GAANO KATOTOO ANG IYONG RELIHIYON?
ni: bro. ahmad erandio

 

Most Important Question 1024x1024

ANO BA ANG IBIG SABIHIN NG RELIHIYON?

Relihiyon ay gabay at daan kung paano tayo mamumuhay ayon sa batas ng Diyos.

Isa pangpakahulugan ng relihiyon ay sistimang pang ispiritwal, pang pisikal at pang ikonomiyang pamumuhay ng isang taong deboto sa kanyang kinaanibang pananampalataya anuman mayroon siya nito.

Ang bawat tao ay isinilang sa kalagayang hindi sa kanyang sariling kagustuhang pumili, kundi ayon sa relihiyon ng kanyang mga magulang o idolohiya ng lipunan na siyang kinagisnan.

Subalit kapag dumating ang panahon na siya ay nasa tamang gulang nakaukit na sakanyang isipan sa paniniwalang ang kanyang relihiyon sa lipunang kinagisnan ang siyang tama na nararapat sundin ng bawat isa.

Subalit sa mga naghahanap ng katutuhanan nagkakaroon sila ng agam-agam o pag-aalinlangan kung bakit may ibat-ibang relihiyon at ang bawat isa ay nag-aangkin na sila ang nasa tamang pananampalataya.

RELIHIYONG IPINANGALAN SA TAO

Napakaraming relihiyong ipinangalan sa mga taong kinikilalang Banal at kanilang napagpasyahan matapos lumipas ang napakaraming taon.

halimbawa:

1. KRISTIYANISMO - ipinangalan matapos nawala si Kristo Hesus (as)
2. BUDISMO - ipinangalan matapos nawala si Buddha
3. RIZALISMO - ipinangalan matapos nawala si Jose Rizal

RELIHIYONG IPINANGALAN SA TRIBO: HALIMBAWA:
JUDAISMO - ipinangalan sa tribo ni Judah sa Judea
HINDUWISMO - ipinangalan sa tribo ng mga Hindus

LAHAT NG RELIHIYON AY NAG-AANGKING SILA ANG NASA TAMANG PANANAMPALATAYA.

At kung ang lahat ay nag-aangkin na sila ang nasatamang pananampalataya ang katanungan paano natin malalaman ang totoong relihiyon?

ALAMIN NATIN ANG PANANAW NG BAWAT ISA:

1. ILAN BA ANG RELIHIYONG IPINADALA NG DIYOS?
2. ILAN BA ANG RELIHIYONG NAGSIPAGLABASAN SA NGAYON?
3. AT KAILAN BA IPINADALA NG DIYOS ANG TOTOONG RELIHIYON?
#
CHURCH                                              FOUNDER                                                      PLACE                                           TIME

1. Roman Catholic                  Constantine, Boniface 111  etc.                                    Rome 300                                   A.C.(After Christ)

2. Lutheran                                          Martin Luther                                                    Germany                                        1520 A.C.

3. Presbyterian                                    John Calvin                                                     Switzerland                                     1534 A.C.

4. Baptist                                            John Smyth                                                        Holland                                          1607 A.C.

5. Protestant                     Approved by his Majesty   the king James                          England                                          1611 A.C.

6. Methodist                                        John Wesley                                                     England                                         1734 A.C.

7. Iglisia ni Kristo                                Felix Manalo                                                   Philippines                                        1914 A.C.

8. Elshadai                                          Mike Velarde                                                    Luneta                                         1980’ SA.C.

9. Ana Dating Daan                            Ely Soriano                                                    Pampangga                                    1980’S A.C.

10. Rizalian                                         Kabadong                                                      St. Lucia                                    Laguna 1960’s AC


FOUNDER OF ISLAM

FOUNDER PLACE TIME
ALLAH MIDDLE EAST ADAM

HALIMBAWA KUNG TAYO AY NASA KAPANAHUNAN NI JESUS (AS)

At nasalubong natin siya at nagtanong tayo sa kanya o Jesus (as) ano ang iyong relihiyon?

ANO ANG KASAGUTAN NI JESUS (SA)?

Katiyakan, ni walang isang relihiyon ng Kristiyanismo ang kanyang babanggitin sapagkat ni isa kailanman ay hindi niya naririnig o nabasa sa alin mang Kasulatan sa kanyang kapanahunan.

