Ang ganitong paniniwala ay hindi makikita sa anumang rebelasyon na nagmula sa Diyos. Kaya naman, ang Kristiyanismo ay walang katibayan tungkol dito maging sa Bibliya. Ang walang pagkiling na pagsisiyasat sa mga turo ni Hesus ayon sa Injeel (Ebanghelyo) ay tiyak na makikita na ang pinakabuod na kanyang mensahe ay ang pag-aanyaya sa paniniwala sa Allah, ang pagtuturo na ang DIYOS ay walang kawangis sa Kanyang mga nilikha, Ang pagtuturo na ang lahat maliban sa Allah ay walang anumang katangiang pagka-Diyos at nagtuturo na ang Allah lamang ang karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba.
Kung ating babasahin ang mga nabanggit na mga talata sa Bibliya, (Lucas 24:18-19, Lucas 7:16, Mga Gawa 2:22, Juan 17:3, at Barnabas 1:94), tunay na ang mga sinasabi namin ay pawang katotohanan na walang pag-aalinlangan. Bukod pa rito, ang Kristiyanismo ay nagpapalagay na ang Diyos ay may tatlong persona na magkakapantay: Ang Ama (ang una) ang Anak (ang pangalawa) at ang Espiritu Santo (ang ikatlo).
Ito ay malayo sa katotohanan, sapagka't ang Kristiyanismo mismo ay naniniwala na ang Espiritu ay nagmula sa Ama at Anak. Samakatuwid, hindi maaring maging pantay sa pagiging walang simula ang tatlong persona kung ang ikatlo ay nagmula sa dalawang higit na nauna sa kanya. Gayundin naman, ang bawat isa sa kanila ay may sariling mga katangian nauukol lamang sa kanya na hindi maaring iukol sa iba. At ang Ama ay laging nasa unahan, kasunod niya ang anak at kasunod naman nito ang Espiritu Santo….

Ngunit kailanmana'y hindi ginawang baligtarin ang pagkakasunod-sunod ng Trinidad, halimbawa gawing una ang Espiritu Santo at ang anak ang nasa ikalawa at ang Ama ang nasa ikatlong antas. Ang ganitong pagkakasunod-sunod ay itinuturing nilang isang kawalang pananampalataya sa diyos at paglabag sa Relihiyon. Kaya't paano maging magkapantay ang mga ito? Gayon din, ang pagtawag na "Banal" na Espiritu Santo ay isa pang patunay ang hindi pagkakapantay.

5.) Ang paniniwalang si Hesus (as) ay ipinako at namatay sa krus.
Ang ganitong paniniwala ay pinabulaanan mismo ng Bibliya, sapagka't ayon na rin dito, ang taong ipinako ay isinumpa. Ayon sa Deuteronomio ang mababasa ay ganito: "Huwag ninyong pabayaang magdamag na nakabitin ang bangkay. Dapat siyang ilibing sa araw ring iyon, sapagka't sinumang ibinitin sa kahoy ay isinumpa ng Diyos, huwag ninyong abusuhin ang lupaing ibinigay sa inyo ng Panginoon ninyong Diyos." (Deuteronomio 21:23)
Ayon sa Ebanghelyo ni Lucas, binanggit na si Hesus ay iniligtas ng Allah mula sa masamang balak ng mga Hudyo, anupa't hindi nila naipako si Hesus. "Tumayo silang lahat at itinaboy siya sa labas ng bayan, hanggang sa taluktok ng burol para ibulid sa bangin. Datapuwa't, nagdaan siya sa kalagitnaan nila at umalis." (Lucas 4:29-30)
Ayon naman sa Ebanghelyo in Juan nabanggit ang ganitong talata:
"Dumampot sila ng mga bato upang siya ay batuhin, ngunit nagtago si Hesus at patalilis na umalis sa loob ng Templo". (Juan 8:59)
"Muli nilang pinagtangkaang dakpin siya ngunit hindi nila nahuli"
(Juan 10:39)
Ang ganitong mga talata at marami pang iba ay nagbibigay-diin na si Hesus ay pinangalagaan ng Allah laban sa sabwatan ng mga Hudyo. Karagdagan pa rito, mayroon pang ibang mga talatang nagpapatunay

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top