NG MGA KWENTO NG MGA PROPETA

Isininalin sa wikang Tagalog ni Bro. Homer (Omar) Impas

Pagpapasalamat 

Assallahmualaykum Warahmatullahi Wabarakahtuh, ang lahat ng papuri ay aking inihahandog sa dakilang lumikha na Siya si Allah (Subhanawataallah) . Ang pinakamahabagin, pinakamawain at bukod tanging sa lahat. Siya ay hindi ipinanganak at hindi nanganak. Ang kanyang angking kapurihan at kaluwalhatian ay walang hangganan na hindi tulad ng mga iniwawangis sa kanya na mga tao walang kaalaman sa dakilang lumikha. Ang patnubay mo oh Allah (Subhanawataallah) ay aking hinihiling upang ang aklat na ito ay maunawan at tumalima sa kanilang mga puso. Pagbugksan mo nawa ang aming mga puso’t isipan upang sa gayon ikaw Allah (Subhanawataallah)  ang manirahan at manatili sa amin ang iyong awa. Kalungdan mo nawa ang kahuli-hulihang Propetang isinugo nasi Propeta Muhammad (pbuh) na nagdala at nag bigay ng mabuting balita at pag-asa sa mga tao naliligaw ng landas.
Ang pangalawang pasasalamat ay aking inihahandog sa aking Magulang, Kapatid, at Kapatid sa pananampalatayang Islam. Nawa ay patunubayan mo sila at sa relihiyon Islam.
At ang Panghuli ay aking inihahandog ang pasasalamat kay Shiek Saminodin Manshawie na walang humpay na pagpapatuloy ng pagpapalaganap ng mabuting balita mula sa iyo Allah (Subhanawataallah). Naway gabayan mo kaming lahat tungo sa iyong kaharian at sa buhay na walang hanggan. Assallahmulaykum.

Sanggunian:

Para sa inyong kalaman ito ay batay sa libro ni Ibn Kathir, ito ay isinalin ni Bro. Homer ( Omar ) Impas sa wikang tagalong sa pamatnubay ni Imam, Shiek Saminudin Manshawi sa kanyang ospisina sa Al hasa Islamic  Center na matatagpuan sa hofuf sa Kingdom ng Saudi Arabia.

Panimula

Ang Dakilang Lumikha:  Ayon sa makatuwirang pananampalataya bago pa man tayo nilikha sa mundo ito mayroon kailangan lumikha sa atin. Maharahil sa makatuwirang pananampalataya na kailangan paniwalaan na ang lumikha sa atin ay walang katapusan at walang hagganan ang kanyang
kapangyarihan at walang kapantay ang dakilang lumikha sa atin.  At ang pambihirang katangian na ito ang tanging inihayag sa banal na Qur’an na ang tawag ay Allah (Subhanawataallah) ang Diyos, Ang nag iisang pinakamataas natatanging dapat sambahin.
Si Allah (Subhanawataallah) ang pinakamakapangyarihan ay nag salaysay ng kanyang sarili:
Siyah si Allah, La ilaha illa Huwa (Walang ng iba pang Diyos na karapat-dapat pagukulan ng pagsamba maliban sa Kanya), ang lubos na Nakakaalam ng mga nakalingid at lantad. Siya ang pinakamahabagin, ang pinakamaawain. Siya si Allah, Lailaha illa Huwa (Wala ng iba pang Diyos na karapat-dapat pag ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya ), ang Hari, ang Banal, ang Perpekto ( Walang Kasahulan at Kapintasan ), ang Tagapagbigay ng Kapanatagan , ang Tagapagbantay ( sa lahat ng Kanyang nilalang ), ang pinakamakapangyarihan, ang Tagapagsunod, ang Kataas –taasan. Luwalhatiin si Allah! (Higit Siyang) mataas SA lahat ng kanilang iniaakibat Na mga katambal SA Kanya. Siya si Allah, ang Manlilikha, ang Pinagmulan ng lahat ng bagay, ang Tagapagkaloob ng mga Hubog. Siya ang nag aangkin ng lahat ng Kapangyarihan, ang Tigib ng Karunungan. (Qur’an 59:22-24)
At nang si Allah (Subhanawataallah) ang pinakamataas sa lahat ay nagpasya na ang mundo, araw, planeta, bituin at kalawakan – ito ang mga bagay na ating nalalaman at di nalalaman.
 Katotohanang kung Siya ay magnais (na gumawa) ng isang bagay, ang Kanyang pag-uutos lamang ay:
“Mangyari nga” At ito ay magaganap. ! (Qur’an 36:82).
At sa paraan ng kanyang paglikha,ay di natin alam maliban sa ito ihayag ni Allah ( Subhanawataallah ) ,na ang Kanyang nilikha na kalangitan at ang mundo at ang kalawakan pagitan nito sa loob ng anim na araw.
Si Allah ( Subhanawataallah ) ay nagsabi : Si Allah ( Subhanawataallah ) ang Siyang naglikha ng kalangitan ang kalupaan , at ang lahat ng kalawakan sa pagitan nito sa loob ng anim na araw.
Si Allah (Subhanawataallah) ang pinakamahabagin ay Naghayag ng Kanyang Sarili. “Si Allah ang lumikha ng kalangitan at kalupaan at lahat ng nasa pagitan nito sa anim na Araw” (Qur’an 32: 4)
At ang mga bagay na ito ay kalkulado ni Allah (Subhanawataallah) Sa loob ng anim na araw ng kanyang kapamahalaan. Ito ay hindi ordinaryong araw na katulad ng araw natin sa mundo, na mabibilang natin  tulad ng pag-ikot ng mundo sa orbito sa loob ng isang araw , at ang ang pag-ikot ng mundo sa araw sa loob ng isang taon. Marahil ang anim na araw na ito ay katumbas ng libong taon, o marahil milyon siglo, nasa ating kalkula ngayon, o kaya ay higi’t kumulang pa, Ito marahil ay kakaiba sa pagtaya ni Allah
(Subhanawataallah).
Si Allah (Subhanawataallah) ay nagsabi na Siya ang lumikha ng kalangitan, Ng Mundo, at lahat ng bagay sa loob ng anim na araw. At iniluklok niya ang kanyang sarili sa kanyang trono sa sansinukuban. Ang lahat ay sumusuko sa kanyang kapamahalaan; Ang ang lahat ay utang natin sa kanya; at ang lahat ay nag papatirapa at pamimitagan kay Allah (Subhanawataallah). Siya ang may kapangyarihan sa lahat ng bagay at sa lahat ng mga na ngangailan sa Kanya.Siya ay hindi nangangailangan. Bagkus ang lahat ay nangangailangan sa Kanya. Ang lahat sa Kanya ay kompleto.
Si Allah (Subhanawataallah) ang nagsagawa ng bagay. Ang Kalawakan ay nilikha at nagpatirapa sa Kanya na simbolo na ang lahat ng bagay ay nangangailangan ng kanyang sustento at sumusuko sa kanyang kapamahalaan.

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top