ANG ISLAM AY RELIHIYON NI JESUS (AS) AT NG MGA PROPETA AT SUGO

(ni: bro. ahmad erandio)

 

 

Ang relihiyon ang siyang gabay kung paano tayo mamumuhay ayon sa batas ng Diyos subalit nararapat lamang na ating alamin kung gaano katotoo ang ating kinatayuang pananampalataya.

At kung bakit kailangan na alamin at siguruhin sapagkat ang pinaghandaan natin ay ang buhay na walang hanggan sa Paraiso na kungsaan kapag magkamali tayo ng pagpili ng Relihiyon mali din ang mamanahin ng ating mga anak at mga apo hangang sa pinaka huling salinlahi sa Araw ng Paghuhukom.

Kung pag-aralan natin ang ibat’ibang Relihiyon sa ngayon ating mapag-alaman na ang lahat ay gawagawa lamang ng tao ni hindi manlamang naisulat word for word sa alinmang Kasulatan ma Quran man o ma Bibliya.

TATLONG KATANUNGAN LAMANG UPANG MALAMAN KUNG TOTOO O HINDI ANG IYONG KINATAYUANG RELIHIYON

1. SINO ANG NAGTATAG NG IYONG RELIHIYON?

2. KAILAN ITINATAG ANG IYONG RELIHIYON?

 3. SAAN ITINATAG ANG IYONG RELIHIYON?

Ang tatlong katanongan ay napaka simple lamang subalit dito malalaman kung totoo ba o hindi ang iyong kinaanibang relihiyon

HALIMBAWA:

1. SINO ANG NAGTATAG NG IYONG RELIHIYON? --- Si Pedro!

2. KAILAN ITINATAG ANG IYONG RELIHIYON?      --- Mga 1970!

3SAAN ITINATAG ANG IYONG RELIHIYON?          --- Sa Manila!  

AT KUNG TATANUNGIN NATIN ANG MGA MUSLIM:

1. SINO ANG NAGTATAG NG IYONG RELIHIYON? --- Si Allah (swt)

2. KAILAN ITINATAG ANG IYONG RELIHIYON?      --- Sa simula ng likhain ni Allah (swt) ang kalangitan at kalupaan at ang mga nilalaman nito.

3. SAAN ITINATAG ANG IYONG RELIHIYON?       --- Sa Gitnang Silangan sapagkat dito nagsimula ang unang sibilisasyon taga rito sila si Adam, Noah, Abraham, Moses, David, Solomon, Jesus at Muhammad (snk)

Kung kaya imposible na ang totoong relihiyon ay magmula sa Manila at tatawid dito sa Gitnang Silangan?

PANGALAWANG KATANUNGAN: BAKIT MARAMING NAGSIPAGLABASAN NA MGA RELIHIYON?

Ang kasagutan ay simple lamang:

1. BECAUSE OF MONEY: Lahat ng founder ng ibat’ibang relihiyon ay yumayaman

2. BECAUSE OF POWER: Ang mga founder ng ibat’ibang relihiyon nililigawan sila ng mga Politiko sa panahon ng Eleksiyon at takot sila at hindi basta-bastang natatablan sa anumang kaso.

3. BECAUSE OF PRIDE: Kahit alam nilang hindi totoo ang kanilang itinayong relihiyon tuloy parin sakadahilanang ayaw nilang mawala ang paghanga ng mga naniwala sa kanila.

PAANO MALALAMAN ANG TOTOONG RELIHIYON?

KAPAG ANG NAGMAMAY-ARI NG IYONG RELIHIYON AY ANG DIYOS

Quran3:19. Katiyakan, ang ‘Deen’ (Relihiyon) na katanggap-tanggap sa Allâh () para sa Kanyang mga nilikha, na ito ang naging dahilan ng pagkakapadala Niya ng mga Sugo, at wala Siyang tatanggapin maliban (sa ‘Deen’ na) ito.

Ito ay ang Al-Islâm, ang pagsuko sa Kanya pagsuko sa Allâh () na Nag-iisa sa pamamagitan ngpagsunod at pagpapasailalim sa Kanya bilang pagsamba at pagiging alipin.

KAPAG ANG IYONG KINATAYUANG RELIHIYON AY RELIHIYON SA LAHAT NG MGA PROPETA AT SUGO

Qur’an 42:13. Ipinag-utos ng Allâh () sa inyo, O kayong mga tao, mula sa batas ng ‘Deen’ (o Relihiyon) na Kanyang ipinahayag sa iyo, O Muhammad (), na ito ay ang Islâm, na katulad ng Kanyang ipinag-utos kay Noah (), na ito ay kanyang sundin at ipalaganap, at ganoon din ang ipinahayag Niya kay Abraham (), Moises ) at Hesus () sila ang limang magigiting na mga Sugo.

KAPAG TUMATAWAG SA MAYLIKHA SA IISANG PANGALAN LAMANG MAGING ANUMANG LAHI, TRIBU AT KULAY

Qur’an 20:14. “Katiyakan, walang pag-aalinlangan, Ako ang Allâh ()! ‘Lâ ilâha illa Ana’ – walang sinumang diyos na sinasamba o bukod-tanging may karapatan at karapat-dapat lamang na sambahin bukod sa Akin, wala Akong katambal, na kung kaya, Ako lamang ang sambahin ninyo, at isagawa mo ang ‘Salâh’ bilang papuri at pagpapaalaala sa Akin.

AT KAHIT SA MGA NAUNANG KASULATAN IISA LAMANG ANG PANGALAN NG DIYOS

Zechariah 14:9 And the Lord shall be king over all the earth: in that day shall there be one Lord, and his name is one. (K.J.V.)

KAPAG MAY PANINIWALANG HINDI NAKIKITA ANG DIYOS

Qur’an 6:103. Ang Allâh () ay hindi maaarok ng lahat ng uri ng paningin, dito sa daigdig, subali’t sa Kabilang-Buhay ay makikita ng mga mananampalataya ang Allâh () na kanilang ‘Rabb’ na Tagapaglikha; at Ganap na Nakikita Niya ang lahat ng paningin at Nababatid Niya ito, at Ganap na Nakaaalam ng lahat ng bagay na kanilang tinataglay.

AYON KAY PROPETA JESUS (AS): ANG DIYOS KAILANMAN AY HINDI MAKIKITA

Juan 5:37. At nagpapatunay rin sa akin ang Amang nagsugo sa akin. Kailanma’y di ninyo narinig ang kanyang tinig ni nakita ang kanyang anyo.

KAPAG MAY PANINIWALANG HINDI TAO ANG DIYOS

Qur’an 112:4. “At kailanman ay walang maihahalintulad sa Kanya, sa Kanyang Pangalan, sa Kanyang mga Katangian at sa Kanyang mga Gawain, na luwalhati sa Kanya na Kataas-Taasan.”

AT KAHIT SA MGA NAUNANG KASULATAN ANG DIYOS AY HINDI TAO

Mga bilang 23:19 Hindi tao ang Diyos para magsinungaling, o anak ng tao para magsisi.

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top