AT SASABIHIN NI HESUS (AS) AKO AY MUSLIM! BAKIT PROPETA JESUS?

Sapagkat ako ay isang totoong mananampalataya sa Diyos at kusang sumusunod sa Kanyang kagustuhan nakahalintulad sa mga Propeta at Sugo.

ANG BATAYAN NG TOTOONG RELIHIYON:

1. KAILANGAN ITO AY NAGMULA SA DIYOS

Quran 3:19. Katiyakan, ang ‘Deen’ (Relihiyon) na katanggap-tanggap sa Allâh () para sa Kanyang mga nilikha, na ito ang naging dahilan ng pagkakapadala Niya ng mga Sugo, at wala Siyang tatanggapin maliban (sa ‘Deen’ na) ito.
Ito ay ang Al-Islâm, ang pagsuko sa Kanya - pagsuko sa Allâh () na Nag-iisa sa pamamagitan ng pagsunod at pagpapasailalim sa Kanya bilang pagsamba at pagiging alipin.

2. KAILANGAN RELIHIYON ITO SA LAHAT NG MGA PROPETA AT SUGO

Quran 42:13. Ipinag-utos ng Allâh () sa inyo, O kayong mga tao, mula sa batas ng ‘Deen’ ( Relihiyon) na Kanyang ipinahayag sa iyo, O Muhammad (), na ito ay ang Islâm, na katulad ng Kanyang ipinag-utos kay Nûh (Noah ), na ito ay kanyang sundin at ipalaganap,

At ganoon din ang ipinahayag Niya kay Ibrâhim (Abraham ), Mousã (Moises ) at `Îsã (Hesus ) – sila ang limang magigiting na mga Sugo – na itayo ninyo ang ‘Deen’ (Relihiyon) ng Kaisahan ng Allâh (), pagsunod at bukod-tanging pagsamba sa Kanya na wala nang iba, at huwag kayong magsalungatan sa ‘Deen’ na ipinag-utos sa inyo.

3. KAILANGAN ITO AY RELIHIYON AT BATAS NA UMIIRAL SA LIPUNAN

Ang Islam ay nag-iisang Relihiyon sa buong mundo na puwidi siyang relihiyon at batas na umiiral sa lipunan. At kung bakit puwidi siyang maging batas sa lipunan, sapagkat ang Islam ay nagmula sa Diyos at kompleto sa anumang aspeto na panganga-ilangan ng isang tao.

4. KAPAG ANG IYONG KINATAYUANG RELIHIYON ANG PAGSAMBA AY KAHALINTULAD SA MGA PROPETA AT SUGO

Qur’an 48:29. …at mga maawain sa kanilang pakikitungo sa isa’t isa na makikita mo sila, na mga nakayuko, nakapatirapa sa Allâh () sa kanilang pagsasagawa ng ‘Salâh,’ (pagdarasal) na hinihiling nila sa Allâh () na kanilang ‘Rabb’ na Tagapaglikha ang Kanyang kagandahang-loob sa Kanya na sila ay papasukin sa ‘Al-Jannah’ (Hardin) at kalulugdan sila at ganito rin ang kanilang katangian na nabanggit sa ‘Tawrah.’ [na Kasulatan ni Moises – (as)] At ang kanilang katangian na nabanggit sa ‘Injeel’ (“Ebanghilyo” ni Hesus –as).

At kahit sa mga naunang mga kasulatan mababasa rin natin na nilalapat ni Abraham (as), at Jesus (as) ang kanilang mga noo sa lupa.
Genesis 17:3 Nagpatirapa si Abraham
Mathew 26:39 Nagpatirapa si Jesus

ISLAM LANG ANG RELIHIYONG TATANGGAPIN NI ALLAH (SWT) SA KABILANG BUHAY

Quran 3:85. At sinuman ang maghahangad ng ‘Deen’ (Relihiyon) maliban sa ‘Deen’ na ‘Al-Islâm’ na ito ay ang pagsuko sa Allâh () sa Kanyang Kaisahan at paniniwala sa Kanyang huling Sugo na si Muhammad () ay hindi ito tatanggapin sa kanya at sa Kabilang-Buhay ay kabilang siya sa mga talunan.

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top