☆ ANG KASAYSAYAN NG EID UL ADHAA' ☆
(Pagdiriwang ng Sakripisyong Alay)
Maaring ang mga Kristianong mambabasa ay magulat sa sandaling matunghayan nila ang KATOTOHANAN na ang batang i-aalay ni Propeta Abraham (Alayhis Salam) ay si Ismail at taliwas sa doktrina ng aral ng mga kristiano na ang batang yaon ay si Isaac.Ang mga ebidensiya at pagpapatunay na ang bata ay si Ismail (at hindi si Isaac) ay matutunghayan mismo sa paglalarawan ng biblia na kanilang binabasa.
Isang kaganapang libo-libong taon ang lumipas,ang mga makatotohanang pangyayari ay hindi naikubli at mababakas sa mga isinulat ng mga nagsalin ng biblia. Pasin-tabi po at mawalang galang na po, upang bigyan ng puwang ang isang salaysay na nagmula sa mga pahina ng Malualhating Qur'aan.
Bismillah Ar-Rahmanir-Raheem. Dalawa ang pinakamahalagang pagdiriwang ng mga muslim sa loob ng isang taon,ito ay ang mga sumusunod, Ang Eid ul Fitr (Sa pagtatapos ng Banal na buwan ng Ramadhaan) at Eid ul Adhaa' (Banal na araw ng Pagsasakripisyo at Pag-aalay ng kakataying hayop ) Ang kauna-unahang pag-aalay ng hayop ay naganap at isinakatuparan ni Propeta Abraham (Alayhis Salam) sa kanyang panahon.
Ang kasaysayang ito ng Eid ul Adhaa' ay pag-aalaala sa katapatan ni Propeta Abraham kay Allah Azza wa Jal,
na kung saan siya ay inutusan ni Allah Azza wa Jal sa isang panaginip na muling itayo ang mga pundasyon ng Sanktuaryo ng Ka'abah,
Ang Hajr al Aswad,
Ang pinaka Sagradong Dambana ng mga Muslim sa Makkah (Saudi Arabia) at kung saan ang mga muslim ay humaharap dito sa oras ng mga gawaing pagsamba ( Salaat). Sa mabilis na pagtalima ni Propeta Abraham (AS) sa panawagan ni Allah,siya ay nagtungo sa Makkah kasama ang kanyang asawang si Hagar at anak na panganay na si Ismail.
Sa panahong yaon ang Makkah ay hindi kakikitaan ng buhay,bukod sa tuyot at tigang na lupa ay walang nabubuhay na puno sa lugar na yaon.Batid ni Propeta Abraham (as) na ang lugar na ito ng Makkah sa panahong yaon ay magdudulot sa kanila ng matinding paghihirap.
Gayun pa man si Propeta Abraham (as) ay buong pusong nanambitan at nagtiwala ng walang reklamo sa kautusang ito ni Allah Azza wa Jal.
Sa isang banal na panaginip ni Propeta Abraham (as),
nakita din niya na iniaalay niya ang kanyang panganay na anak na si Ismail para sa kaluguran at kapakanan ni Allah,
Nuong ito ay ipinagtapat ni Abraham sa kanyang anak na si Ismail,ang bata ay nagtanong sa kanyang ama na..Ito po ba ay ipinag-utos sa inyo ng Allah? Oo,
ang sagot ni Abraham sa anak na halos madurog ang kanyang puso,
ngunit nanaig sa kanya ang katapatan kay Allah Azza wa Jal at sa mga ipinag-uutos sa kanya.
Sa oras na i-aalay na ang kanyang pinakamamahal na anak na si Ismail (at nakahanda ng kitlin ang buhay ng kanyang anak na panganay),
ay isang himala ang naganap na simbilis ng kisap-mata,
si Ismail ay nahalihan ng isang maamo at matabang tupa.
At ito ang kinatay at isinakripisyong-alay na tunay ni Propeta Abraham (as). Makikita natin sa tagpong ito ang tunay at dalisay na katapatan ni Propeta Abraham kay Allah Azza wa Jal na tumatalima sa mga ipinag-uutos sa kanya ng Allah,maging ito man ay magdudulot sa kanya ng kahirapan. Nuong makita niya sa simula ang kalagayan ng Makkah ay hindi siya nagreklamo at walang tutol sa Lumikha,kahima't nakikita niya na ang lugar ng Makkah sa panahong yaon ay kawalan ng buhay dahil sa tuyot at tigang na lupa at ang pinakamatinding pagsubok sa kanya ay nuong utusan siya na ialay na sakripisyo ang kanyang pinakamamahal na panganay na si Ismail.
Ang Pagtalima,Pagsunod at pagpapailalim sa kautusan at kalooban ng Allah Azza wa Jal ay tunay na katangian ng isang matuwid na Muslim.
Maluwalhating Qur'aan (Surah An-Nahl :120-121)
120. Katiyakan, si Ibrahim (as) ay isang pinuno ng kabutihan at masunurin na nagpapasailalim sa kagustuhan ng Allah, na hindi siya lumilihis sa Relihiyon ng Islam, naniniwala sa Kaisahan ng Allah na hindi siya sumasamba ng iba bilang pagtatambal sa Allah,
121. Na siya ay nagpapasalamat sa mga Biyaya ng Allah sa kanya, pinili siya ng Allah sa Kanyang mensahe at itinuro sa kanya ang Matuwid na Landas na ito ay ang Islam.
-Tinipon ni: Abdul Aziz Tim Mirabueno
Tanong at Sagot
Tanong:
Kapag nakalimot ang isang tao at nakapagsalita habang nasasagawa ng salah, nawawalan ba ng saysay ang kanyang salah?
Tanong at Sagot
Tanong:
Ano po ang hatol sa sabay-sabay na pagbigkas ng mga dhikr pagkatapos ng salah tulad ng ginagawa ng iba? Ang sunnah po ba ay bigkasin nang may tunog ang dhikr o bigkasin nang mahina?
Tanong at Sagot:
Tanong:
Ano po ang hatol sa sabay-sabay na pagbigkas ng mga dhikr pagkatapos ng salah tulad ng ginagawa ng iba?
Tanong at Sagot:
Tanong:
Maaring maganap ang solar eclipse (eklipse sa araw) pagkatapos ng `asr, kaya issagawa rin ba ang salatul kasoof pagkatapos ng `asr, samantalang bawal magsagawa ng salah pagkatapos ng `asr.
Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.