ALAM NI PROPETA DAVID (AS) ANG KABAH SA MAKKAH

(bro. ahmad erandio)

 

 

ANG UNANG TAHANAN NA ITINAYO PARA SA PAGSAMBA KAY ALLÂH (SWT)

Quran 3:96 Katiyakan, ang unang Tahanan na itinayo para sa sangkatauhan sa pagsamba sa Allâh ay ang nasa Bakkah. Ito ay punongpuno ng biyaya, at gabay sa Al-Alamin (mga tao at mga Jinn).

ANG KABAH AY ITINAYO NI PRO. ABRAHAM (AS) AT NG KANYANG ANAK NA SI ISMAEL (AS)

Ang Kabah na itinayo ni Propeta Abraham (as) at ng kanyang anak na si Ishmael (as) ay gawa mula sa piniling bato at pinatongpatong nila ito hanggang sa nabuo ang Bahay Dasalan na kungsaan tinawag ito ng mga Hudyo na Beth El (Bahay ng Diyos).

Walang sinumang propeta na hindi alam ang Kabah (Bahay Dasalan sa Makkah) sakatunayan kahit mismo si Propeta David (as) alam niya ang Kabah sa Makkah.

AT INUTUSAN NI ALLAH (SWT) SI PROPETA ABRAHAM (AS)

Na manawagan sa sangkatauhan upang bisitahin ang Kabah ang unang bahay dasalan sa Makkah.  

Quran 3:97 Dito, sa tahanang ito, ang malinaw na mga palatandaan na ito ay itinayo ni Ibrâhim (). Dinakila at pinarangalan ng Allâh (), kabilang (din sa dinakila at pinarangalan ng Allâh ) ay ang ‘Maqâm’ (Lugar) ni Ibrâhim ().

Na kung kaya, sinuman ang papasok sa lugar na ito ay iniligtas niya ang kanyang sarili at walang sinuman ang makapagpapahamak sa kanya.

At ipinag-utos ng Allâh () sa sinumang may kakayahan sa mga tao mula sa iba’t ibang lugar na magtungo sa Tahanang ito, upang isagawa ang mga alituntunin ng ‘Hajj.’

ANG MAKKAH AY NABANGGIT DIN NI PROPETA DAVID (AS) KAYA ALAM NIYA ANG KABAH

Ang banal na lugar na tinawag na Bakka, Makka at Mecca, hindi lamang sa Qur’an na banggit kundi gayon din sa aklat ni David (as).

Salmo 84:6 Mapalad ang mga lakas mo, sa puso nila’y ang daan patungong Sion. 7. Habang dumaraan sila sa LAMBAK NG BAKA, ginawa nilang bukal ito.

KUNG TITIGNAN NATIN ANG QUR’AN AT BIBLIYA MAGKAHALINTULAD ANG KATAWAGAN SA MAKKAH ANG KATAWAGANG BAKA

Halimbawa:

Qur’an 3:96 Katiyakan, ang unang Tahanan na itinayo para sa sangkatauhan sa pagsamba sa Allâh ay ang nasa Bakkah. Ito ay punongpuno ng biyaya, at gabay sa Al-Alamin (mga tao at mga Jinn) (Noble Qur’an).

Salmo 84:7. Habang dumaraan sila sa Lambak ng Baka, ginawa nilang bukal ito;

Psalm 84:6 Who passing through the valley of Baca make it a well; the rain also filleth the pools.

Ang nakasulat sa Salmo 84:7 patibay lamang na alam ni Propeta David (as), ang Makkah at ang Kabah at katiyakan ganoon din ang kanyang anak na si Solomon (as) at ang lahat ng mga Propeta at Sugo.

ANG BAHAY DASALAN NA HINDI NAGSASARA

ANG KABAH AY BUKAS SA ARAW AT GABI HANGGANG SA MAGDAMAG

At ang mga Muslim dumarating ng walang humpay upang sambahin si Allah (swt)

SI ALLAH (SWT) ANG MAY UTOS NA ANG MGA MUSLIM HAHARAP SA KABAH

Quran 2:144. Katiyakan, Aming nakikita ang pagbaling ng iyong mukha, O Muhammad () sa kalangitan nang paulit-ulit, dahil sa inaabangan mo ang pagbaba ng kapahayagan sa iyo hinggil sa ‘Qiblah.’ (Al-Qur’an Al-Kareem)

Walang pag-aalinlangan, ihaharap ka Namin mula sa ‘Baytul Maqdis’ tungo sa ‘Qiblah’ na kalugud-lugod sa iyo at ito ay sa ‘Masjid Al-Harâm’ sa Makkah, kaya’t iharap mo ang iyong mukha patungo roon.

At kahit saan man kayo naroroon, O kayong mga Muslim, at nais ninyong magsagawa ng ‘Salâh,’ ay humarap kayo sa ‘Masjid Al-Harâm.’ (Al-Qur’an Al-Kareem)

At walang pag-aalinlangan na ang mga pinagkalooban ng Allâh () ng kaalaman hinggil sa mga Aklat mula sa mga Hudyo at mga Kristiyano ay batid na batid nila ang hinggil sa paglipat ng ‘Qiblah’ patungo sa ‘Ka`bah’ (na nasa Makkah).

Tunay na ang tungkol sa bagay na ito ay nakatala sa kanilang mga Aklat. At hindi nakaliligtaan ng Allâh () ang ginawa nilang pagsasalungat at pagdududa, na samakatuwid ay tutumbasan ito ng Allâh () sa kanila.

Ang pagharap sa iisang deriksiyon sa pagdarasal ng mga Muslims ay ang unibersiyal na pamamaraan ng pagsamba Kay Allah (swt) at paniniwalang may nag-iisang Diyos at may iisang relihiyon lamang at yon ang Islam.

Qur’an 2:143 …At hindi Namin ginawa ang ‘Qiblah’ sa ‘Baytul Maqdis’ (Falisteen) na nakasanayan mo na harapan, O Muhammad (), at pagkatapos ay ibinaling Namin ang direksiyon nito patungo sa ‘Ka`bah’ na nasa Makkah,…

Qur’an 2:143 …kundi upang palitawin lamang kung sino ang tunay na susunod at magpapasailalim sa kautusang dala mo, na haharap kasama ka, sa ‘Qiblah’ na haharapan mo.

Qur’an 2:143 …At upang lumitaw din kung sino ang mahina ang ‘Eemân’ (Pananampalataya), na kung kaya siya ay babaligtad at tatalikuran niya ang kanyang ‘Deen’ dahil sa pagdududa at pagiging mapagkunwari.

Qur’an 2:143 …At katiyakang ang paglipat ng ‘Qiblah’ mula sa ‘Baytul Maqdis’ (Falisteen) patungo sa ‘Ka`bah’ ay magiging mahirap at mabigat para sa mga naligaw, subali’t magiging madali naman ito para sa mga pinatnubayan ng Allâh (). (Al-Qur’an Al-Kareem)

Qur’an 2:143 …At hindi binalewala ng Allâh () ang inyong paniniwala sa Kanya at ang inyong pagsunod sa Kanyang Sugo.

Ang bawat relihiyon ay mayroong sariling direksiyon sa pagsamba at sakatunayan nakaharap din ang mga hindi Muslim sa kanilang altar sa loob ng Simbahan na siyang direksiyon sa kanilang pagsamba.

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top