HINDI SI HESUS ANG NAIPAKO SA KRUS KUNDI SI SIMON
(ni: bro. ahmad erandio)
Ang Krusipiksiyon ay pangkaraniwang pinaniwalaan ng mga hindi Muslim na ang bawat tao ay may minamanang kasalanan mula kay Adan at Eba.
Ang Paulinong Kristiyanismo ay batay sa Doktrinang Orihinal na Kasalanan sa paniniwalang ang tao ay likas na makasalanan.
SA RELIHIYONG ISLAM ANG MGA BATA AY ISINILANG NA WALANG BAHID NA KASALANAN
Kung kaya ang bawat tao ang siyang mananagot sa kanyang sariling kasalanan; ang sinumang gumawa ng hindi makatuwiran sa iba ay ipinahamak lamang ang kayang sarili.
ANG PAGPAKO SA KRUS AY PARUSA SA MGA TAONG NAGHIHIMAGSIK SA DIYOS
Quran 5:33. Ang kaparusahan sa mga naghimagsik laban sa Allâh (), at lantaran ang kanilang paghahamon ng labanan sa Allâh (), at sinasalungat nila ang batas ng Allâh () at batas ng Kanyang Sugo, at gumagawa sila ng mga kasamaan sa kalupaan sa pamamagitan ng pagpatay ng may buhay at pangangamkam sa mga pagmamay-ari ng iba.
Ang kaparusahan sa kanila ay kamatayan o di kaya’y pagpako sa kanila kasama ang pagpatay; o di kaya ay puputulin ang kanilang kanang kamay at kaliwang paa na magkabila.
SINO SI SIMON SA BUHAY NI HESUS (AS)
Mateo 13:55 Di ba’t siya (si Jesus) ang anak ng karpintero? Di ba’t si Maria ang kanyang ina at sina Jaime, Jose, Simon at Judas ang kanyang mga kapatid?
ALAM NYO BA KUNG SINO ANG MAY GUSTONG PUMATAY KAY HESUS (AS)
Marcos 14:55 Naghahanap ang mga punong pari at ang Sanggunian ng patotoo laban kay Jesus para maipapatay siya pero wala silang nakita.
Malinaw na walang planong magpakamatay si Hesus (as) para tubusin ang ating kasalanan kundi ang mga Pari at Hudyo ang may gustong pumatay kay Hesus (as).
TOTOO BA NA SI HESUS (AS) AY NAGPAKAMATAY DAHIL SA ATING KASALANAN
1. Paano sila Noah, Abraham, Moses, at ang mga taong nagdasal at humingi ng kapatawaran sa Dios sa kanilang kapanahunan ligtas ba sila sa Impyernong Apoy kahit wala pa si Hesus (as)
At bakit ni isa sa mga naunang mga propeta walang ni isang nagpa-papako sa Krus sa kanilang kapanahunan?
2. Paano ang mga taong nagkakasala sa ating henerasyon sa ngayon, kahalintulad ng mga mamamatay tao, nanggagahasa, magnanakaw, etc. subalit sila ay maypaniniwala sa Krusipiksyon ligtas ba sila sa Impyernong Apoy? ---
At kung hindi ligtas ang mga gumawa ng karumaldumal na kasalanan, anong saysay sa sinasabing Tinubos na ni Hesus (as) ang mga kasalanan?
3. Bakit ang mga Pari at Pastor sa ngayon laging nagtuturo na wag gumawa ng Kasalanan?
At kung totoong si Hesus (as) ay nagpakamatay upang iligtas tayo sa ating kasalanan, hindi na kailangang ituro pa ang pagsisisi sapagkat tinubos na ni Hesus (as) ang ating kasalanan.
PIRO ANG PINAKA KOTROBIRSIYAL SA LAHAT AY ANG KATANUNGAN NA GANITO: KUNG HINDI SI HESUS (AS) ANG NAIPAKO SA KRUS SINO SIYA
ALAM NYO BA KUNG SINO ANG NAGPASAN NG KRUS NI HESUS
Ang kasagutan ay si Simon at malamang si Simon ang naipako sa Krus hindi si Hesus (as)?
KATIBAYAN: NA SI SIMON ANG MAY DALA NG KRUS
Mateo 27:32 paglabas ng lunsod, nakita ng mga sundalo si Simon na taga-Cirene. pilit nilang ipinapasan sa kanya ang Krus ni Jesus?
Pinilit ng mga sundalo si Simon na pasanin ang Krus? kaya malamang na si Simon ang naipako sa Krus?
BAKIT SI SIMON ANG NAGBUHAT SA KRUS AT HINDI SI HESUS (AS)
Ang kasagutan ay binulag ng Diyos ang kanilang mga paningin! imbis na si Hesus (as) ang Ipako nila sa Krus si Simon ang napagkamalan nilang si Kristo at Ipinako! dahil pasanpasan nito ang Krus ni Hesus (as)
AT KINUMPERMA NG QUR’AN? ang sinabi sa Bibliya na pinalitan ng iba si Kristo at kanilang Ipinako!
Quran 4:157. At dahil sa kanilang sinasabi bilang pagmamayabang at pag-aalipusta: “Katiyakan, napatay namin ang ‘Al-Masih’ (ang Messiah) na si Hesus (as) na anak ni Maria – gayong sa katotohanan ay hindi nila napatay si Hesus () at mas lalong hindi nila ito naipako; bagkus ang naipako nila ay isang lalaki na kamukha niya dahil sa iniisip nilang ito ay si Hesus ().
MALINAW ANG NAKASAAD SA QUR’AN AT BIBLIYA NA SINABING ANG DIYOS AY GUMAWA NG KAPARIHA NI HESUS (AS) AT KANILANG IPINAKO
Sa relihiyong Islam mahal ni Allah (swt) si Hesus (as) kung kaya iniligtas siya sa kamay ng mga Pari at Hudyo sa pamamagitan ng paggawa ng kahalintulad ni Hesus (as).
Ang pagtanggap ng isang tao na si Hesus (as) ay namatay sa Krus ibig sabihin tanggap niya ang paratang ng mga Hudyo na si Hesus (as) ay isang taong makasalanan.
Ang sinumang sumang-ayon sa mga sinasabi ng mga Hudyo na napatay nila si Hesus (as) ibig sabihin siya ay maka Hudyo hindi maka Kristo.