Malinis na Pagkain at Kabuhayan Para sa Lahat

 

Eating The Islamic Way part 1 of 2. 001


Ang pagkaing malinis at mainam na kabuhayan ay nakatalaga sa Islamikong pamayanan, mula sa maayos at magandang hanap-buhay. Ang Islamikong pamahalaan ay may nakalaan na mabuting gawain para sa mga mamamayan para sa kanilang pangangailangan sa buhay.

At ang mga taong hindi na kayang maghanapbuhay, mga matatanda, mga may kapansanan, may karamdamang hindi na gagaling, at ang mga naulila sa mga ama, ay dapat paglaanan ng pamahalaang Islamiko ng kanilang kabuhayan. Ang mga Zakah at kawanggawa ay nararapat sa mga ganitong uri ng tao na hindi na makapaghanap-buhay.


Ang Zakah at mga kawanggawa ay kumakatawan bilang mekanismo sa panlipunang pagkakaisa ng mga mamamayan sa Islamikong pamayanan. Ang Zakah at kawanggawa ay mga tungkulin at kusang pagbibigay mula sa mga mayayaman at mga may kakayahan at ibinibigay ito sa mga tunay na mahihirap at nangangailangan sa pamayanan. Ito ay batay sa Hadith ng Propeta ng Allah (saw) bilang payo sa kanyang kasamahan na si Muaadh bin Jabal (ra) samantalang inuutusan siyang pumunta ng Yemen upang ipalaganap ang Islam (Dawah- layuning mag-aanyaya sa Islam): “Sabihin mo sa mga mamamayan ng Yemen na ipinag-uutos ng Allah na magbigay ng tulong, ilang bahagdan mula sa kanilang mga kayamanan bilang Zakah at Sadaqah (kawanggawa). Ang Zakah ay mula sa mga mayayamang mamamayan na kasapi ng kanilang pamayanan at ibinibigay sa mga mahihirap at sa mga taong nangangailangan.”(Iniulat ni Muslim) 

Karagdagan dito, ang mga ibang kusang loob na kawanggawa at tulong o handog at mga salaping nakalaan dito ay ibinibigay ng taos-puso sa mga mahihirap na mamamayan, na may tanging layunin upang bigyang kasiyahan at lugod ang Allah. Ang pahayag na ito ay batay sa Hadith ng Propeta ng Allah (saw): “Sino man sa mga taong nakatira sa isang Islamikong pamayanan at hindi binigyang pagpapahalaga ang kanyang kapwa na nagugutom (nagdarahop) siya ay hindi itinuturing ng Allah at ng Kanyang Propeta bilang tunay na Muslim.” (Mosnad Ahmad)


Ang mga mahihirap at ang mga dukhang mamamayan ay may karapatang bigyan ng tulong mula sa Kaban ng Muslim na Lipunan (Bait-al-Mal AI Muslimeen). Ang paglalahad ng aral na ito ay batay sa Hadith ng Propeta ng Allah (saw): “Ang sinumang may naiwanang yaman upang ipamana ay nararapat ibigay sa kanyang mga tagapagmana (heredero). Ngunit yaong mga taong iniwang mahihirap na miyembro ng pantilya, ang Allah at ang Propeta ang magkakaloob ng mga pangangailangan nila.” (Iniulat ni Imam Bukhari) 

[Mula sa aklat “Ang mga Karapatan ng Tao sa Islam,” ni Abdul-Rahman Al-Sheba]

Source: ni Ust. Mohammad F. Sumaway, Da’iyah, KPCCenter, Kuwait

 

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top