Sino si Muhammad ﷺ?


Muhammad ﷺ, huling Sugo at Propeta ng Diyos


Si Muhammad ay ang huling Sugo na ipinadala ng Diyos sa sangkatauhan, wala ng propetang susunod sa kanya, sinabi ng Allah:

(Si Muhammad ay hindi ama ng kahit na sinuman sa inyo na mga kalalakihan, kundi siya ay Sugo ng Allah at ang pinakaselyado o pinakahuli sa lahat ng mga Propeta, kaya wala nang Propetang isusugo pagkatapos niya hanggang sa Araw ng Muling Pagkabuhay. At ang Allah ay ‘`Aleem’ – Ganap na Nakaaalam sa lahat ng bagay na inyong ginagawa at walang anuman ang naililihim sa Kanya.) [Qur’an 33:40]

Si Muhammad ﷺ ay ipinanganak sa lungsod ng Makkah, sa katunayan bago siya naging Sugo ng Diyos siya ay kinilalang As-saadequ Al-ameen (Ang matapat na mapagkakatiwalaan).

Si propeta Eisa (Hesus) at propeta Muhammad ay iisa ang pinagmulan; ang kanilang pinanggalingan ay si Propeta Abraham, dahil si Muhammad ay galing sa angkan ni Ismael at si Hesus naman ay galing sa angkan ni Isaac at silang parehas ay anak ni Abraham - nawa’y ang kapayapaan ay mapasa kanilang lahat, - sa katunayan na nakasaad sa marangal na Qur’an si Propeta Hesus ang nagbigay ng balita at tumestigo sa pagiging Sugo ni Muhammad ﷺ pagkatapos niya:

(Ipaalaala mo, O Muhammad, sa iyong sambayanan, noong sinabi ni Eisa (Hesus) na anak ni Maryam sa kanyang sambayanan: “O angkan ni Isra`el, walang pag-aalinlangan, ako ay Sugo ng Allah sa inyo na pinatutunayan ang anumang dumating na nauna kaysa sa akin na ‘Tawrah,’ at nagbibigay ng magandang balita at tumitestigo sa Sugo na darating pagkatapos ko na ang kanyang pangalan ay Ahmad, [na siya si Muhammad], at mag-aanyaya na siya ay paniwalaan,” subali’t nang dumating sa kanila si Muhammad na may dala-dalang malilinaw na mga talata, kanilang sinabi: “Ang dala-dala mo sa amin ay malinaw na salamangka.”) [Qur’an 61:6]

Si Muhammad ﷺ ay mapagkakatiwalaang tao, matapat sa kanyang mga sinasabi, mabait, mahinahon, makatarungan, makatao, matulungin sa kapwa, siya ay mabuti bilang tao, anak, asawa, magulang, kaibigan at bilang propeta at sugo.

Sa edad na 40 ay itinalaga ng Diyos si Muhammad bilang huling propeta at sugo, at siya ay namatay sa edad na 63.

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top