ANG KATANGIAN NG DIYOS SA QUR’AN AT BIBLIYA

[ni: bro. ahmad erandio]

 

Qur’an 2:256 Dahil sa kaganapan ng ‘Deen’ (relihiyon) at sa mga malinaw na kapahayagan ay hindi na kinakailangan pang pilitin ang iba upang ito ay kanyang tanggapin. Dahil ang mga palatandaan nito ay malinaw na inihihiwalay ang katotohanan sa kamalian, patnubay mula sa pagkaligaw.

AYON SA MGA NAUNANG KASULATAN ANG DIYOS AY NAGPAHINGA

Exodus 31:17… anim na araw na ginawa ni Yawe ang langit at lupa, at nagpahinga siya sa ikapitong araw.”

ANG TUNAY NA DIYOS KAILANMAN AY HINDI NAPAPAGOD

Quran 50:38 At katiyakan, nilikha Namin ang pitong kalangitan at kalupaan at ang anumang nasa pagitan nito na iba’t ibang uri ng mga nilikha sa loob ng anim na araw, at hindi Kami kailanman napagod sa paglikha nito.

HANGGANG KAILAN MO AKO LILIMUTIN

Salmo 13:2. Hanggang kailan mo ako lilimutin, Panginoon? Habampanahon ba? Hanggang kailan mo itatago sa akin ang ’yong mukha? 13:3. Hanggang kailan ko didibdibin ang bigat ng aking kalooban.

ANG DIYOS AY WALANG ANUMANG NAKALILIGTAAN

Quran 20:52 Hindi nagkakamali ang Allâh () sa Kanyang Gawain at sa Kanyang mga Batas, at wala Siyang anumang nakaliligtaan sa lahat ng Kaalaman na nasa Kanya.”

HANGGANG KAILAN AKO HINDI MO PAKI­KINGGAN?

Habakkuk 1:2 Yawe, hanggang kailan ako pasasaklolo at hindi mo pakikinggan? Nagsusumbong ng karahasan at di ka nagliligtas.

DINIRINIG NG TUNAY DIYOS ANG PANALANGIN

Quran 14:39 Katiyakan, ang aking ‘Rabb’ ay dinirinig Niya ang panalangin mula sa sinumang nananalangin at walang pag aalinlangang nanalangin ako sa Kanya at kailanman ay hindi Niya ako binigo.”

ITATAKWIL NA BA TAYO NG DIYOS?

Salmo 77:8 “Itatakwil na ba tayo ng Diyos magpakailanman? Hindi naba niya tayo tatangkilikin?

77:9 Nasaid na ba ang kanyang pag-ibig at wala na, magpakailanman, ang kanyang mga pangako?

HUWAG KAYONG MAWALAN NG PAG-ASA

Quran 39:53 “Huwag kayong mawalan ng pag-asa sa Awa ng Allâh (); dahil kahit sa rami ng inyong kasalanan, katiyakan, ang Allâh () ay pinatatawad Niya ang lahat ng kasalanan ng sinumang nagsisisi at umiwas sa kasalanan kahit anuman ito.

YAWEH BUK­SAN MO ANG IYONG MGA MATA

2-Kings 19:16. Makinig ka, Yawe, at ako’y dinggin! Buksan ang iyong mga mata at tumingin! Pakinggan ang mga salitang ipinadala ni Senakerib para hamakin ang Diyos na buhay!

ANG TUNAY DIYOS ANG GANAP NA NAKAKAKITA

Quran 49:18. “Katiyakang ang Allâh (), Siya ang Ganap na Nakaaalam sa anumang lihim sa mga kalangitan at sa kalupaan at walang anumang bagay na maaaring ilihim sa Kanya, na ang Allâh () ang Ganap na Nakakakita sa inyong mga gawain at ayon dito kayo ay tutumbasan, na kung mabuti ay mabuti rin at kung masama ay masama rin.” 

GUMISING KA! BAKIT KA NATUTULOGOPANGINOON?

Salmo 44:24. Gumising ka! Bakit ka natutulog, O Panginoon? Bumangon ka! Huwag mo kaming itakwil magpakailanman.

ANG TUNAY DIYOS AY HINDI MAAARING MATULOG

Quran 2:255. Hindi Siya maaaring antukin at hindi rin Siya maaaring matulog. Ang lahat ng nasa mga kalangitan at kalupaan ay Siya ang Nagmamay-ari.

ILIGTAS SA PAMAMAGITAN NG KATANGAHAN

1-Corinto 1:21 Hindi kinilala ng mundo ang karunungan ng Diyos nang magsalita siya ng karunungan kaya minabuti ng Diyos na iligtas ang mga naniniwala sa pamamagitan ng katangahan ng ipinangangaral namin.

ANG DIYOS ANG GANAP NA MAALAM

Qur’an 43:84. Walang iba kundi ang Allâh (), Siya lamang ang Bukod-Tangi na ‘Ilâh’ (Diyos) na sinasamba bilang katotohanan sa kalangitan at sa kalupaan, at Siya ay ‘Al-Hakeem’ ang Ganap na Maalam.

MAS MALAKAS ANG KAHINAAN NG DIYOS KAY SA MGA TAO

1-Corinto 1:25 mas marunong ang katangahan ng diyos kay sa mga tao, at mas malakas pa ang kahinaan ng diyos kay sa mga tao.

ANG TUNAY NA DIYOS ANG PINAKAMALAKAS

Qur’an 22:40 Katiyakan, ang Allâh () ang ‘Qawee’ – Pinakamalakas na hindi nagagapi, na ‘`Azeez’ – Kataas-Taasan at Punong-Puno ng Karangalan na Ganap na Makapangyarihan na hindi natatalo.

MABUTING PAYO MULA SA TUNAY NA DIYOS

Quran 10:57. O sangkatauhan! Katiyakang mayroong dumating sa inyo na isang mabuting payo mula sa Allâh () na inyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha, na nagpapaalaala sa inyo hinggil sa kaparusahan ng Allâh.

ANG QUR’ÂN AY NAGBIBIGAY-LUNAS SA MGA SAKIT NG PUSO

Quran 17:82 At ibinababa Namin mula sa mga Dakilang Talata ng Kabanal-banalan na Qur’ân ang nagbibigay-lunas sa mga sakit ng puso na tulad ng pag-aalinlangan, pagkukunwari at kamangmangan, at nagbibigay-lunas din sa sakit ng katawan sa pamamagitan ng pagbigkas nito, at gayundin ang pagiging dahilan ng pagkakamit ng tagumpay at Awa ng Allâh () na nilalaman ang tamang paniniwala.

JAZAKALLAHU KHAIRAN

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top