ANG TUNAY NA PANGALAN NG DIYOS

(ni: bro. Aahmad Erandio)

 

BAKIT MAY IBA’T IBANG KATAWAGAN ANG TAO SA DIYOS?

Noon paman, ang sangkatauhan ay may iba’t ibang katawagan at paniniwala sa nag-iisa at tanging Maylikha

BAWAT TRIBO NG BAWAT BANSA AY MAY KANI-KANYANG PAGTAWAG AT PAGSAMBA SA DIYOS

Subalit kung susuriin natin ang henerasyon ng mga propeta, ating matutuklasan na sila ay may iisang pangalan lamang para sa tunay at iisang Diyos at walang iba kundi ALLAH.

ANG PANGALANG ALLAH AY BAGO SA PANDINIG NG MGA IBANG MANAMPALATAYA

Isang katawagang maaaring bago sa pandinig ng ibang mga manampalataya sa ngayon, ngunit sa katotohanan ito ay hindi bago sa lahat ng mga Propeta at Sugo ng Diyos.

ANG WIKANG HEBREW, ARAMAIK AT ARABIK

Ang mga naunang Kasulatan ay naisulat ito sa wikang Hebrew, Aramaik at Arabik na tinaguriang ang mga semitikong lingguwahi na siyang ginagamit ng mga Propeta at Sugo ng Diyos.

AYON SA ENCYCLOPEDIA BRITANNICA 1980 EDITION

Si propeta Hesus (as) at ang ibang mga Hudyo ay tumatawag sa Diyos sa pangalang Allaha, Eli at Elah. Makikita ang pagkakahawig ng mga taguring ito sa kanyang tunay na pangalang Allah (swt).

ANG MGA TINATAWAG NA SEMITIKONG WIKA:

Ang Hebrew, Aramaik at Arabik ay nabibilang sa isang grupo ng wika at lahi, ang mga Semitikong wika ay nagmula kay Shem na anak ni propeta Noah. Bukod sa mga pangalang nabanggit, tinawag ding Adonai ng mga ibang Hudyo ang Maylikha.

ANG MGA PROPETA AT SUGO AY MAY IISANG KATAWAGAN LAMANG SA MAYLIKHA

Anuman ang kanilang wika o tribong pinagmulan sila ay may iisang katawagan lamang sa Maylikha, ang pangalang Allah (swt).

Halimbawa: si propeta Abraham (as) siya at ang kanyang mga anak na si Ismael (as) at Isaac (as) ay may iisang katawagan lamang sa tagapag likha kundi Allah (swt),

At ayon sa mga Muslim at Kristiyano isa sa mga lahing pinagmulan ng mga propeta ay nagmula kay propeta Abraham (as), at mula kay Abraham (as) isinilang si Isaac (as) at mula kay Isaac (as) isinilang si Jacob (as) at si Jacob (as) ay nagkaroon ng 12 anak na lalaki na tinaguriang ang labingdalawang angkan ni Israel (Jacob).

AT BAKIT TINAGURIANG “THE 12 TRIBES OF ISRAEL” ANG MGA ANAK NI JACOB (AS) SA BIBLIYA?

Paano ito nangyari?

Genesis 32:29 At sinabi ng lalaki: “Mula ngayo’y hindi kana tatawaging Jacob kundi Israel (na ang kahuluga’y Lakas ng Diyos) sapagkat nakipaglaban ka sa Diyos at sa mga tao, at ikaw ang nangibabaw.

Tandaan po natin si Jacob (as) ay anak ni Isaac (as) at si Isaac ay anak ni Abraham (as) na taga Ur na kabahagi ng Iraq (Genesis 11:31) at ang mga Iraqi tumatawag sa Maylikha sa pangalang Allah (swt) maging Muslim man o Kristiyano.

Kaya malinaw na ang lahat ng mga propeta at sugo magmula kay Adan, Noah, Abraham, Moses, David, Solomon, Jesus at hanggang sa huling Sugong si Muhammad (sumakanila nawa ang kapayapaan) ay tumatawag sa iisang pangalan lamang.

