Bakit Bawal Kainin Ang Baboy



(Itong artikulo ay base sa tanong ng isang bagong-yakap sa Islam na si kapatid  na si  Yanson Becamon).

Tanong: Bakit daw di nakain o bawal and baboy sa mga Muslim?

Sagot: Ni Abdul Aziz)

 

Ang Sagot
Isa sa mga napakainam sa Islam ay ang pagkakaroon ng MALINIS NA PAGKAIN para sa ating mga MUSLIM hindi yung kain ka lang ng kain pero hindi mo alam kung ano nga ba ang magiging bunga nito sa ating katawan.

 

At Ang Allah ay hindi lumikha ng batas na hindi nakakabuti sa atin, kung minsan ay nilIkha Ng Allah (swt) ang mga bagay na ang akala natin ito ay para sa ating pangangailangan pero hindi natin alam na ito pala ay BILANG PAGSUBOK SA ATIN sapagkat lahat ng bagay sa mundo ay pawang PAGSUBOK LAMANG SA ATIN.

 

Kaya nga pagtapos nating YUMAKAP sa ISLAM ang isa sa mga pagbabago sa ating mga sarili bukod sa mga IBADAH (pagsamba) na hindi mo ginagawa ay ang MAAYOS NA KASOOTAN (na hindi mo naman dating ginagawa) ang AKHLAQ (mabuting paguugali) gayon din ang PAGKAIN at INUMIN (mga HALAL) katotohanan ang Pagbabago ay una sa ating sarili (sa pamamagitan ng pagsunod sa Islam) {Innallaha la yughayyiru ma bi qawmin, hatta yughayyiru ma bi anfusihim} {HINDI BABAGUHIN NG ALLAH ANG KALAGAYAN NG ISANG TAO HANGGAT HINDI NITO BINABAGO ANG KANYANG KALAGAYAN} kaya ang PAGBABAGO ay una sa lahat ang PAGPAPASAKOP SA ALLAH AT PAGSUNOD SA KANYANG MGA UTOS KATOTOHANAN MAGBABAGO ANG LAHAT SA ATIN

 

Ang tungkol naman sa Pagkain sinabi Ng Allah (swt) sa kabanata ng al-Araf:

{wayuhillu lahumut’tayyibat}

Ayon dito:

{ ipinahihintulot sa kanila ang lahat ng mga malilinis na mga pagkain, mga inumin }.

Maraming kabanata sa Banal na Qur’an kapatid na nagsasabi ayon sa inutos Ng Allah (swt) pagkatapos Niyang mabanggit ang MAYTAH (mga hayop na patay) ay hindi maaring kainin ilan dto ay ang sinabi Ng Allah (swt) sa kabanta ng al-Baqarah:

{ Innamaharrama ‘alaykumul maytata wad’dama wal ahmal khinziri }

Ayon dito

{ Ang mga ipinagbabawal lamang Ng Allah sa inyo ay ang lahat ng mga nakapipinsala na katulad ng: ‘Al-Maytah’ – hindi nakatay sa pamamaraan na ipinag-utos ng Islam, dugo, mga karne ng baboy }

 

ang mga DALUBHASANG MGA DOKTOR (na hindi Muslim) ay nagkakaisa sila sa buong mundo na ang hayop na patay na ay na hindi nailagay agad sa malamig na lugar (REF) ito ay nakukuntamina ng milyong bakterya sa loob lamang ng 30 segundo pagkatapos nitong mamatay (ito ang MAYTA na itinuturing sa Banal na Qur'an).

