Agham: Ambag mula sa Islam
Sangkatauhan
Ang paghahanap ng kaalaman ay tungkulin sa Islam para sa bawat Muslim, lalaki at babae. Ang pangunahing pinagkukunan ng Islam, ang Quran at ang Sunnah (mga tradisyon ni Propeta Muhammad), hinihikayat ang mga Muslim na maghanap ng kaalaman at maging mga pantas, yamang ito ang pinakamainam na paraan para sa mga tao upang makilala si Allah (Diyos), upang pahalagahan ang Kanyang mga kamangha-manghang mga nilikha at maging mapagpasalamat para sa mga ito.
Ang mga Muslim ay laging masigasig sa paghahanap ng kaalaman, kapwa pangrelihiyon at sekyular, at sa loob ng ilang taong misyon ni Muhammad, isang malaking sibilisasyon ang sumibol at umunlad. Ang bunga ay makikita sa paglaganap ng Islamikong pamantasan; Al-Zaytunah sa Tunis, at Al-Azhar sa Cairo na noon pang mahigit nang 1,000 taon at pinakamatanda sa mga umiiral na pamantasan sa daigdig. Tunay, ito ang mga huwaran para sa mga unang Europeong pamantasan, katulad ng Bologna, Heidelberg, at ang Sorbonne. Maging ang kilalang akademikong gora at toga ay nagmula sa Pamantasan ng Al-Azhar.
Ang mga Muslim ay nakagawa ng malalaking pagsulong sa ibat-ibang larangan, katulad ng heograpiya, pisika, kimika, matematika, medisina, parmakolohiya, arkitektura, mga lingguistika at astronomiya. Ang Alhebra at Arabikong mga pamilang ay ipinakilala sa daigdig ng mga pantas na Muslim. Ang astrolabe, ang kuwadrante, at iba pang mga kagamitan sa paglalayag at mga mapa ay pinaunlad ng mga pantas na Muslim at gumanap ng mahalagang papel sa pag-unlad ng mundo, higit na kapansin-pansin ang panahon ng pananaliksik sa Europa.
Ang mga pantas na Muslim ay pinag-aralan ang mga sinaunang sibilisasyon mula sa Gresya at Roma hanggang Tsina at Indiya. Ang mga gawa ni Aristotle, Ptolemy, Euclid, at iba pa ay naisalin sa Arabik. Ang mga pantas na Muslim at mga siyentipiko pagkatapos ay idinagdag ng kanilang mga malikhaing kaisipan, mga tuklas, at mga imbensyon, at nang huli ay inihatid ang makabagong kaalamang ito sa Europa, tungo sa muling pag-usbong. Maraming mga siyentipiko at medikal na mga sanaysay, ang naisalin sa Latin, na ang karaniwang teksto at sangguniang mga aklat na noong pang ika-17 at ika-18 siglo.
Source: relihiyongislam