ANG MGA KAAWAY NG MGA PROPETA AY GUMAGAWA NG SARILING KATAWAGAN SA NAG-IISANG DIYOS

Subalit sa mga nagdaang henerasyon hanggang sa kasalukuyan ang mga kaaway ng mga propeta ay gumagawa ng sariling katawagan sa Maylikha kung kaya napakaraming pangalan o katawagan ang Diyos.

SAAN BA NAGMULA ANG SALITANG DIYOS? ITO AY NAGMULA SA GRIYEGO NA THEOS O ZEUS!

Nasalin ito sa katawagang Deus ng Latin at Dios ng Kastila, na naging Diyos sa Tagalog at iba pang wika o diyalekto sa Pilipinas mula nang sakupin ito ng Espanya.

GUMAWA SILA NG PANGALAN AYON SA KANILANG KAGUSTUHAN

Magkagayunpaman, ang salitang Diyos ay hindi isang personal o angkop na pangalan, ito ay isang katawagan lamang.

At ang lahat na mga pangalan na kanilang nalikha ay batay lamang sa kanilang sariling wika at kaugalian.

Sakasalukuyang panahon patuloy na dumarami ang relihiyon,   kaalinsabay ng pagdami rin ng pangalan ng maylikha

TAYO BA AY MAY KARAPATANG MAG BIGAY NG PANGALAN SA DIYOS?

Nararapat lamang na ang pangalan ng nag-iisa at natatanging Diyos ay angkop sa Kanyang kagustuhan at hindi ng alinmang lahi, tribo, lingguwahi o alinmang uri ng relihiyon.

Ang mga kasapi ng “SAKSI NI JEHOVAH” ay tumatawag sa Maylikha ng JEHOVAH at ang katawagang ito ay mababasa sa Bibliya, kahalintulad ng Kings James Version at sa iba pang kasulatan.

Subalit may mga Bibliya na ang Katawagan sa Maylikha ay YAHWEH, halimbawa, ang Douay Version na ginagamit ng mga Romano Katoliko.

Bakit may JEHOVAH at YAHWEH bakit hindi nagkatugma ang katawagan ng may Likha?

ANG KATAWAGANG “JEHOVAH” AY NAGSIMULANG GAMITIN NOONG IKA-16 na dantaon o siglo lamang.

Nabuo ito mula sa apat na titik nanakasulat sa orihinal na mga Kasulatan ang Y-H-W-H na siyang katumbas ng mga ito sa makabagong paraan ng pagsulat ng Roman o Latin alphabet.

ANG APAT NA TITIK NA Y-H-W-H

Ang apat na titik na Y-H-W-H hindi nila maintindihan kungano ang kahulugan at ito ay tinatawag sa Griego ng katagang Tetra Grammaton (apat na titik)

Sa orihinal na Kasulatan, ang mga nasabing titik na nasulat sa apat na katinig (consonant) lamang ayon sa katutubong istilo o paraan ng pagsulat ng mga Hudyo sa wikang Hebreo,

At sa kadahilanang hindi maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng apat na titik Y-H-W-H ang mga nagsalin ng Banal na Kasulatan ang siyang nagpuno ng mga patinig (vowels) ayon sa kanilang sariling kagustuhan o pamamaraan.

Kung kaya sa bersiyon o salin ng Bibliya ng Romano Katoliko, ito ay naisulat sa katawagang “YAHWEH” sa pamamagitan ng paglagay ng patinig (vowels) na A at E kaya naging Y a H W e H

AT BAKIT ITO NAIBA! ANG YAHWEH NAGING JEHOVAH?

Ayon sa mga dalubhasa ng ibat-ibang relihiyon kung bakit naging JEHOVAH, sa kadahilanang sa bansang Alemanya o Yuropa ang kanilang wika ay walang titik na Y at sa halip J ang ginagamit para sa nasabing titik.

At ang W na wala sa alpabetong Aleman ay napalitan ng V at ang naging katumbas ng YAHWEH ay JEHOVAH. Mula sa katawagang ito ay ipinangalan ng nagtatag ang kanyang relihiyon ng SAKSI NI JEHOVAH. Kaya sa madaling sabi ang pangalang “JEHOVAH” ay galing din sa pangalang “YAHWEH”.