 

At ang KARNE naman ng BABOY ay MARUMI kung kaya ito ay nag-uugat ng mga hindi nagagamot na karamdaman at isa sa nakakabahala sa pagkain ng karne ng baboy ay ang taglay nito na isang uri ng tapeworms na humahaba hangang sa 2-3 meters na parehong matatagpuan sa labas at loob ng kare nito external (ectoparasites) at ang internal (endoparasites) parasites na nabubuhay sa pinakamainit na temperature ang tawag dito ay trichinosis worm sa makatuwid kahit na lutuin mo ang karne nito ay nanatiling buhay ang mga parasaites kahit na itoi ay naluto pa at habang ito ay kakainin mo kaya ang posibleng mangyari ayon sa mga dalubhasa ay mamahay ang mga parasites sa iyong tiyan at pagkatapos sisipsipin nito ang lahat ng susutansiya ng katawan mo instead na mapunta ito sa buong katawan mapupunta sa parasitaes, gayoon din ay maapektuhan nito ang mga cells na kung saan nagiging pananggalang natin sa mga uri ng sakit at kapag nangyari na ito, dito na unti unting magkakasakit ang tao dipende kung saan siya titirahin hindi lamang iyan sapagkat mahigit 70 uri ng bakterya mayroon ang loob ng baboy ayon sa mga dalubhasang doktor.

 

Ito ang hindi nalalaman ng tao kung gaano ba kadumi ang karne ng baboy maging ang pag-aalaga nito sa totoo lang may posibilidad na makontamina ito sa mga tao na nakapaligid sa lugar na pinag-aalagaan ng mga baboy kaya sobrang mapanganib talaga sapagkat ang parasites nito ay mabilis na humahawa sa iba.

 

Ngayon kung sa mga Kristiano naman tayo babase ang katotohanan kapatid matigas lang talaga ang ulo ng tao sapagkat hindi nila sinusunod ang pagbabawal sa mga naunang tao base sa LUMANG TIPAN sa kabanata ng Deuteronimo ito ay kabilang sa mga KARUMALDUMAL NA PAGKAIN ayon sa Diyos.

 

DEUTERONIMO 14:3 “Huwag kang kakain ng anomang karumaldumal na bagay

DEUTERONIMO 14:8 “At ang baboy, sapagka't may hating paa, nguni't hindi ngumunguya, ito'y marumi sa inyo: ang laman nila'y huwag ninyong kakanin, at ang kanilang bangkay ay huwag hihipuin."

 

Kung pagbabasihan nga natin yung huling salita na (at ang kanilang bangkay ay huwag hihipuin) ito ay malinaw na MAYTA gayoon din ang sinasaad sa kabanata ng Leviticus.

LEVITICUS 11:7 “At ang baboy, sapagka't may hati ang paa at baak, datapuwa't hindi ngumunguya, karumaldumal nga sa inyo.“

LEVITICUS 11:8 “Huwag kayong kakain ng laman ng mga iyan,”

 

Ang mga kauutusang ito ay inuutos ng Diyos sa mga Propeta (ayon sa Lumang Tipan) subalit sa Bagong Tipan pinipilit ng mga PASTOR, MINISTRO, at mga PARI (kaya hindi nila itinuturo sa iba) dahil BINAGO NA DAW NI HESUS ANG BATAS NUONG SIYA AY MAMATAY AT MULING NABUHAY…ano naman ang masasabi ni Hesus dito? Sasagot si Hesus mismo mula sa aklat ng Mateo.

MATEO 5:17 " Huwag ninyong akalain na naparito ako upang ipawalang bisa ang kautusan ng mga propeta (ANG TINUTUKOY DITO AY ANG LUMANG TIPAN) naparito ako hindi upang ipawalang bisa ang mga iyon kundi upang ganapin (IPAGPAPATULOY DAW NIYA)"

Kaya malinaw walang binago si Hesus ALAM NA DIBA? At ayon pa kay Hesus sa Bibliya:

MATEO 5:18 (at sinabi ni Hesus) "tandaan ninyo maglalaho na ang langit at lupa ngunit ni isang tuldok o kudlit man ng Kautusan ay di mawawalan ng bisa."

At ayon kay Pablo na lumikha ng Kristiano at gumawa ng Bibliya mula sa Colosas. Basa!

