------------------------@@@@@@@@@@@@------------------------------
6. Banggitin bilang pagtatapos sa unang bahagi ng paksa o sermon:
Wa aquolo qaulee ha-dha wa astagfirulla-ha lee wa lakum
wa li sa-eril muslimeen min kulli dhambin, fastagfiruohu innahu
huwal gafuorurraheem.
{At ang masasabi ko lang sa aking pananalitang ito
ay humihingi ako ng kapatawaran sa Allah at para sa inyo
at sa sambayanang mga Muslim mula sa lahat ng pagkakasala,
humingi kayo ng kapatawaran sa Kanya,
tunay na Siya ang Mapagpatawad, Ang Mahabagin.}
7. Umupo ng sandali at humanda sa pangalawang bahagi ng sermon.
8. Tumayo para sa pangalawang bahagi ng khutbah o sermon:
Alhamdu lilla-hi rabbil-a-lameen,
Wassalatu wassala-mu ala ashrafil
anbiya-e wal mursaleen nabiyunaa Muhammad
wa ala a-lihi wa asha-bihi ajma-een. (amma-ba’ad…)
(Ang lahat ng pagpupuri at pasasalamat ay para sa Allah Subhaanaho wa Ta’āla
ang Panginoon ng sanlibutan, at ang Pagdarasal at ang pagbati ng kapayapaan nawa’y mapasa-pinakamahusay sa lahat ng mga Propeta at mg Sugo, ang ating Propeta Muhammad Sallallaho ‘alaihi wa sallam at sa lahat ng kanyang pamilya at kamag-anak, at sa kanyang mga sahabah o kasamahan at sa lahat ng mga taong sumunod sa kanyang kabutihan.)
“Ilahad ang ikalawang bahagi ng paksa o sermon “
>Ang ikalawang bahagi ng paksa o sermon…"
Mga kapatid sa Islam, gaano ba kahalaga ang tamang pagkilala sa ating Dakilang Lumikha?
Bakit lagi na lamang ito ang pangunahing aral ng mga propeta?
Ang mga kasagutan ng katanungang ito ay halos napaloob sa hadith qudsi na ito na
naiulat ni Anast na sinabi ng Propeta Muhammad (saws):
“Sinabi ng Allah: O anak ni Adam, hangga’t ikaw ay nananawagan sa Akin at humihingi sa Akin, ikaw ay Aking papatawarin sa anumang bagay na iyong nagawa na pagkakasala at ito ay hindi Ko isasa-isip. O anak ni Adam, maging ang iyong kasalanan ay umabot sa ulap ng kalawakan at hingin ang Aking kapatawaran ay papatawarin kita.
O anak ni Adam, kung ikaw ay papunta sa Akin na may pagkakasalang kasinlaki ng mundo at pagkatapos, ikaw ay humarap sa Akin na hindi mo Ako ipinagtatambal, ikaw ay Aking pagkakalooban ng kapatawarang kasinlaki nito (kasinlaki ng mundo o kasindami ng kasalanang nagawa ng tao).”
-mula sa salaysay ni Imam Tirmidhi.
Kaya mga kapatid sa Islam, sino pa kaya ang hihigit sa isang tao na pinangakuan ng kapatawaran sa kanyang mga nagawang kasalanan kapag siya ay nanumbalik sa dakilang lumikha? Ito ay makakamtan ng bawat isa sa atin kapag tama ang ating pagkilala at kasunod nito ay hindi natin Siya pagtambalan sa pagsamba. Nawa’y ibilang tayo ng Allah sa mga tao na magkakamit ng Kanyang kapatawaran at nawa’y manatiling baon natin ang tamang pagkilala sa Kanya, dito sa mundo hanggang sa Huling Araw. Ameen.
9.PAGKATAPOS SA KARUGTONG NG PAKSA AY BANGGITIN ANG MGA SUMUSUNOD BILANG PAGTATAPOS NG SERMON:
fayaa iba-dallah, salluo alaa nabiy-yukum, fa innallaha ta’ala
amarakum bidha-lik haythu qaal:
( innalla-ha wa mala-ikatahu yussalluona alannabiy, yaa ayyuhalladheena a-manuo
salluo alayhi wa sallimuo tasleemaa). -al-ahzaab:56
O mga alipin ng Allah, iparating ninyo ang inyong pagbati at panalangin ng biyaya
para sa inyong Propeta, tunay na iyan ay inutos sa inyo ng Allah Subhaanaho wa Ta’āla, ang sabi ng Allah Subhaanaho wa Ta’āla, sa kahulugan nito sa ating wika,
(Katotohanan, ang Allah at ang Kanyang mga anghel ay nagpapaabot ng kanilang Salah sa Propeta Muhammad Sallallaho ‘alaihi wa sallam (Ang Salah ng Allah para sa kanyang Propeta ay ang Kanyang pagpupuri at Habag, at ang Salah naman ng Kanyang mga anghel para sa Propeta Muhammad Sallallaho ‘alaihi wa sallam ay ang kanilang panalangin at paghingi ng kapatawaran para sa kanya (Muhammad Sallallaho ‘alaihi wa sallam ).
O mga sumasampalataya! Iparating ninyo ang inyong Salah (pagbati ng Salam at panalangin ng biyaya para sa Propeta Muhammad Sallallaho ‘alaihi wa sallam) sa kanya at batiin n’yo siya ng Taslim (Assalamo ‘alaikom wa rahmatullah).