ANG PROBLEMA SA TITIK NA “Y at W” at “J at V”

Ang mga Aleman o Yuropyan na mga kristiyano kanilang pinalago ang problema sa titik na Y at W wala silang Y at W kundi J at V sa kanilang wika.

Halimbawa:

Yael                 naging           Joel

Yehuda               ‘’                 Jud

Yeheshua           ‘’                 Joshua

Yesus                 ‘’                 Jesus

Yehowah            ‘’                Jehovah

KUNG KAYA’T ITO ANG PORMULA ang Ynaging at ang W naging V

Plus patinig: e and o and a - it becomes Je HVa H

MAGING ANUMAN ANG LAHI, KULAY O WIKA

Sa relihiyong Islam, maging anuman ang lahi, kulay o wika ng isang Muslim, may iisang pangalan lamang ang ginagamit para sa Nag-iisa at Tanging Tagapaglikha, ang pangalang Allah (swt).

Allah (swt) ang personal at pangalang pantangi sa nag iisa at Tanging Maylikha; ang pangalang Allah (swt) ay walang kasarian, o bilang, ditulad ng Diyos o Diyosa na maaaring maging panlalaki o pambabae at maaari din na maging pangmaramihan o pangkaisahan.

NARARAPAT LAMANG NA MAY IISANG PANGALAN

Si Allah (swt) ay nararapat lamang na may nag-iisang pangalan na aangkop sa Kanyang katangiang nag-iisa at walang kahalintulad.

Halimbawa: sa Dakilang Qur’an ang bawat surah (kabanata), maliban sa isa ay nagsisimula sa salitang BISMILLAH HIR-RAHMANIR-RAHIM (Sa Ngalan ni Allah, ang Pinakamahabagin, ang Pinakamaawain).

PAGLILINGKOD KAY ALLAH (SWT) NA MAY PAGKAKAISA

Noon paman ang mga Muslim sumamba Kay Allah (swt) ng may pagkakaisa sa pagtawag ng Kanyang pangalan at sa pamamaraan ng pagdarasal anumang lahi, kulay at wika saan mangdako ng daigdig.

SA BIBLIYA AY MAY KATIBAYAN NA ANG DIYOS AY MAY IISANG PANGALAN LAMANG

Zechariah 14:9 And the LORD shall be king over all the earth: in that day shall there be one LORD, and his name one.

Zakarias 14:9 “At ang Paginoon ay maghahari sa sangkalupaan: at sa araw na iyon ay may iisang Panginoon, at ang Kanyang Pangalan ay isa.”

AT IBABALIK NG DIYOS ANG ISANG DALISAY NA PANANALITA

Zephaniah 3:9 For then will I turn to the people a pure language,

Zepania 3:9 “Samakatuwid, Aking ibabalik sa sangkatauhan ang isang dalisay na pananalita.

ANONG DALISAY NA PANANALITA ANG IBABALIK NG DIYOS?

Ang kasagutan ay ang wikang Arabik, ang isa sa tatlong lengguwahing tinataguriang Semitikong wika ang (Hebreo, Aramaik at Arabik) wikang ginagamit ng mga Propeta at Sugo ng Diyos.

AT ANG LAHAT AY TATAWAG SA PANGALAN NG DIYOS

Zepania 3:9 …upang silang lahat ay tatawag sa pangalan ng Panginoon,

Zephania 3:9 …that they may all call upon the name of the Lord,

Ngayon malinaw na ang Diyos ay may pangalan at walang iba kundi Allah (swt)

ANONG RELIHIYON SA NGAYON ANG TUMATAWAG SA DIYOS SA IISANG PANGALAN AT NANINILBIHAN NA MAY PAGKAKAISA?

Walang iba kundi ang relihiyong Islam at ang mga Muslim anumang lahi, kulay at tribo ay may iisang Diyos at may iisang pangalan kundi Allah (swt) at may iisang wika sa pagsamba ang Arabik.

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top