COLOSAS 2:16 "Kaya’t huwag na kayong magpapasakop pa sa anumang alituntunin tungkol sa pagkain o inumin"

Ayan diba? Malinaw si Pablo pala ang nagpawalang bisa ng mga ipinagbabawal ng Diyos na hindi naman binago ni Hesus ayon sa Mateo 5:17-18 kaya ang sagot ni Heus kay Pablo, basa!

MATEO 5:19 "Kaya’t sinumang magpawalang-bisa sa kaliit-liitang bahagi nito, at magturo nang gayon sa mga tao, ay magiging pinakamababa sa kaharian ng langit. Ngunit ang sumusunod sa Kautusan at nagtuturo sa mga tao na tuparin iyon ay magiging dakila sa kaharian ng langit."

 

Nakita ninyo na sino ngayon ang mas DAKILA sa mata ng Diyos?

Ngayon para malinaw na sa lahat na sino mang susunod kay Pablo na isang PARISEO ay hindi kailan man hindi makakapasok sa kaharian ng langit kaya kung di makakapasok sa Paraiso ALAM NA! kaya lahat ng susunod kay Pablo pasok sa Impiyerno dahil si Pablo mismo pinagyayabang niya na siya ay isang PARISEO ayon sa Aklat ng mga Gawa. Basa!

MGA GAWA 23:6 "MGA KAPATID AKO SI PABLO AY ISANG PARISEO, AT ANAK NG PARISEO."

Kaya sabi ni Hesus:

MATEO 5:20 "Sinasabi ko sa inyo, kung ang pagsunod ninyo sa kalooban ng Diyos ay tulad lamang ng pagsunod ng mga tagapagturo ng Kautusan ng mga PARISEO, hinding-hindi kayo makakapasok sa kaharian ng langit.”

 

NGAYON ALAM NINYO NA?......ALAM NA....

At ipinagyayabang pa ng iba na ang mga siyensya daw umano ay nakapagpalinis na ng baboy na madumi kaya para sa kanila malinis na ang bagay na SINABI NG DIYOS NA MARUMI.

KUNG GAYON LUMALABAS MULA SA KANILA NA MAS MAGALING NA ANG TAO KAYSA SA DIYOS....Tskkkkkk...tskkkkkkkkkk grabe sila ano diba?

 

Kaya mapalad ang mga Muslim sapagkat pinangangalagaan nila ang kanilang kalusugan sa pamamagitan ng mga pagkaing HALAL (pinahihintulot/malinis) at nakikitaan din ng PAGSUNOD SA UTOS NG DIYOS. Alhamdullilah!

Pero may mga ibang tanong naman na related pa dito dagdag lang natin tulad ng mga bagong Muslim na hindi pa alam ang mga bagay na tungkol sa HALAL at HARAM ano ba ang hukom dito batay sa sinabi Ng Allah sa kabanata ng al-Ahzab:

{walakin ma ta’ammadat qulubukum wakanallahu ghafurar rahima}

Ayon dito:

{ At wala kayong kasalanan sa anumang nagawa ninyong pagkakamali kung ito ay hindi ninyo sinasadya, pinarurusahan lamang kayo sa mga bagay na inyong sinasadyang gawin. At Ang Allah ay ‘Ghafour’ (Ganap na Mapagpatawad sa sinumang nagkamali, na ‘Rahim’ (Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal sa sinumang nagsisi sa kanyang kasalanan.)}

 

At sinabi ni Propeta Muhammad (saw):

{“Innalllaha wada’a ‘an 'ummati al khata wannisyana wama astukrihuu ‘alayhi”}

Ayon dito:

Pinatawad Ng Allah ang aking ummah mula sa mga pagkakamali, bunga ng pagkalimot at ang pinipilit nilang gawin na labag sa kanilang damdamin (dahil sa panganganba o nasa bingit ng kamatayan)"[Sunan Ibn Majjah Vol. 3, Book 10, Hadith 2045]

By: Bro Abdul Aziz

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top