Tanong at Sagot
Tanong: Kapag huminto ang regla ng isang babae sa oras ng “Asr or Isha”, pagsasamahin (1)* ba niya ang dhuhr at “asr o ang magrib at ang “isha” yaman din lamang na ang mga salah na ito ay naipagsasama?
Sagot: Kapag huminto ang regla ng isang babae (2)** o ang kanyang nifas (3)*** sa oras ng ‘asr,
Read more: Tanong at Sagot: Paghinto ng Regla sa oras ng Asr o Isha....
Ang Karapatan ng Babae para Maghanap-buhay
Katulad ng nakasaad sa itaas, Ang Dakilang Allah ay nilikha ang lahat ng tao sa isang lalaki at babae at binigyan sila ng likas na pagmamahal at pag-aalaala sa bawa't isa (sa kanila) upang magtulungang bumuo ng pamilya at ugnayan ng mga pamilya. Makikita natin sa kalikasan na ang Dakilang Allah ay nagbigay sa bawa’t uri ng mga lalaki na mas malakas na puwersa at pagbabata upang mangibabaw sa ibang larangan at makahanap ng panustos na pagkain at kaligtasan ng kanyang kauri, habang ang kauring babae ay pinagkalooban ng kompletong bahagi para magkaroon na anak para ingatan at palakihin niya.
Ang Kababaihan bilang mga Kamag-anak at Kapit-bahay
Ang batas sa pangkalahatang karapatan na saklaw ng Islamikong kapamahalahan para sa mga babae ay katulad din ng sa mga kalalakihan. Ang pagmamalasakit sa kapakanan ng madla at ang damayan at pagtutulungan sa isa't isa ay ang tatak ng Islamikong pamayanan. Ang Propeta (r) ay nagsabi:
“Ang pagkakatulad ng mga mananampalataya sa kanilang pagmamahal, kabaitan, pangangalaga sa isa't isa ay parang iisang katawan; kung ang isang bahagi ng katawan ay maysakit, ang buong katawan ay nakakaramdam ng sakit at ang tao ay nananatiling gising magdamag. " (Muslim & Ahmed)
Read more: Ang Kababaihan bilang mga Kamag-anak at Kapit-bahay
Ang Kababaihan Bilang Mga Ina
Ang Allah, ang Mapagpala, ay paulit-ulit na binigyan ng diin ang pangkalahatang karapatan ng mga magulang at ang partikular na karapatan ng ina.
Ang Dakilang Allah ay nagsabi:
“At ang iyong Panginoon ay nag-uutos na huwag kayong sumamba sa iba pa maliban sa Kanya, at kayo ay maging masunurin sa inyong magulang. At kung sa inyong buhay, kung ang isa sa kanila o silang dalawa ay sumapit na sa matandang gulang sa (panahon) ng iyong buhay, huwag kang mangusap sa kanila ng isa mang salita ng kalapastanganan, gayundin ay huwag manigaw sa kanila, datapwa’t ikaw ay mangusap sa kanila sa paraang marangal. ” (Qur’an 17:23).
Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.