IPINAGBABAWAL NG BIBLIYA AT QUR’AN
ANG PAGKAIN NG BABOY AT DUGO
(ni: bro. ahmad erandio)
Quran 5:3. Ipinagbawal ng Allâh (swt) sa inyo ang pagkain ng ‘Maytah’ – na ito ay hayop na namatay na hindi nakatay sa tamang pamamaraan, at ipinagbawal din sa inyo na kainin ang dugong pinatulo mula sa kinatay na hayop; at gayundin ang laman ng baboy, at ang anumang kinatay bilang pag-aalay sa iba bukod sa Allâh.
Leviticus 11:7. At ang baboy na may biyak nga ang mga paa pero hindi naman ngumunguya; dimalinis ito para sa inyo. 11:8 Huwag ninyong kanin ang karne ng mga ito ni hipuin ang patay na katawan ng mga ito: dimalinis ang mga ito para sa inyo.
BAKIT MAY MGA TAONG KUMAIN NG BABOY SA LIBINGAN?
Isaiah 65:4. nagtatagpo sa mga libingan at nagpapalipas ng magdamag sa madidilim na lugar, na kumakain ng karne ng baboy, at may sabaw ng di-malinis na karne ang kanilang mga palayok.
Ang kasagutan ay simple lamang: natatakot sila sa mga tao na sumunod sa batas ng Diyos na wag kumain ng Baboy.
IPINADALA NI JESUS (AS) SA MGA BABOY ANG MGA DEMONYO?
Mateo 8:28. Pagdating ni Jesus sa lupain ng Gadara sa kabilang ibayo, sinalubong siya ng dalawang lalaking inaalihan ng demonyo, na galing sa mga libingan. Napakabangis nila kayat walang makadaan doon.
Mateo 8:29. Bigla silang sumigaw: “Ano ang kailangan mo sa amin, ikaw na Anak ng Diyos! Pumarito ka ba para pahirapan kami bago sumapit ang panahon?”
Mateo 8:30. Sa may di-kalayua’y maraming baboy na nanginginain. 8:31 Kaya hiniling sa kanya ng mga demonyo: “Kung palalayasin mo kami, ipadala mo kami sa mga baboy.”
Mateo 8:32. Sinabi ni Jesus sa kanila: “Umalis kayo.” Kaya pagkalayas ng mga demonyo’y pumasok ang mga ito sa mga baboy at hayun! nahulog sa bangin ang lahat ng baboy papuntang dagat, at nalunod na lahat.
BAKIT PUMAYAG SI JESUS (AS) NA SA MGA BABOY IPADALA ANG MGA NAPASUKAN NG DEMONYO?
Ang kasagutan ay simple lamang: sapagkat hindi siya kumakain ng baboy na katulad ni Pro. Moses.
IPINAGBABAWAL ANG DUGO SA MGA MUSLIM, HUDYO AT KRISTIYANO
Quran 5:3. …at ipinagbawal din sa inyo na kainin ang dugong pinatulo mula sa kinatay na hayop
GALIT ANG DIYOS SA MGA KUMAKAIN NG DUGO
Leviticos 17:10. At kung may Israelita o dayuhang naninirahan sa piling nila na kumain ng dugo, haharapin ko ang kumain ng dugo at aalisin siya sa kanyang bayan.
Leviticos 17:11. Nasa dugo nga ang sigla ng kinapal, kaya ko ito ipinalalagay sa inyo sa altar para matubos ang inyong mga buhay; tinutubos ng dugo ang tao.
Leviticos 17:12. Kaya sinabi ko sa mga Israelita: Walang sinuman sa inyong kakain ng dugo, pati ang dayuhang nasa piling ninyo.
SI JESUS (AS) AY SUMUNOD SA MGA BATAS NI MOSES (AS) NA WAG KUMAIN NG BABOY AT DUGO?
Mateo 5:17. Huwag ninyong akalain na naparito ako para pawalang-bisa ang Batas at Mga Propeta. Naparito ako hindi para magpawalang-bisa kundi upang magbigay-kaganapan.
5:18 At talagang sinasabi ko sa inyo: habang hindi nababago ang langit at lupa, hindi mababago ni isang kudlit o kuwit ng Batas: lahat ay matutupad.
KUMAIN KAYO SA PAGKAIN NA HALAL (PINAHINTULOT) PARA SA INYO
Quran 2:168. O sangkatauhan! Kumain kayo mula sa mga biyaya ng Allâh (swt), na ipinahintulot sa inyo rito sa kalupaan -lahat ng malilinis, mabubuti at kapaki-pakinabang at hindi nakapipinsala.
At huwag ninyong sundin ang mga daan ni ‘Shaytân’ (Satanas) sa kanyang sariling pagpapahintulot at sa kanyang sariling pagbabawal, at sa pagsasagawa ng mga bid`ah (o pagbabago sa katuruan) at mga kasalanan.
AT SASABIHIN NILA: ANG SUSUNDIN NAMIN AY KUNG ANO ANG NAKAGISNAN NAMING GINAGAWA NG AMING MGA NINUNO?
Quran 2:170. At kapag sinabi ng mga naniwala sa mga naligaw ng landas bilang pagpapayo na: “Sumunod kayo sa ipinahayag ng Allâh (swt) na Qur’ân at patnubay,” magpupumilit pa rin sila na gayahin ang mga nauna sa kanila na mga ‘Mushrikin.’
Sinasabi nila: “Hindi kami susunod sa inyong ‘Deen,’ (Relihiyon) bagkus ang susundin namin ay kung ano ang nakagisnan naming ginagawa ng aming mga ninuno.
MAPAGMAPASALAMATIN KAYO SA ALLAH (SWT)
Quran 2:172. O kayong mga naniwala! Kumain kayo mula sa mga ipinahintulot (‘Halâl’) na masasarap na pagkaing ipinagkaloob ng Allâh () sa inyo. Huwag kayong tumulad sa mga taong tumanggi sa katotohanan, na ipinagbabawal (ang kumain ng) malilinis at pinahihintulutan (ang pagkain) ng mga marurumi.
At magpasalamat kayo sa Allâh (swt) sa Kanyang mga dakilang biyaya at kagandahang-loob na ibinigay sa inyo, sa pamamagitan ng inyong kalooban, mga bibig at buong katawan.