Agham: Ambag mula sa Islam

Astronomiya

Ang mga Muslim ay laging may natatanging pagkahilig sa larangan ng Agham tulad ng Astronomiya. Ang buwan at ang araw ay napakahalaga sa araw-araw na pamumuhay ng bawat Muslim. Sa pamamagitan ng buwan, ang mga Muslim ay nalalaman ang simula at katapusan ng mga buwan sa kanilang kalendaryong lunar. Sa pamamagitan ng araw, ang mga Muslim ay natatantiya ang mga oras ng pagdarasal at pag-aayuno. Sa pamamagitan din ng astronomiya ang mga Muslim ay nagagawang malaman ang tumpak na kinaroroonan ng Qiblah, upang humarap sa Ka’bah sa Makkah, sa oras ng pagdarasal.

Ang pinakatumpak na kalendaryong solar, higit na mahusay sa Julian, ay ang Jilali, ginawa sa ilalim ng pangangasiwa ni Umar Khayyam.

Ang Qur’an ay naglalaman ng maraming mga sanggunian sa astronomiya:

“At Siya yaong lumikha ng gabi at umaga at ng araw at buwan; lahat [ng buntala sa kalangitan] na sa pag-inog ay lumalangoy.” [Maluwalhating Qur’an 21:33]

Ang mga sangguniang ito, at ang mga kautusan na matuto, ang pumukaw sa mga naunang pantas na Muslim upang pag-aralan ang kalangitan. Pinagsama nila ang mga naunang nagawa ng mga Indiyano, Persiyano at Griyego sa isang bagong pagbubuo ng pag-aaral.

Ang Ptolemy’s Almagest (ang pamagat na kilala natin ngayon sa katunayan ay Arabik) ay isinalin, pinag-aralan at pinuna. Maraming mga bagong bituin ang natuklasan, gaya ng makikita natin sa kanilang mga pangalang Arabik – Algol, Deneb, Betelgeuse, Rigel, Aldebaran. Ang mga Astronomikong talaan ay pinagsama, kabilang sa kanila ang mga Toledang talaan, na ginamit ni Copernicus, Tycho Brahe at Kepler.

Pinagsama din ang mga almanak – isa pang Arabik na katawagan. Ang iba pang mga katawagang mula sa Arabik ay zenith, nadir, Aledo, azimuth.

Ang mga Muslim na astronomo ay ang unang nagtatag ng mga obserbatoryo, katulad ng isang itinayo sa Mugharah ni Hulagu, na anak ni Genghis Khan, sa Persiya, at sila ay umimbento ng mga kagamitan katulad ng kuwadrante at astrolabe, na nagbigay daan sa kanilang mga pag-usad hindi lamang sa astronomiya kundi sa pangkaragatang paglalayag, na nag-ambag sa panahon ng pananaliksik sa Europa.

Source: relihiyongislam

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top