IPINAGBABAWAL SA QUR’AN AT BIBLIYA ANG ALAK

(ni: bro. ahmad erandio)

 

Quran 2:219. Tinatanong ka ng mga Muslim, O Muhammad (sas), kung ano ang batas hinggil sa mga nakalalasing na inumin, sa paggawa nito, sa pag-inom nito, sa pagbili at pagtinda nito.

Ang ‘Khamr’ ay tumutukoy sa lahat ng uri ng mga nakalalasing, nakasasara at nakasisira ng matinong pag-iisip – maging ito man ay isang uri ng inumin o pagkain.

Quran 5:90 O kayong mga naniwala sa Allâh at sumunod sa Kanyang Sugo! Katiyakan, ang ‘Al-Khamr’ na ito ay ang lahat ng mga nakalalasing na bagay na sinasarahan ang pag-iisip; Katiyakan, ang lahat ng mga bagay na ito ay kasalanang mula sa mga panghalina ni ‘Shaytân’ na kung kaya, layuan ninyo ang mga kasalanang ito nang sa gayon ay magtagumpay kayo ng ‘Al-Jannah’ (Hardin).

Katiyakan, ang lahat ng mga bagay na ito ay kasalanang mula sa mga panghalina ni ‘Shaytân’ na kung kaya, layuan ninyo ang mga kasalanang ito nang sa gayon ay magtagumpay kayo ng ‘Al-Jannah’ (Hardin).

Qur’an 5:91. Katiyakan, ang nais lamang ni ‘Shaytân’ ay pagandahin sa inyo ang mga kasalanan, upang pukawin ang inyong poot sa isa’t isa, at maglaban-laban kayo sa pamamagitan na mga nakalalasing na inumin.

AT KUNG HINDI MAGSISISI

Isinalaysay ni Ibn. Umar (raa) Sinabi ng Apostol ng Allah, "Sinuman ang umiinom ng mga inuming may alkohol sa mundo at hindi nagsisisi (bago mamatay), ay pinagkaitan nito sa Kabilang Buhay.“ [S. A. V.7 H. NO. 481]

AT NAKIPAG-USAP ANG PANGINOON KAY AARON AT SINABING WAG–IINOM NG ALAK?

Leviticus 10:8Kinausap ni Yawe si Aaron, sinabi niya: 9 “Bago ka pumasok sa Toldang Tagpuan, ikaw at ang iyong mga anak ay hindi iinom ng alak o anumang matapang na inumin, kung hindi’y mamamatay kayo. Ito’y isang kautusang pang­habampanahon para sa lahat ng iyong inapo.

WAG MAGLASING SA ALAK

Ephesians 5:18 Huwag kayong maglasing pagkat humahantong ito sa kahalayan; kundi punuin ninyo ng espiritu ang inyong sarili.

ANG PAG-IINUMAN, LASINGAN AY HINDI MAGMAMANA NG KAHARIAN NG DIYOS

Galatians 5:21 pananag­hili inuman, lasingan, at iba pang tulad ng mga ito. Muli kong sinasabi sa inyo ang sinabi ko na noong una, na hindi magmamana ng kaharian ng Diyos ang mga gumagawa ng mga bagay na ito.

BASTOS AT LASENGGO BABATUHIN HANGGANG MAMATAY

Deuteronomy 21:20 at sabihin sa mga matatanda Matigas ang ulo at rebelde ang anak naming ito, at hindi siya naki­kinig sa amin, bastos at lasenggo.

21:21 At babatuhin siya ng lahat ng lalaki ng kanyang lunsod hanggang mamatay. Kaya maaalis mo ang ka­samaan sa iyong piling. Maririnig ito ng buong Israel at matatakot.

ANG OBISPO AY MINSAN LAMANG IKINASAL AT HINDI LASENGGO

1st Timoteo 3:2  Dapat walang kapintasan ang obispo: minsan lamang ikinasal, may pagtitimpi, mahinahon, marangal, bukas ang taha­nan at nakapagtuturo. 3:3 Hindi lasenggo, hindi marahas kundi mabait, tahimik at di mukhampera.

MAHIGPIT DIN NA IPINAGBABAWAL NG DIYOS ANG PAGSUSUGAL

Quran 5:90at ‘Al-Maysir’ – ang pagsusugal na kasama rito ang lahat ng uri ng pustahan at ang katumbas ng lahat ng ginagawa na may pustahan sa magkabilang panig; at hinahadlangan ang mga tao sa pagpuri sa Allâh ().

Qur’an 5:91. Katiyakan, ang nais lamang ni ‘Shaytân’ ay pagandahin sa inyo ang mga kasalanan, upang pukawin ang inyong poot sa isa’t isa, at maglaban-laban kayo sa pamamagitan na mga nakalalasing na inumin, at paglalaro ng mga sugal; at ilalayo kayo sa pagpuri sa Allâh () at sa pagsa-’Salah’ dahil sa pagkasara ng inyong mga kaisipan sa pamamagitan ng pag-inom ng mga nakalalasing at sa walang kabuluhan na pagkakaabala ninyo sa pagsusugal; na kung kaya, itigil ninyo ang mga ito.

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top