PALATANDAAN NG HINDI TOTOONG RELIHIYON

(ni: bro. ahmad erandio)

 

1. Itinatag lamang ng isang matalinong tao at sa Pinas lamang nagsimula.

2. At hindi kailanman naisulat o na banggit word for word sa alinmang mga Kasulatan ma Bibliya man o ma Quran na ang kinatayuan niyang relihiyon ang siyang tunay na ipinadala ng Diyos, yan po ay hindi totoong relihiyon.

3. At kapag ang kanyang relihiyon ay hindi maaring maging Batas sa lipunan - nakahiwalay ang Civil Law at ang Relihiyon.

4. At kapag ang kanyang relihiyon ay hindi naniniwala sa lahat ng mga Propeta at Sugo ng Diyos.

Halimbawa: mula kay Adan, Abraham, Moises, David, Hesus at Muhammad (pbut).

5. Kapag ang kanyang relihiyon ay hindi naniniwala sa lahat ng mga Kasulatan

Halimbawa: Aklat ni Moses, David, Hesus (pbut) at sa iba pang kasulatan at Qur’an

6. Kapag ang iyong kinatayuang Relihiyon ay naitatag lamang matapos inakyat sa langit ng Diyos si Hesus (as)

7. At kapag ang iyong relihiyon ay pinahintulutan na ikasal ang lalaki sa lalaki at babae sa babae hindi po totoo ang kinatayuan nyo pong relihiyon (Leviticus 20:13)

Qur’an 11:74. …at iniligtas Namin siya mula sa pangyayari sa kanyang bayan na Sodom (Sadom) na ang naninirahan doon ay napakasama ang pag-uugali at gumagawa ng mga karumal-dumal na gawain. Katiyakan, sila dahil sa kanilang karumal-dumal at hindi katanggap-tanggap na gawain na kanilang ginagawa, na sa pamamagitan nito sila ay lumabag sa kautusan ng Allâh ().

8. KAPAG ANG IYONG KINATAYUANG RELIHIYON ANG PAGSAMBA AY KAHALINTULAD SA MGA PROPETA ATSUGO

Qur’an 48:29. …at mga maawain sa kanilang pakikitungo sa isa’t isa na makikita mo sila, na mga nakayuko, nakapatirapa sa Allâh () sa kanilang pagsasagawa ng ‘Salâh,’ (pagdarasal) na hinihiling nila sa Allâh () na kanilang ‘Rabb’ na Tagapaglikha ang Kanyang kagandahang-loob sa Kanya na sila ay papasukin sa ‘Al-Jannah’ (Hardin) at kalulugdan sila, at ganito rin ang kanilang katangian na nabanggit sa ‘Tawrah.’ [na Kasulatan ni Moises (as)] At ang kanilang katangian na nabanggit sa ‘Injeel’ (na “Ebanghilyo” ni Hesus.

At kahit sa mga naunang mga kasulatan mababasa rin natin na nilalapat ni Abraham (as), at Hesus (as) ang kanilang mga noo sa lupa.

Genesis 17:3 Nagpatirapa si Abraham (as).

Mathew 26:39 Nagpatirapa si Jesus (as).

9. KAPAG ANG MGA KABABAIHAN NILA AY NAGTATAKIP NG BUHOK AT HINDI NILANTAD ANG KANILANG KATAWAN SA MGA KALALAKIHAN

Qur’an 24:31. At sabihin mo rin sa mga mananampalatayang kababaihan na ibaba nila ang kanilang mga paningin sa anumang hindi ipinahintulot sa kanila na mga pribadong bahagi ng katawan, at pangalagaan nila ang kanilang mga pribadong bahagi mula sa anumang mga ipinagbawal ng Allâh (), at huwag nilang ilantad ang kanilang kagandahan sa mga kalalakihan kundi pagsumikapan nila na ito ay maitago maliban sa mga nakalantad na pananamit na nakasanayan na ito ay nakalantad na kasuotan, kung ito ay hindi nagdudulot ng anumang ‘fitnah’ (o panghahalina na makagawa ng kasamaan), at ibababa nila ang panakip ng kanilang ulo hanggang sa matakpan ang kanilang mga dibdib na natatakpan nito ang kanilang mga mukha; upang mabuo ang kanilang panakip,

At huwag nilang ilantad ang anumang kagandahan na nakatago maliban lamang sa kanilang mga asawa na mga kalalakihan; dahil maaari nilang makita mula sa kanila na mga asawa ang hindi maaaring makita ng iba.

AT KAHIT SA MGA NAUNANG MGA KASULATAN IPINAG-UTOS DIN ANG PAGTAKIP O BELO NG KANILANG MGA ULO

1st Corinto 11:5 At kapag nagdarasal o nagpopropesiya na walang belo ang isang babae, ipinahihiya niya ang kanyang ulo kung magkagayon, para na siyang nagpakalbo. 11:6 Ayaw ba ng babaeng magbelo? Magpagupit siya ng buhok. Ngunit kung nakakahiya sa babae ang magpagupit ng buhok o magpakalbo, magbelo siya.

Kung pag-isipan natin ng malalim; Imposible na ang totoong Relihiyon ipinadala ng Diyos noong 1914 o kaya 1970 o kaya 1980 lamang?

Paano ang mga namatay bago pa ang mga relihiyong ito na naitatag makailan lamang! Sorry nalang ba sila dahil hindi sila nakaabot sa relihiyon na itinatag ng matalinong Tao?

Katiyakan na mayroong nag-iisang Diyos at may nag-iisang relihiyon na ipinadala ng Diyos ang tao lamang ang gumawa ng maraming relihiyon sapagkat ang Relihiyon ay Money, Power and Pride.

Hindi kaya ang totoong Relihiyon ay nagmula sa Diyos at relihiyon sa lahat ng mga Propeta at Sugo?

At sa Gitnang Silangan   nagsimula sapagkat dito nagsimula ang unang sebilisasyon na sila si Adan at Eba at Noah, Abraham, Moises, David, Hesus at Muhammad (pbut)?

Hindi kaya ang totoong relihiyon ay Islam na ang ibig sabihin ay ang pagtalima at pagpapasakop sa kagustuhan ng Diyos?

At pinatibayan sa Dakilang Qur’an na ang Islam ay relihiyon sa lahat ng mga Propeta at Sugo ng Diyos?

Quran 42:13. Ipinag-utos ng Allâh (swt) sa inyo, O kayong mga tao, mula sa batas ng ‘Deen’ (o Relihiyon) na Kanyang ipinahayag sa iyo, O Muhammad (saws), na ito ay ang Islâm, na katulad ng Kanyang ipinag-utos kay Noah (AS), na ito ay kanyang sundin at ipalaganap, at ganoon din ang ipinahayag Niya kay Abraham (as), moises (as) at Hesus (as) sila ang limang magigiting na mga Sugo – na itayo ninyo ang ‘Deen’ (o Relihiyon) ng Kaisahan ng Allâh (SWT), pagsunod at bukod tanging pagsamba sa Kanya na wala nang iba, at huwag kayong magsalungatan sa ‘Deen’ na ipinag-utos sa inyo.

Ang mga nakasulat po sa itaas ay mga iilang palatandaan lamang sa mga hindi totoong relihiyon at kung ikaw po ay napasakop sa mga palatandaan na ito ikaw po ay nasa hanay ng mga talunan.

END OF THE TOPIC

JAZAKALAHU KHAIRAN

Please contact me if you want to know more or embrace Islam
Email. This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
fb ahmad erandio

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top