Alla-humma salli alaa Muhammad wa alaa a-li Muhammad
kamaa sallayta ala Ibraheem, wa alaa ali Ibraheem
innaka hameedun majeed,
Alla-humma baarik ala Muhammad wa ala a-li Muhammad
kamaa baarakta ala Ibrahim, wa alaa ali Ibraheem
innaka hameedun majeed
O Allah! Iparating mo ang iyong Salah kay Muhammad at sa pamilya ni Muhammad,
katulad ng pagparating mo ng iyong Salah kay Ibrahim at sa pamilya ni Ibrahim,
Tunay na Ikaw ang Kapuri-puri, Ang Maluwalhati.
O Allah! biyayaan mo si Muhammad at ang pamilya ni Muhammad,
katulad ng pagbiyaya mo kay Ibrahim at sa pamilya ni Ibrahim,
Tunay na Ikaw ang Kapuri-puri, Ang Maluwalhati.
Warda anil khulafaa-erraashideen abi bakr wa umar wa uthman wa ali
wa an baqiyyati as haabi rasuolillahi sallallaahu alayhi wa sallam.
At kalugdan mo ang mga Khalifah, (ang mga napatnubayang mga namumuno sa Muslim Ummah pagkatapos sa Propeta Muhammad Sallallaho ‘alaihi wa sallam )
na sina Abi Bakr at ‘Omar at ‘Othman at ‘Ali at ang iba pang natirang sahabah
o kasamahan ng Sugo ng Allah Sallallaho ‘alaihi wa sallam wa qaala rabbukumud-uonee astagib-lakum.
Ang sabi ng inyong Panginoong Allah Subhaanahu wa Ta’āla,
ادعوني أستجب لكم
{Manawagan kayo sa Akin at Didinggin ko kayo}
10. PANALANGIN SA ALLAH:
اللهم اغفر للمسلمين والمسلمات، والمؤمنين والمؤمنات، الأحياء منهم والأموات
Allaahummagfir lil-muslimeena wal-muslimaat,wal-mu’a mineena wal-mu’minaat,
al-ahyaa-e minhum wal-am waat,
(O Allah! Patawarin mo ang lahat ng mga Muslim na kalalakihan at kababaihan,
at ang lahat ng mga Mu’min na kalalakihan at kababaihan, ang mga buhay pa at ang mga patay na mula sa kanila.)
و دمر اعداء الدين. اللهم اعز الإسلام والمسلمين و اذل الشرك والمشركين
Allahumma a’izal islaama wal muslimeena wa adhilla shirka wal mushrikeen,
wa dammir a’adaa addeen.
O Allah! Gawin mong mapanagumpay ang Islam at ang mga Muslim at matalo ang Shirk o pagtatambal at ganun din ang mga taong mapagtambal, at lipulin mo ang mga kalaban ng Iyong Deen (o Relihiyon.)
يا ارحم الراحمين. اللهم انصر الإسلام والمسلمين، يا عزيز يا غفار
Allaahumman-suril islaama wal muslimeena, yaa azeezu yaa ghaffaar,
yaa arhamarraahimeen.
O Allah! Tulungan mo ang Islam at ang mga Muslim,
O Ikaw na Makapangyarihan sa lahat, O Ikaw na Mapagpatawad,
O Ikaw na pinakaMahabagin sa lahat nagpapakita ng Habag.
{ربنا آتنا في الدنيا حسنة وفي الآخرة حسنة وقنا عذاب النار}
Rabbanaa aatinaa fiddunyaa hasanatan wa fil-aakhirati hasanatan
wa qinaa azaabannar.
Aming Panginoong Allah, pagkalooban mo kami sa mundong ito
at sa kabilang buhay ng kabutihan, at iligtas mo kami sa parusa sa apoy ng Impiyerno.
{ربنا لا تزغ قلوبنا بعد إذ هديتنا وهب لنا من لدنك رحمة إنك أنت الوهاب}
Rabbana laa tuzigh quluubana ba’da idhadaytana wa hablana milladunka rahma innaka antal wah-haab.
O aming Panginoong Allah, huwag mong hayaang lumihis ang aming mga puso
pagkatapos ng paggabay Mo sa amin, at sa halip ipagkaloob Mo sa amin ang habag Mo mula sa Iyo, tunay na Ikaw ang Mapagbigay.
وآخر دعوانا أن الحمد لله رب العالمين.
Wa aakhir da’awaanaa anilhamdu lillaahi rabbil-aalameen.
At huling panalangin namin ay ang lahat ng pagpupuri at pasasalamat ay para sa Allah Subhaanaho wa Ta’āla ang Panginoon ng sanlibutan.
11. WAKAS NG KHUTBAH AT PAGTAYO SA PAGDARASAL:
Wa aqimissalaata innassalaata tanhaa anil fahshaa-e wal munkar wala dhikrullaahi akbar wallaahu ya’alamu maa tasna-uon.
At itayo ang pagdarasal, tunay na ang pagdarasal ay makakapigil sa inyo
mula sa paggawa ng anumang uri ng Al-Fah-sha’ (lahat ng bagay o gawain na ipinagbabawal) mga malalaswang mga gawain at sa masasama at maling mga gawain, pinapayuhan Niya kayo harinawa’y upang kayo ay makaalaala.
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>ALLAHU-AKBAR!
Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.