ANG IBA PANG PAGKAKAIBA NG MGA HUDYO, KRISTIYANO AT MUSLIM AY ANG PANANAW KAY JESUS (AS)

(ni: bro. ahmad erandio)

 

Ang mga Hudyo si Jesus (as) ay hindi pinaniwalaan na siya ay Diyos ni Propeta manlamang bagkos tinawag nilang Impostor kung kaya gusto nilang patayin sa Krus sa kadahilanang si Jesus (as) ayon sa kanila ay isang makasalanan.

ANG MGA KRISTIYANO NAMAN AY MAY PANINIWALANG SI JESUS (AS) AY DIYOS NA NAGKATAWANG TAO

Ang paniniwalang ito ay malimit na sinasabi sa ibat-ibang relihiyon ng Kristiyanismo Subalit ang nakapagtataka wala namang nakasulat sa Bibliya na ang Diyos naging tao?
At kung pag-aralan natin ang Bibliya ating matunghayan na maraming bersikulo sa Bibliya na nagsasaad na ang Diyos ay hindi tao ni anak ng tao.

Halimbawa: Mga Bilang 23:19 Hindi tao ang Diyos para magsinungaling, o anak ng tao para magsisi.

AT AYON KAY JUAN ANG SABI NI JESUS (AS) KAILANMA’Y DI NINYO NAKITA ANG ANYO NG DIYOS.
Halimbawa: Juan 5:37. At nagpapatunay rin sa akin ang Amang nagsugo sa akin. Kailanma’y di ninyo narinig ang kanyang tinig ni nakita ang kanyang anyo.
AT AYON PA SA BIBLIYA SI JESUS (AS) AY TAONG APROBADO NG DIYOS!

Halimbawa: Acts 2:22 Ye men of Israel, hear these words; Jesus of Nazareth, a man approved of God among you by miracles and wonders and signs..(KJV)

AYON KAY MATEO SI JESUS (AS) AY PROPETA

Mateo 21:10 Pagpasok ni Jesus sa Jerusalem, nagulo ang buong lunsod, at nagtanungan sila: “Sino ito?” 11. At sumagot naman ang mga tao: “Ito ang propetang si Jesus na taga-Nazaret ng Galilea.”

AT KINUMPERMA NG QUR’AN ANG PAGKA PROPETA NI JESUS (AS)

Quran 19:30. (at sinabi ni Jesus) “Katiyakan, ako ay alipin ng Allâh, na Siyang nagpasiya na ako ay pagkalooban ng Aklat na ‘Injeel – (Ebanghilyo)’ at ginawa Niya akong Propeta.

Sa Qur’an malinaw ang nakasaad na ang Diyos kailanman ay hindi maaring maging kahalintulad sa kanyang mga nilikha.

Qur’an 112:4. “At kailanman ay walang maihahalintulad sa Kanya, sa Kanyang Pangalan, sa Kanyang mga Katangian at sa Kanyang mga Gawain, na luwalhati sa Kanya na Kataas-Taasan.”

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top